Tuesday , November 29 2022

Halloween sa Snow World

MAY isang nakagisnang kuwento sa Japan tungkol kay Yuki Onno, isang multo na sinasabing lumilitaw kung nagsisimula nang magkaroon ng snow. Mabait siyang multo at sinasabing tinutulungan niya ang mga taong nagkakaroon ng aksidente sa snow. Maging ang sikat ngayong Game of Thrones ay nagsasabing mayroong “snow ghosts”.

Kaya dahil Halloween naman ngayon, magkakaroon din ng mga snow ghosts sa Snow World sa Star City. Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng “animated figures” sa loob ng Snow World. Makikita ninyo silang sasalubong sa inyo sa pagpasok sa snow play area, ang iba ay nanlilisik pa ang mga mata. Pero sila ay naroroon hindi para manakot kundi para magbigay saya sa mga guest ng Snow World.

Dahil karamihan ng mga guest ng Snow World ay mga bata, minabuti nilang mga hindi naman masyadong nakatatakot na figures ang kanilang ilagay sa loob.

May mga mangkukulam ding lumilipad. May bungo na nanlilisik ang pulang mata. Pero walang nakatatakot talaga. Marami ang natutuwa sa kanilang Halloween display na makikita na ninyo ngayon, at mananatili sa Snow World hanggang sa ikalawang linggo ng Nobyembre.

Ang Snow World ay bukas araw-araw mula Lunes hanggang Huwebes simula :00 p.m. at simula 2:00 p.m naman tuwing Biyernes hanggang Linggo.

Ang Snow World, ang nag-iisang tunay na snow attraction sa Pilipinas ngayon na matatagpuan sa Star City.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Manipis na buhok pinakapal ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Puregold Nasa Iyo ang Panalo

Nasa Iyo Ang Panalo digital ad series ng Puregold panalo sa netizens

MINAMARKAHAN ng taong ito ang ika-25 taon ng Puregold bilang isa sa nangunguna sa Philippine retail landscape. …

Loiegie Dano Tejada Ms Ls Beauty

Ms L’s priority ang good health ng mga Pinoy

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na grand opening ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation …

Krystall Herbal Oil, Fely Guy Ong, FGO

Kulugo sa paa tanggal sa Krystall Herbal Oil 

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong,                Ako po …

BONDS by IQOS Philip Morris

Para sa smoke-free future
PMI NAGLUNSAD NG ABOT-KAYANG HEATED TOBACCO

INILUNSAD ng Philip Morris International Inc. (PMI) ang kanilang bago at abot kayang heated tobacco …

Leave a Reply