road traffic accident

7 patay, 50 sugatan sa natumbang jeep

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur – Umabot sa pito ang pa­tay habang 50 ang suga­tan nang matumba ang isang pampasa­herong jeep sa Brgy. Dao sa lungsod, nitong Miyer­koles.

Ayon sa ulat ni Supt. Alvin Saguban, nawalan ng preno ang jeep. Sinasabing overloaded ang jeep ng mga pasahero na galing sa Brgy. Cogo­nan.

Papunta sa Pagadi­an ang mga pasahero upang mag-withdraw ng kani­lang cash grant ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Dalawang nakapa­ra­dang sasakyan sa gilid ng kalsada ang tina­maan ng sumemplang na jeep.

Agad dinala sa Zam­­boanga del Sur Medical Center ang mga biktima.