Sunday , December 14 2025

hataw tabloid

Maynila, Mandaluyong at San Juan, babahain sa re-alignment ng Skyway

NANAWAGAN si Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” Goitia sa Malakanyang na gawan ng paraan ang panukalang re-alignment sa Section 2 ng Metro Manila Skyway Stage 3 (MMSS) Project para hindi makapaminsala sa Pasig at San Juan Rivers. Sa kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte na pinadaan kay Executive Secretary Salvador Medialdea, unang idiniin ni …

Read More »

NCEE posibleng ibalik (Sa free college tuition) — Diokno

MAAARING ibalik ang state-administered entrance test para sa college students para sa maayos na pangangasiwa sa gastusin para sa libreng matrikula sa state colle-ges and universities, ayon sa isang economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang pagpasa sa National College Entrance Examinations ay ‘requirement’ para sa high school graduates para makapasok sa kolehiyo hanggang sa ito ay buwagin noong 1994. …

Read More »

Davao property kay Alvarez o kay PIATCo king Jeffrey Cheng?

MISTERYO sa mga residente at mga opisyal ng lungsod ng Davao kung sino ang tunay na may-ari ng isang malaking lupa sa Diversion Road (Carlos P. Garcia Highway) Shrine Hills, Matina, na kasalukuyang pinata-tayuan ng bakod nang walang kaukulang permiso mula sa pamahalaang lungsod. Ipinag-utos ng Davao City engineer’s office (CEO) ang pagpapatigil ng konstruksyon ng bakod sa naturang lupain …

Read More »

Panaginip mo, Interpret ko: Snake, man and sex

GOOD morning po Señor, Ako po c Gina. Ask q lang, anu po ba meaning if nanaginip ng snake… ng lalaki and ng about SEX! Sana masagot nyu yung tanong q .. thanks (09182213709) To Gina, Ang ahas sa iyong bungang-tulog ay nagpapakita ng iyong mga nakatagong takot at alalahanin na bumabagabag sa iyo nang labis. Maaari rin na ang …

Read More »

‘Vaginas on fingernails’ bagong quirky trend

ITO ay obvious na mahalay, at maaaring hindi papasa sa panlasa ng lahat. Ngunit ito ay bagong quirky trend. Ipinipinta ito ng ilang mga kababaihan sa kanilang mga kuko. Ito ay latest fairly bizarre thing na patok sa kasalukuyan sa Instagram. Ang ilan sa mga disenyo ay talaga namang detalyado. Sa tinaguriang ‘vagina nails’, metikulusong ipininta ng kababaihan ang female …

Read More »

‘Oplan Manok-hang’ inilunsad vs bird flu (Pampanga ginalugad)

Sabong manok

SAN LUIS, Pampanga – Nagbahay-bahay ang mga awtoridad upang inspeksiyonin kung may natitirang mga manok, itik, bibe, at iba pang mga ibon at itlog sa mga barangay na apektado ng bird flu, nitong Lunes. Ilang manok at kalapati ang kinompiska makaraan galugarin ng mga awtoridad ang mga bahay sa loob ng 1-kilometer radius dito sa bayan. Nauna rito, iniutos ng …

Read More »

7-anyos Filipino descent patay sa Barcelona van attack — DFA

KABILANG ang isang 7-anyos Filipino, unang napaulat na nawawala nitong nakaraang linggo, sa mga napatay sa Barcelona attack, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs, kahapon. “According to Chargé d’Affaires Emmanuel Fernandez, the Philippine Embassy in Madrid was informed of the boy’s demise by his family after his father positively identified his remains,” pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan …

Read More »

Galit ng bayan, ‘wag nang pag-initin pa

NAKAAMBA ang malaking protesta para sa 17-anyos na binatilyo na si Kian Loyd delos Santos, na binaril at pinatay ng tatlong pulis sa isang anti-drug operation sa Caloocan City noong isang linggo. Hindi naman tutol dito ang Malacañang. Nagpupuyos sa galit ang marami sa lantarang pagsisinungaling ng mga pulis na may kagagawan sa pagkamatay ng bata na pinilit umano ng …

Read More »

Manila journos nagpakain ng 200 street children at 100 preso

Ang Pangulo ng MPDPC na si Mer Layson habang nagpapakain ng 200 street children at 100 preso sa isinagawa 2nd MPDPC Feeding mission kahapon. KABUUANG 200 batang lansangan at 100 preso sa Integrated Jail ng Manila Police District (MPD) ang pinakain, binusog at naging benepisyado ng isinagawang ikalawang feeding mission ng mga mamamahayag sa Manila Police District Press Corps (MPDPC) …

Read More »

Crawford tinibag si Indongo sa 3rd

ITINANGHAL na undisputed super lightweight champion si Terrence Crawford pagkatapos gibain si Julius Indongo para agawin ang korona nito sa IBF at WTA. Tangan naman ni Crawford ang korona sa WBA at WBC. GINULPE ni Terrence “Bud” Crawford si Julius Indongo sa 3rd Round para lumuhod sa lona sa nalalabing 1:38 na sinaksihan ng boxing fans kahapon sa Lincoln, Neb. …

Read More »

Talayan Village fire victims, ire-relocate ng PRRC

Lubos ang kalungkutang nadama ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pep” E. Goitia matapos ang malaking sunog na tumupok sa kabahayan at nakaapekto sa 700 pamilyang naninirahan sa Talayan Village sa Quezon City. Sa loob lamang ng apat na oras, nasunog ang dikit-dikit na mga bahay sa Calamba St., Extension ng Barangay Talayan, nakaraang Biyernes …

Read More »

120 katao arestado sa OTBT ops sa Pasig

arrest prison

UMABOT sa 120 katao ang hinuli ng mga pulis sa One Time Big Time operation sa Pasig City, karamihan ay mga tambay sa kalsada na walang pang-itaas na damit, ayon sa tala ng Pasig Philippine National Police (PNP). Ang mga nabanggit ay inaresto simula nitong gabi ng 19 Agosto hanggang umaga ng 20 Agosto, dahil sa paglabag sa iba’t ibang …

Read More »

Pamilya ng natokhang umalma vs bintang na pusher (Sa Quezon City)

gun dead

NAPAGKAMALAN lang, ito ang paliwanag ng mga kaanak ng isang lalaking sinasabing may diperensiya sa pag-iisip na napatay ng mga pulis sa isang operasyon kontra ilegal na droga kamakailan. Napatay si Leover Miranda, 39, makaraan umanong manlaban habang inaaresto ng mga pulis malapit sa kanyang bahay sa Quezon City noong 3 Agosto. Wala sa drug watchlist si Miranda, ayon sa …

Read More »

P30-M jackpot sa Grand Lotto 6/55 sapol nitong Sabado

MAY tumama na sa P30 milyon jackpot ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa draw nitong Sabado ng gabi. Ang winning combination para sa 6/55 jackpot ay 03-44-25-07-55-52. Samantala, walang nanalo sa P20,727,800 jackpot ng Lotto 6/42 nitong Sabado. Ang winning combination para sa 6/42 jackpot ay 35-37-29-16-11-06.

Read More »

Utos ng DoJ: NBI pasok sa kaso ni Kian

INATASAN ng Department of Justice (DoJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos. Sa department order na inisyu nitong Biyernes, inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI na imbestigahan at magsagawa ng case build-up sa pagkamatay ni Delos Santos, na napatay sa anti-illegal drugs operation sa Caloocan City …

Read More »

Kian ‘drug courier’ ng ama, uncles — Dela Rosa

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald dela Rosa, ang Grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos ay nagsilbing drug courier ng kanyang sariling ama at ilan niyang tiyuhin, base sa impormasyon mula sa hepe ng Caloocan City police. Dagdag ni Dela Rosa, ayon sa impormasyon mula sa intelligence community, ang ama ni Delos Santos …

Read More »

Ka-deal sa droga ni Kian inilabas

INIHARAP sa mga mamamahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo ang isang “tulak ng droga” na sinasabing nakakatransaksiyon ni Kian Lloyd Delos Santos, ang Grade 11 student na napaslang kamakailan sa operasyon ng pulisya. Salaysay ng sinasabing drug pusher na si Renato “Nono” Loveras, dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo niya nakakatransaksiyon si Delos Santos. Tahasang sinabi ni …

Read More »

Murder cases sa QC tumaas sa drug-related killings

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) chief, Director Guillermo Eleazar, ang pagtaas ng bilang ng murder cases sa lungsod ay dahil sa drug-related deaths. “Kung ico-compare sa previous year, talagang tumaas siya [murder]. Pero ang tinitignan namin ay ang tumaas ay yung mga drug-related murder cases,” pahayag ni Eleazar. Ang ipinaliliwanag ng QCPD chief ay hinggil sa halos 100 …

Read More »

Pulis patay sa anti-drug ops sa Cebu (Nasa drug list ni Digong)

shabu drugs dead

TALISAY CITY – Patay ang isang pulis at kanyang misis sa anti-illegal drugs operation sa Brgy. Pooc, Talisay City, Cebu, nitong Martes. Si PO3 Ryan Quiamco ay nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente, habang ang misis niyang si Rizalyn, ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital. Ayon sa pulisya, ang transaksiyon ay dapat maganap sa South Road Properties, ngunit biglang nagpaputok …

Read More »

Pagpapasara sa MMDA Worker’s Inn pinalagan

NAGKAROON ng tensiyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Workers Inn o Gwapotel sa Bonifacio Drive, Maynila makaraan puwersahang palabasin at paalisin ang mga nanunuluyan at mga concessionaire roon. Nabigla sila nang isara ng mga security guard ang inn at ipaskil ang notice na sarado na ito dahil sa safety pre-caution. Umalma ang mga naninirahan dito lalo’t ito lamang ang …

Read More »

27 dalagita nasagip, 4 bugaw kalaboso (Sa bar sa Maynila)

human traffic arrest

NASAGIP ng pulisya ang 27 menor-de-edad mula sa dalawang KTV bar sa Tondo, Maynila, nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat, sinalakay ng police Anti-Human Trafficking Division ang mga naturang lugar dahil sa impormasyong sangkot sa flesh trade. Ayon sa isang dayuhan, ibinibenta rito ang mga babae sa mga parokyanong dayuhan o negosyanteng Filipino sa halagang P2,000 hanggang P3,000. Umaabot …

Read More »

Richard Gutierrez sinampahan ng kasong perjury, falsification ng BIR

SINAMPAHAN ng mga kaso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang aktor na si Richard Gutierrez nitong Miyerkoles kaugnay ng kanyang umano’y pag-iwas sa pagbabayad ng buwis. Sa reklamong inihain sa Department of Justice (DoJ), nagsampa ang BIR laban kay Gutierrez ng pagsusumite ng pekeng annual income tax return, anim bilang ng pagsusumite ng pekeng quarterly value-added tax (VAT) returns, …

Read More »

25 patay sa 24-oras anti-crime ops sa Maynila (Bulacan ‘di titigil sa operasyon kontra droga)

UMABOT sa 25 katao ang napatay sa magkakahiwalay na anti-crime raids sa Maynila nitong Huwebes, halos 24 oras makaraan ang anti-drug operations na nagresulta sa pagkamatay ng 32 katao sa lalawigan ng Bulacan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Sinabi ni Supt. Erwin Margarejo, Manila Police District spokesman, nagsagawa ang mga pulis ng 18 operasyon sa Maynila na nagresulta sa …

Read More »

Barangay election tuloy pa rin

KUNG pagbabasehan ang batas, tuloy ang barangay election sa darating na Oktubre. Isang panukalang batas pa lamang ang pagpapaliban ng eleksiyon sa barangay na pumasa sa committee level ng Kamara nitong nakaraang Lunes. Ibig sabihin, mahabang proseso pa ang dadaanan ng panukulang postponement ng barangay election na tiyak na hihimayin ng House of Representatives at Senado. Hindi kailangan magdiwang ang …

Read More »