Boracay boat sunset

Pumpboat nagkaaberya 32 pasahero tumalon sa dagat

NAPILITANG tumalon sa dagat ang 32 pasahero nang magkaaberya ang sinasakyan nilang pump­boat sa Cebu, nitong Miyerkoles.

Ayon sa hepe ng Lapu-lapu City Disaster Risk Reduction Manage­ment Office, pinasok ng tubig ang bangka dahil sa malalakas na alon.

Dahil sa nangyari, napilitang tumalon sa dagat ang mga pasahero para hindi tuluyang lumubog ang bangka.

Pinalad na nakaligtas ang lahat ng sakay ng bangka. Sinabi sa ulat na wa­lang nakataas na gale warning ang PAGASA para sa Cebu nang mang­yari ang insidente.