Sunday , December 29 2024

hataw tabloid

Sariling pamilya sinilaban ng ama 1 patay, 3 sugatan

LA UNION – Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang padre de pamilya bunsod ng third-degree burns habang sugatan ang kanyang misis at dalawa nilang anak makaraan sunugin ang kanilang bahay sa Brgy. Maria Cristina West, Bangar, La Union kamakalawa. Ayon sa ulat, pasado 11:00 pm habang umiinom ng kape ang mag-asawa nang sabihin ng ginang na nais niyang bumalik …

Read More »

Patay kay Lawin umakyat sa 15 — NDRRMC

UMAKYAT na sa 15 katao ang patay sa paghagupit ng supertyphoon Lawin sa Luzon. Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, 13 sa mga namatay ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang ang dalawa ay mula sa Isabela. Ngunit posible pa aniyang madagdagan ang bilang ng mga namatay. Sa Cagayan, sinabi ni …

Read More »

Eroplano bumagsak sa Ilocos Sur, 2 bangkay natagpuan

ILOCOS SUR – Naiahon na ang bangkay ng dalawang sakay nang bumagsak na eroplano sa baybaying barangay ng Sabangan sa Ilocos Sur. Makaraan ang search and retrieval operation ng mga diver ng Philippine Coast Guard nitong umaga ng Sabado, nakita na ang bangkay ng flight instructor na si John Kaizan Estabillo, 21-anyos, ng Parañaque City, at student pilot na si …

Read More »

UNCLOS sa WPS kapwa kinilala ng PH at China

BEIJING, China – Napagkasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang kooperasyon ng coast guards ng Filipinas at China partikular para matugunan ang mga maritime emergency situations sa West Philippine Sea. Nakapaloob sa kasunduan na layunin nitong magtulungan ang dalawang coast guard saka-ling magka-aberya sa karagatan at mapangalagaan ang mga yamang dagat o marine environment. Nakasaad din …

Read More »

3 pugante sa Cotabato District Jail, balik kulungan

KORONADAL CITY – Balik kulungan ang tatlong presong tumakas mula sa Cotabato District Jail sa Amas, Kidapawan City makaraan mahuli sa na hot pursuit operation ng mga awtoridad. Ayon kay Jail Warden Peter Bungat, ang tumakas na mga preso ay may mabibigat na mga kaso. Aniya, nakipagtulungan ang pamilya ng nasabing mga takas na preso ngunit hindi na isinapubliko ang …

Read More »

Duterte top spot sa latest survey

NASA top spot pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng government officials na may mataas na approval at trust ratings. Base sa Pulse Asia survey, 86 porsiyento ng respondents ang nagsabing pasado sa kanila ang pagganap ng trabaho ni Pangulong Duterte, 11 ang undecided habang tatlong porsiyento lamang ang nagsabing hindi sang-ayon. Nasa 86 porsiyento rin ang nagsabing …

Read More »

Rep. Biazon ‘di pumalag sa Sandigan (Sa 90-days suspension)

sandiganbayan ombudsman

HINDI pumalag si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa 90 days suspension order na ipinataw sa kanya ng Sandiganbayan 7th division. Sinabi ni Biazon, hindi na siya aangal pa sa utos ng anti-graft court dahil bahagi ito ng legal na proseso. Sa katunayan aniya, hiniling pa niya sa Sandiganbayan na simulan ang kanyang preventive suspension ng Oktubre 10 ngunit itinakda lamang …

Read More »

12 patay kay Lawin — NDRRMC

UMABOT sa 12 indibidwal ang namatay sa paghagupit ng bagyong Lawin. Ngunit lima kanila ay patuloy na bina-validate upang matiyak na namatay sila dahil sa bagyo, kabilang dito ang tatlong nawawala. Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) spokesperson Romina Marasigan, ang lahat ng mga namatay ay galing Cordillera region at karamihan ay natabunan ng lupa habang natutulog. …

Read More »

Most wanted sa Calamba utas sa shootout

PATAY ang isang lalaking itinuturing na most wanted criminal, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis kamakalawa ng gabi sa Laguna. Ang suspek na si Rosano Lirio alias Totoy ay sisilbihan sana ng arrest warrant para sa kasong murder pasado 10:00 pm nang paputukan niya ang papalapit na mga pulis sa kanyang safehouse. “Napansin niya na may mga tao na …

Read More »

$24-B investment deals ng China

BEIJING, China – Umaabot na sa mahigit $20 bilyon ang halaga ng mga kontrata o investment contracts ang nalikom ng delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State Visit sa China. Ito ang kinompirma ni Trade Secretary Ramon Lopez. Habang sinabi ni Francis Chua, presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industries (PCCI), may inihahabol pang kontrata mula sa ilang …

Read More »

Ulo ng hepe ng Insurance Commission gugulong

NANGANGANIB masibak sa puwesto si Insurance Commission chief Emmanuel Dooc dahil sa pagiging inutil sa reklamo ng Steel Corporation of the Philippines (SCP) laban sa ilang kompanya ng seguro na ayaw magbayad ng insurance claims. Sinabi ni SCP spokesman Atty. Ferdinand Topacio Jr., wala nang dahilan na manatili si Dooc sa Insurance Commission dahil mas pinapaboran niya ang insurance companies …

Read More »

De Lima nakarma — Digong

GAYA ng kasabihan na huwag mong gawin sa kapwa ang ayaw mong gawin sa iyo, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mararanasan ni Sen. Leila de Lima ang ginawa niyang pagpapakulong kay dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo. Sa press briefing sa Beijing, China, sinabi ni Pangulong Duterte na walang lusot si De Lima sa matitibay na ebidensiya at mismong mga …

Read More »

Marahas na dispersal sa US embassy state terrorism — Sandugo

BINATIKOS ng Sandugo, pambansang alyansa ng Moro and indigenous people, ang marahas na dispersal sa mga raliyista sa harap ng US Embassy nitong Miyerkoles na marami ang nasugatan. “Sandugo not only refutes reports blabbered by the Manila Police District that the ensuing violence was a result of provocation from the rallyists, we also go as far as branding this heinous …

Read More »

8 patay kay Lawin (Sa Cordillera)

BAGUIO CITY – Umaabot sa walo katao ang naitalang patay sa mga bayang sakop ng Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa bagyong Lawin. Sa bayan ng Hungduan, Ifugao, patay ang dalawang binatilyo  na natabunan ng lupa dahil sa landslide. Habang isa ang nawawala na pinaniniwalaang nalunod sa ilog. Narekober ang bangkay ng dalawang construction worker na natabunan ng lupa sa …

Read More »

19-anyos dalagita ginahasa ni kuya

IMBES na siyang maging tagapagtanggol, ginahasa ng isang 33-anyos lalaki ang 19-anyos dalagitang kapatid sa Zamboanga del Sur kamakalawa. Ayon sa ulat, naganap ang insidente makaraan makipag-inoman ang dalawang kapatid na lalaki ng biktima. Nang malasing ang suspek, nagpasama siya sa kanyang kapatid na babae papunta sa katabing barangay. Ngunit nang mapadaan ang dalawa sa isang maisan ay hinalay ng …

Read More »

10-anyos ginahasa, binigti sa panty

GINGOOG CITY, Misamis Oriental – Natagpuang walang buhay at duguan ang isang 10-anyos batang babae makaraan gahasain ng dalawang binatilyo sa madamong bahagi ng Brgy. Bal-ason, Gingoog, City nitong Martes ng umaga. Ang grade 5 pupil ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay mula sa kanilang paaralan nitong Lunes nang yayain ng suspek na si Ferlan Quiraban, 19, at 17-anyos kapatid …

Read More »

Lawin signal no. 5

NADAGDAGAN pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone signal no. 5 dahil sa supertyphoon Lawin. Kabilang sa mga nasa signal no. 5 ang Cagayan, Isabela, Kalinga at Apayao. Habang signal no. 4 sa Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao at Calayan Group of Islands. At signal no. 3 sa La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino …

Read More »

PH-China defense ties ‘di matatalakay

BEIJING, China – Nilinaw ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay, walang pag-uusapang isyung pangdepensa o military alliance sa pagitan ng Filipinas at China sa State Visit ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ng Philippine media delegation sa Beijing, sinabi ni Sec. Yasay, sesentro lamang sa trade and economic issues ang agenda ng State Visit ni Pangulong Duterte. Ayon kay Yasay, …

Read More »

1 pang killer ng ex-wife ni Kerwin, utas sa ambush

dead gun police

CEBU CITY – Wala pang 24 oras mula nang mapatay ang isa sa itinuturong nasa likod nang pagpatay sa dating misis ni Kerwin Espinosa na si Analou Llaguno, isa na naman sa tatlong itinuturong suspek ang bumulagta makaraan pagbabarilin. Ang suspek ay kinilalang si Richard Jungoy, residente sa Brgy. Duljo Fatima, Cebu City. Ayon sa mga saksi, lumabas ng bahay …

Read More »

Pagpanig ni Duterte sa China nagdulot ng kalituhan sa AFP

NALILITO ang Armed Forces of the Philippines dahil sa pabago-bagong defense policy ng bansa sa kasalukuyang administrasyon. Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, ang kalituhan sa AFP ay bunga nang inaasal ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaalyadong bansa kagaya ng Estado Unidos kapalit ang pagiging bukas at malapit sa China at Russia. Aniya, naiiba na ang takbo ng …

Read More »

Con-Ass sa amyenda sa Saligang Batas lusot sa House committee

congress kamara

APRUB na ng House Constitutional Amendment Committee ang resolusyon para mag-convene ang Kongreso bilang Constituent Assembly sa panukalang pag-amyenda ng Saligang Batas. Ito ay makaraan 32 miyembro ng komite ang bumotong pabor na Con-Ass ang maging mode para sa Charter change, habang pito lamang ang tumutol at tatlo ang nag-abstain. Aprubado na rin na pag-isahin na lamang ang 29 Cha-cha …

Read More »

3 PNP prov’l head sinibak sa puwesto (Bigo sa anti-drug war)

ROXAS CITY – Mismong ang national headquarters ng Philippine National Police (PNP) ang nagpalabas ng relieve order sa tatlong provincial director ng PNP sa Region 6. Kabilang dito sina Senior Supt. Roderick Alba, sinibak sa pagiging provincial director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), Senior Supt. Leo Irwin Agpangan, sinibak mula sa Guimaras Police Provincial Office (GPPO), at Senior Supt. …

Read More »

Masahista itinumba

PATAY ang isang lalaking masahista makaraan pagbabarilin ng apat lalaking lulan ng dalawang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Payatas, Quezon City. Malapitang pinagbabaril ang masahistang si Herman Cunanan ng mga suspek pasado 10:00 pm nitong Martes. Pauwi na sana si Cunanan mula sa trabaho kasama ang partner na si “Alfred” nang maganap ang insidente. Ayona kay Alfred, wala siyang alam …

Read More »

Editorial: Basura ang survey ng Pulse Asia

WALANG nakapagtataka o nakamamangha sa resulta ng survey na ginawa ng Pulse Asia na ang usapin sa pagtataas ng sahod, trabaho at mababang presyo ng bilihin ay pangunahing prayoridad sa kasalukuyan ng taongbayan. Higit na nakapagdududa ang timing ng survey ng Pulse Asia. Ipinakikita sa ginawang survey noong 25 Setyembre hanggang 1 Oktubre, na huli raw sa prayoridad ng taongbayan …

Read More »