Friday , May 27 2022
Loren Legarda feat

Legarda inudyok ang mga OFW na gamitin ang karapatang bumoto

Nanawagan ang Antique representative, at kandidato sa pagka-Senador, na si Loren Legarda sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa buong mundo na gamitin ang kanilang karapatan na bumoto para sa mga bagong lider ng bansa.

Nagsimula na ang Overseas Absentee Voting noong nakaraang Abril 10, 2022. Si Legarda rin ang isa sa mga pangunahing sumulat ng Overseas Absentee Voting Law of 2003, noong unang termino niya sa senado, kaya naman nais niyang lahat ng OFW ay makaboto.

Loren Legarda

“Overseas Filipinos should take advantage of the opportunity to elect their next leaders, and to choose wisely. Hinikayat ko ang ating mga kababayan sa labas ng bansa na huwag sasayangin ang inyong boto dahil nakasalalay dito ang kalagayan at kinabukasan ninyong mga OFW, ng inyong pamilya, at ng buong bansa,” sabi ni Legarda.

Mahigit kumulang 1.7 milyong OFW ang nagparehistrong bumoto sa halalan ngayung 2022. Nanawagan rin si Legarda sa Department of Foreign Affairs (DFA) na sana’y gawin nilang maayos ang proseso para sa mga OFW na nais bumoto.

“I trust that our embassies and consulates worldwide will provide adequate assistance to almost 1.7 million registered Filipino overseas to ensure that the voting process will go smoothly. Let us help our kababayan overseas as they exercise their right to take part in electing the leaders who they think will give them and their family the service and protection that they needed,” sabi niya.

Si Legarda, na madalas ay nasa tuktok ng mga survey, ay nangako ring bibigyan prayoridad ang sektor ng OFW kapag siya ay pinalad na  mahalal pabalik sa Senado.

“Bilang mga lingkod-bayan, obligasyon nating pangalagaan ang karapatan ng bawat Pilipino sa maayos na trabaho,  sapat na sweldo at benepisyo, lalong-lalo na ang mga kababayan nating nasa dayuhang bansa. We should continue to aim to provide better protection for our kababayan abroad because we do not want them to be subjected to inhumane or degrading treatment or any form of abuse,” kanyang winika.

About hataw tabloid

Check Also

Mercraft 2 RORO fire Real Quezon

Sa Real, Quezon
7 PATAY, 23 SUGATAN SA NASUNOG NA RORO

PITONG pasahero ang namatay habang 23 ang sugatan nang masunog ang Mercraft 2, isang roll-on-roll-off …

Marawi

462 units ng pabahay ipinamahagi sa Marawi

PORMAL nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisaryong nawalan ng tirahan noong 2017 …

Senate Congress Comelec Election Certificates of Canvass

NBoC panel sa senado kompleto na

BUO na ang hanay ng mga senador para sa pitong-miyembrong panel ng bicameral National Board …

052422 Hataw Frontpage

Mainstream media binanatan
REMULLA, JUSTICE SECRETARY  NI MARCOS, JR.

ni ROSE NOVENARIO TINANGGAP ni Cavite 2nd District Rep. Boying Remulla ang alok ni presumptive …

dead gun police

Sa harap ng ama at tiyuhin
BINATILYO PINAGBABARIL, LEEG NILASLASAN PATAY

AGAD namatay ang isang binatilyo nang pagbabarilin ng anim na hindi kilalang suspek saka ginilitan …