Friday , December 27 2024

hataw tabloid

Honasan umamin kakayahan ng DICT vs ‘cyber spying’ kapos

INAMIN ni Department of Information and Communications Technology (DICT) chief Gregorio Honasan na kulang ang kakayahan ng ahensiya laban sa ‘cyber spying.’ Ginawa ni Honasan ang pahayag sa budget hearing ng ahensiya sa Kamara na sinabi niyang masusing pinag-aralan ng kanyang grupo ang panukalang pagtatayo ng mga tower sa military camps ng Dito Telecommunity, ang third telco sa bansa. Layon …

Read More »

Robbery suspect patay paglabas sa Mandaue City Jail (Binaril matapos magpiyansa)

dead prison

PATAY ang isang robbery suspect matapos barilin, ilang sandali matapos lumabas sa Mandaue City Jail, sa lalawigan ng Cebu noong Lunes ng gabi, 14 Setyembre. Kinilala ang napaslang na suspek na si Julivyn Lumingkit Terante, 43 anyos, residente sa lungsod ng Tagum, na katatapos lamang maglagak ng piyansa nang barilin 100 metro ang layo mula sa pasilidad. Ayon sa ulat …

Read More »

KWF, nananawagan para sa mga kopya ng tesis at disertasyon na nakasulat sa Filipino

NANANAWAGAN ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga iskolar na magkaloob ng kopya ng kanilang mga tesis at disertasyong nakasulat sa wikang Filipino para sa isinasagawa nitong anotasyon ng mga nabanggit na pag-aaral. Ang patuluyang proyekto sa anotasyon ng mga tesis at disertasyon ay naglalayong makabuo ng mapagtitiwalaang depositaryo ng mga pananaliksik na nakasulat sa wikang Filipino. Ninanais din …

Read More »

232 kadete, 11 tauhan ng PNPA positibo sa CoVid-19

KOMPIRMADONG positibo sa CoVid-19 ang may kabuuang 232 kadete at 11 tauhan ng Philippine National Police Academy (PNPA).   Ipinahayag ni PNPA director P/Maj. Gen. Gilberto Cruz nitong Lunes, 14 Setyembre, na mahipit na binabantayan ng health frontliners ang kalagayan ng mga pasyenteng kadete at mga tauhan na naka-quarantine sa iba’t ibang pasilidad.   Ayon kay Cruz, nakapagtayo ang PNPA …

Read More »

Payo ng DOH: Publiko mag-ingat sa distansiyang aprobado ng DOTr

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko kapag sinimulan ang pagpapatupad ng mas maikling distansiya sa pagitan ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon ngayong araw. Sa kanilang abiso, sinabi ng DOH na dahil sa desisyon ng Department of Transportation (DOTr) na bawasan ang distansiya sa pagitan ng mga pasahero, pinapayohan ang commuters na magdagdag ng pag-iingat sa pagsakay …

Read More »

Rep. Romero, 700+ bills nihain sa loob ng 4 taon

NAPUNA ng ilang manunulat maging online news website ang impresibong performance ng isang mambabatas sa Kamara. Dito nailathala ng ilang pahayagan ang sipag na hindi maikakaila ni House Deputy Speaker at 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero na nakapagtala ng 702 panukalang batas mula nang maupo bilang Kongresista. Bukod dito, ang 47 panukala rito ay ganap nang batas. Ilan sa mga …

Read More »

P16.4-B general’s pork kontra insurhensiya (Palasyo pabor)

HINAMON ng Palasyo ang Makabayan bloc sa Kongreso na humakot ng suporta sa mga kapwa kongresista upang magtagumpay sa pagharang sa P16.4 bilyong pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na tinaguriang ‘generals’ pork barrel’ para sa susunod na taon. Inamin ni Presidential Spokesman Harry Roque na may kinalaman sa anti-insurgency campaign ang lahat ng …

Read More »

‘Attack dog’ ng DU inupakan ng consumers

KINUWESTIYON ni Koalisyon Bantay Kuryente (KBK) President Halley Alcarde ang tunay na intensiyon ng dating empleyado ng Panay Electric Company (PECO) na si Jose Allen Aquino sa pagpapakilalang miyembro siya ng kanilang consumer group na nagsasalita laban sa distribution utility na More Electric and Power Corporation (More Power) sa Iloilo City. Ayon kay Alcarde, si Aquino ay dating kawani ng …

Read More »

PCSO GM Garma Delivers Charity Services on a Sunday in Cagayan Province

Tuguegarao City, Cagayan. Even on a Sunday, PCSO never stops delivering charity services. To enhance the delivery of emergency health services to the public, PCSO Vice-Chairperson and General Manager Royina M. Garma, headed the donation of two (2) Patient Transport Vehicles (PTV) to Tabuk City, Kalinga and Iguig, Cagayan Province under the Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) of PCSO. …

Read More »

Ulat ng PAPI vs abuso ng PECO inilabas (Para sa kapakanan ng consumers)

ISANG investigative report na nagpapakita ng tunay na sitwasyon ng power system sa Iloilo City ang inilabas ng Publishers’ Association of the Philippines (PAPI), ang pinaka­malaking media group sa bansa na kina­bibi­langan ng mga publisher. Hinimay sa nasabing report ang pang-aabuso ng power supplier na Panay Electric Company (PECO) gayondin ang mga pagbabago sa lungsod matapos ang pagbagsak ng mahigit …

Read More »

Minimum wage sa pribadong nurses, ipagkaloob – Rep. Pulong Duterte

SA KASALUKUYANG pandemya na kinahaharap ng bansa maging sa buong mundo dahil sa coronavirus o CoVid-19, ang nurses ng bansa maging sa pribadong sektor ay isa sa mga pangunahing depensa ng bansa sa paglaban dito. Kaya bilang suporta sa nurses na kabilang sa frontliners na kasalukuyang nasa unahan ng peligro at walang pagod na nakikipaglaban, naghain si Deputy Speaker at …

Read More »

‘Dirty energy’ dapat nang ibasura ng ADB

MULING hinamon ng civil society groups ang Asian Development Bank (ADB) na tuldukan ang maruruming proyektong pang-enerhiya sa pamamagitan ng pagpapatigil sa pamumuhunan o pagpopondo sa ‘coal’ o karbon. Ang panawagan ay isinagawa ng grupo sa isang webinar na isinapubliko rin ang pag-aaral na pinamagatang “Leaving behind ADB’s Dirty Energy Legacy” ilang araw bago ang Annual Governors Meeting ng  ADB. …

Read More »

82nd Malasakit Center inilunsad sa Santiago City, Isabela

INILUNSAD ng pamahalaan nitong Biyernes ang ika-82 Malasakit Center sa bansa, na matatagpuan sa CoVid-19 designated hospital na Southern Isabela Medical Center, sa Santiago City, Isabela.  Nabatid na ito na ang ikalawang Malasakit Center sa Isabela at ikatlo naman sa Region 2. Sa kanyang mensahe, sa isang video call, sinabi ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na ang mga Malasakit …

Read More »

‘Notice to proceed’ ng Kaliwa Dam project sinalungat ng COA

KINUWESTIYON ng Commission on Audit (COA) ang iba’t ibang teknikalidad sa konstruksiyon ng Kaliwa Dam project, kabilang ang umano’y kaduda-dudang pagsang-ayon ng mga katutubo at indigenous people sa lalawigan ng Quezon. Sa kalalabas na 2019 annual audit report para sa MWSS, kinuwestiyon ng COA ang pag-iisyu ng Metropoitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng notice to proceed (NTP) para sa …

Read More »

Cell Towers sa military camps katangahan — Ex-SC justice (Plano ng Chinese-backed DITO)

TAHASANG sinabi ni Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio na isang katangahan na payagan ang China-backed Dito Telecommunity na magtayo ng cell towers sa loob ng military camps sa gitna ng banta sa pambansang seguridad. Ayon sa dating SC justice, ang hakbang ay parang pagpayag na rin sa China na maglagay ng ‘listening device’ sa nasasakupan ng Filipinas, at idinagdag …

Read More »

Pekeng opisyal ng BIR, timbog

NAHULI ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), ang 68-anyos lalaki na nagpapanggap na Enforcement Officer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagtangkang manghingi ng P25,000 sa isang negosyante para sa kanyang BIR Clearance Certification, nitong Lunes ng hapon sa Binondo, Maynila.   Kinilala ang suspek na si Vicente Alberto, nakatira sa  234 D, 5th …

Read More »

P1.59-B PCOO budget ‘ibinitin’ ng solon dahil kay Badoy (Sa red tagging ng tinawag na unelected factotum)

TILA nabitin sa balag ng alanganin ang budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa susunod na taon dahil sa red-tagging post ng isang opisyal sa social media laban sa mga organisasyong makabayan. Sa mosyon ni ACT party-list Rep. France Castro sinuspendi ng House committee on appropriations ang pagdinig matapos sitahin si PCOO Undersecretary Lorraine Badoy sa kanyang mga …

Read More »

2 ‘bogus’ inilaglag ng consumers’ group (Kaalyado ng PECO)

UMALMA kahapon ang tunay na mga kasapi ng Koalisyon Bantay Kuryente, Inc., (KBK) laban sa patuloy na paggamit ng Panay Electric Company (PECO) sa kanilang grupo para sa sariling interes nito upang siraan ang distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power). Kinastigo din ng grupo ang dalawang personalidad na ginagamit ng PECO na sina Jose Allen Aquino …

Read More »

85-anyos lolong may CoVid-19 nangsunog ng quarantine facility

fire sunog bombero

MATAPOS tumakas mula nang maospital dahil sa coronavirus disease (CoVid-19), sinunog ng isang 85-anyos lolo ang social hall kung saan siya inilipat para i-quarantine sa Barangay Guiset Norte, sa bayan ng San Manuel, sa lalawigan ng Pangasinan, noong Linggo, 6 Setyembre.   Kinilala ang suspek na si Jacinto Delos Santos,  residente sa Barangay Guiset Norte, sinabing gumawa ng sunog sa …

Read More »

Ate ni Parojinog namatay sa piitan

dead prison

BINAWIAN ng buhay ang nakatatandang kapatid na babae ni dating Ozamis City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog noong Linggo ng umaga, 6 Setyembre habang nakapiit sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Ozamiz, lalawigan ng Misamis Occidental.   Ayon kay Jail Officer (JO) 1 Christian Mendez, jail nurse, pumanaw si Melodina Parojinog-Malingin sa Mayor Hilarion …

Read More »

Banta ng PECO sa SC self-serving – Rep. Pimentel

PANSARILING interes ang tanging hangad ng mga opisyal ng Panay Electric Company (PECO) sa kanilang ‘pagbabanta’ sa Korte Suprema na magiging ‘bad precedent’ sa pagnenegosyo sa bansa kung ang magiging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman sa power dispute sa Iloilo City ay papabor sa bagong distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power). Ayon kay Deputy Speaker at Surigao …

Read More »

Kelot binoga sa Port Area

dead gun police

PATAY ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek, kahapon ng umaga, Linggo, sa Port Area, Maynila. Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, makikitang nakaupo at tila may hinihintay ang biktima sa Railroad St., Barangay 650, dakong 9:30 am. Sa ulat, sinabing dalawang lalaki ang lumapit sa nakasandong biktima at ilang minuto ang lumipas ay pinagbabaril ang biktima. …

Read More »

PECO nang mawala… ‘Dark ages’ sa Iloilo naibsan

ITINUTURING na panahon ng kadiliman o dark ages ng mga Ilonggo ang serbisyo ng dating power supplier na Panay Electric Company (PECO) dahil naging ordinaryong pangyayari sa kanilang pamumuhay ang palagiang brownout sa buong Iloilo City na ayaw na nilang muling balikan. Sa isinagawang special report ng  Publishers Association of the Philippines Inc., (PAPI) bilang pagtukoy sa estado ng power supply …

Read More »

300 KMs kable ng ilegal na koryente buking ng DU (Sa Oplan Valeria anti-jumper raid)

SA LOOB ng isang buwang tuloy-tuloy na operasyon laban sa illegal electric connection sa Iloilo City, umabot sa 300 kilometers na illegal wiring o jumper cables ang nadiskubre ng bagong Distribution Utility (DU) na More Electric and Power Corp (More Power). Ayon sa More Power, kung ilalatag ang kanilang nakompiskang illegal wiring ay nasa 300 kilometers na ito at kung …

Read More »

7 silid-aralan, 60 bahay natupok sa Davao (Inuupahang kuwarto sinilaban ng boarder)

fire sunog bombero

HINDI bababa sa 60 bahay at pitong mga silid-aralan sa isang public school ang natupok ng apoy sa Barangay Leon Garcia, sa lungsod ng Davao, nitong Huwebes ng umaga, 3 Setyembre.   Ayon kay Davao City Fire District Intelligence and Investigation Section chief, Senior Fire Officer 3 Ramil Gillado, nagsimula ang apoy dakong 3:20 am kahapon sa Sto. Niño Gotamco, …

Read More »