Sunday , December 14 2025

hataw tabloid

Misis tiklo sa P.7-M shabu

shabu drug arrest

ARESTADO ang 40-anyos ginang na uma­no’y ginagamit ng ‘big­time drug cyndicate,’ sa ikinasang buy-bust ope­ration at nakom­pis­ka­han ng halos P700,000 halaga ng ilegal na droga sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal kahapon. Kinilala ni Rizal PNP provincial director, S/Supt. Lou Evangelista ang suspek na si Marlyn Datalio, 40, nakatira sa lungsod ng Taguig. Narekober mula sa suspek ang isang mala­king …

Read More »

Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada

POSIBLENG maharap sa kasong administratibo at kriminal ang city pro­secutor ng Parañaque dahil sa mga nakalusot na dokumento na bumagsak sa kamay ng ‘lover’ ng isang Japanese tycoon na napatalsik sa kanyang gaming conglomerate ng kanyang sariling pamilya matapos niyang waldasin ang pondo ng kompanya. Inakusahan si city prosecutor Amerhassan Paudac ng pagiging ‘bias’ at ‘gross partiality’ ng pamilya ni Kazuo …

Read More »

Anong nangyari sa mga ‘bakwit’ ng Marawi?

Marawi

ISANG taon na ang nakalilipas nang sakupin ng Islamic State inspired na Maute group ang Marawi City, at nalagay sa matinding pagsubok ang buong lungsod; nawalan ng tirahan at kabuhayan ang mamamayan doon, at higit sa lahat marami ang nawalan ng mga magulang, anak, at mga mahal sa buhay dahil sa tindi ng epekto ng gerang idinulot nito. Ilang buwan …

Read More »

School principal, 1 pa patay sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Camarines Sur)

road traffic accident

LIBMANAN, Cama­rines Sur – Dalawa ang patay habang 11 ang sugatan nang magka­rambola ang apat sasak­yan sa bayang ito, nitong madaling-araw ng Martes. Sa imbestigasyon ng pulis, nag-overtake ang isang Toyota Avanza na papuntang Naga sa Ford Everest ngunit nakasa­lubong nito ang Tripolds Bus papuntang Maynila. Isang truck ang na­damay sa karambola ngunit walang nasaktan sa mga sakay nito. Pagkabig …

Read More »

2 lola patay sa araro ng kotse (Sa Kennon Road)

road accident

DALAWANG lola ang namatay makaraan ararohin ng isang kotse habang nag-aabang ng pampasaherong jeep sa Kennon Road, Baguio City, bandang 6:00 ng umaga nitong Martes. Ayon sa mga saksi sa insidente, naghihintay ng pampasaherong jeep sa gilid ng kalsada sina Rosaline Alberto, 61, at Sioning Pimiliw, 64, nang biglang sagasaan ng rumaragasang kotse. Kasama ni Alberto ang kaniyang dalawang anak …

Read More »

2 OFWs patay sa sunog sa Saudi Arabia

NAMATAY ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia nang masunog ang kanilang tinutuluyan, ayon sa opisyal ng Philippine Consulate General sa Jeddah. Sinabi ni Consul General Edgar Badajos, naganap ang sunog dakong 10:00 pm sa Najran province, isang probinsiya sa Western Region ng Saudi Arabia. Sinabi ni Badajos, nagpadala na sila ng team sa lugar ng insidente para …

Read More »

Bagong park hall binuksan sa Navotas

PINANGUNAHAN ng magka­patid na Rep. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang blessing ceremony at pag­papasinaya sa bagong palaruan at multi-purpose hall sa NavotaAs Homes-Tanza sa Brgy. Tanza 2. “Ang paglalaro ay maha­laga sa paglaki ng isang bata. Sa pamamagitan ng paglalaro, natututo ang bata kung paano makihalubilo, makipagkaibigan at makitungo nang mabuti sa kapwa. Kaya importante na mabigyan …

Read More »

Holdaper todas sa shootout

dead gun

PATAY ang isang hinihinalang miyembro ng robbery hold-up group nang makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Capital Region (NCR) sa pangunguna ni Chief Insp. Michael John Villanueva, na may plano ang Epoy robbery hold-up group na …

Read More »

Buti nga kay Koko

SA wakas napalitan na rin ang liderato ng Senado, nang tuluyang sibakin sa pagkapangulo ng 15 senador si Koko Pimentel at palitan ng dating majority leader na si Senador Tito Sotto. Ayaw man tukuyin ng mga senador na isang coup d’etat ang nangyari, iisa lang ang naglalaro sa isip ng taongbayan: sinibak talaga sa puwesto si Pimentel kasi nga parang wala …

Read More »

Dalagita naatrasan ng payloader, DOA sa ospital

road traffic accident

ILOCOS NORTE – Nalagu­tan ng hininga ang isang 15-anyos dalagita nang maa­trasan ng payloader sa Brgy. Lanao, sa bayan ng Bangui, ayon sa naantalang ulat ng pulisya kahapon. Batay sa imbestigasyon, nakaangkas noong Biyernes ang biktima sa motorsiklo na minama­neho ng kaniyang 17-anyos kuya nang umatras ang payloader. “Nagmo-move back­ward ang payloader at sinubukang iwasan ito ng motor na nasa …

Read More »

Human error sa flyover collapse — DPWH chief

INIHAYAG ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, na human error ang sanhi ng pagguho ng flyover sa Imus, Cavite. Paliwanag ni Villar, ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng pagkakamali sa panig ng operator sa pagkakabit ng huling girder sa concrete beam sa fly­over na nagresulta sa pagguho nito. “Base sa preliminary findings namin, human error …

Read More »

Ex-boxing champ kalaboso sa shabu

SWAK sa kulungan ang isang dating boksingerong kampeon makaraan ma­hulihan ng ilegal na droga sa buy-bust ope­ration sa Trece Martires, Cavite, kamakalawa. Ayon sa ulat ng pu­lisya, nakompiskahan ng mga awtoridad ng dala­wang pakete ng hinihi­na­lang shabu, at P200 buy-bust money ang dating WBC Flyweight Division champion na si Randy Mangubat. Umamin si Mangubat na nauwi siya sa pagtu­tulak ng …

Read More »

Mag-ama sugatan sa atake ng buwaya (Sa Palawan)

KAPWA sugatan ang mag-ama makaraan ata­kehin ng buwaya sa Bala­bac, Palawan, nitong Sa­ba­do ng hapon. Ayon sa ulat ng pulisya, inaayos ni Karik Buara, 15-anyos, ang kanilang bangka malapit sa dalampasigan ng Brgy. Salang nang sagpangin siya ng isang malaking buwaya. Narinig ng ina ni Karik ang pagsigaw niya ng saklolo kaya agad tinungo ang ama ng binatilyo na si …

Read More »

P3.5-M shabu nasabat sa Cebu

shabu drug arrest

CEBU CITY– Umaabot sa P3.5 milyon halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasabat sa iki­nasang buy-bust ope­ration sa Brgy. La­bangon sa lungsod na ito, nitong Sabado ng gabi. Nakompiska sa ope­rasyon ang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na 300 grams ang timbang, ayon kay Supt. Glenn Mayam ng Philip­pine National Police Drug Enforcement Group. Habang nakatakas ang target ng …

Read More »

Itinatayong flyover gumuho (Sa Imus, Cavite)

GUMUHO ang gitnang bahagi ng itinatayong flyover sa Imus, Cavite nang mawala sa balanse ang isa sa ikinakabit na support beam, dakong 11:45 pm nitong Sabado. Nagkalat ang tipak-tipak na mga semento at iba pang materyales sa Emilio Aguinaldo High­way nang gumuho ang gitnang bahagi ng itina­tayong flyover. Masuwerteng walang naitalang nasugatan sa insidente ngunit nadaga­nan ng gumuhong beams ang …

Read More »

2 La Union top cops sinibak sa Eriguel slay

SINIBAK ng Philippine National Police ang provincial director ng La Union gayondin ang police chief ng bayan ng Agoo nitong Sabado, upang bigyang daan ang mga bagong opisyal na hahawak sa imbestigasyon hinggil sa pagpaslang kay dating Rep. Eufranio “Franny” Eriguel. Sina C/Insp. Alfredo Padilla, Jr., hepe ng Agoo Police, at La Union Provincial Police Office head, S/Supt. Genaro Sapiera …

Read More »

Sen. Sotto presidente sa Senado

Tito Sotto

MAGKAKAROON ng bagong lider ang Senado ngayong Lunes dahil mauupo bilang bagong Pangulo ng Mataas na Kapulungan si Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III kapalit ni Aquilino Pimentel III. “What is being discussed now is when (the leadership change will happen)?” pahayag ni Sen. Panfilo Lacson sa panayam nitong Sabado. Sinabi ni Lacson, ang majority-bloc senators ay magkakaroon ng …

Read More »

Search for Miss Manila 2018, simula na

KASABAY ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila, ang paghahanap ng makokoronahan bilang Miss Manila 2018 na gagawin sa June 26, sa Philippine International Convention Center (PICC). Ang application form (free of charge) ay makukuha sa Tourism Office, Manila City Hall o sawww.missmanila.com. Ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon ay sa May 29, Martes. Para sa iba pang katanungan, tumawag sa 0917-8441145 o sa …

Read More »

Australiano 2 beses nanalo sa lotto sa isang linggo

HINDI hindi makapaniwala ang isang lalaki mula Sydney, Australia nang mabatid ni­yang nanalo siya sa lotto sa ikalawang pagkakataon, wala pang isang linggo mula nang una siyang manalo. Ayon sa ulat, unang napanalunan ng 40-anyos lalaki, ang halagang A$1,020,487 o halos P40 milyon noong nakaraang Lunes. Noong Sabado, napa­na­­lunan naman ng lalaki ang halagang $1,457,834 o halos P57 milyon. “I …

Read More »

Ex-LP members kaisa sa paghikayat kay Bong Go na tumakbo sa Senado

TULUYAN nang nag-alsa balutan sa Liberal Party ang mga mambabatas na tinagu­riang “Anak ni Mar Roxas” matapos mag-ober da bakod sa political party ng Admi­nistrasyong Duterte na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban. Kabilang dito sina Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas, Sta. Rosa, Laguna Mayor Danilo Fernandez,  at Quirino Rep. Dakila Cua, at iba pa, dumalo rin …

Read More »

Pag-alis sa Kuwait total deployment ban epektibo agad

OFW kuwait

PINIRMAHAN ni Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Huwebes ang kautusang pormal na nag-aalis sa total deployment ban ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait. Sinabi ni Bello na agad magiging epektibo ang kautusan. Kasunod ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerko­les, 16 Mayo, na alisin na ang deployment ban, na ipinataw  noong Pebrero bunsod ng serye ng mga ulat …

Read More »

60 sa narco-list nanalong barangay officials

UMABOT sa 60 barangay official na nanalo sa nakaraang halalan ang kabilang sa 207 village executives na kasama sa drug list ng gobyerno, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency nitong Huwebes. Kabilang dito ang 36 barangay chairman at 24 kagawad, ayon kay PDEA Chief Aaron Aqui­no. Ayon sa mga awtori­dad, patuloy ang kani- l­ang paghahanda ng kaso laban sa 60 …

Read More »

Impeachment vs 8 mahistrado ikinokonsidera ng Makabayan Bloc (Sa quo warranto petition)

PAG-AARALAN ng Makabayan bloc kung susuportahan nila ang plano ng “Magnificent Seven” na maghain ng impeachment complaint laban sa mga mahis­tradong bumoto para masipa sa kanyang po­sisyon si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, titingnan muna nila kung paano mapa­na­nagot ang walong mahis­trado na bumoto pabor sa quo warranto petition laban sa …

Read More »