Thursday , January 2 2025

hataw tabloid

Magnitude 4.7 quake yumanig sa Albay

NIYANIG ng magnitude 4.7 na lindol ang Albay nitong Linggo. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, dakong 6:53 a.m. nang naitala ang sentro ng lindol sa layong 41 kilometro silangan ng Legaspi City; sa lalim lamang na anim na kilometro. Sa tala ng Phivolcs, nadama ang pagyanig sa Albay at mga kalapit na lugar:  Intensity 4 sa Legaspi City, Albay; …

Read More »

2 turista patay, 6 sugatan sa sumalpok na van

DAGUPAN CITY – Humantong sa trahedya ang masaya sanang pamamasyal ng mga turista mula sa Quezon City sa Hundred Islands National Park sa Alaminos City sa Pangasinan nang mamatay ang dalawa sa kanilang kasamahan makaraan sumalpok ang kanilang sinasakyang van sa bayan ng Mangatarem. Ayon kay Chief Inspector Rex Infante, hepe ng Mangatarem Police Station, namatay sina Dennis Espejo at …

Read More »

4 BIFF fighters patay sa militar

APAT pang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa magkasunod na opensiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Shariff Saydona, Maguindanao simula nitong Sabado ng gabi. Ayon kay Lt. Col Willy Manalang, Commanding Officer ng Marine Battalion Landing Team 8, dakong 10 p.m. nang makasagupa nila ang grupo ng teroristang si Basit Usman sa Pusao …

Read More »

May kapayapaan nga ba sa Mindanao?

HINDI ko alam sino ang mga negosyador na bumuo ng Bangsamoro Basic Law at kung pinag-isipan nila ang laman nito kasi nang binasa kong mabuti ang BBL ay hindi ko mapigilang maisip na ibinenta niyon ang Filipinas sa Moro Islamic Liberation Front. May palagay akong may ilusyon ang mga negosyador ng ating espesyal na Pangulong BS Aquino na magkaroon ng …

Read More »

3 anak ini-hostage ng ama (Dahil sa selos)

GENERAL SANTOS CITY – Nasagip ng pulisya ang tatlong bata makaraan i-hostage ng kanilang ama sa loob ng kanilang bahay sa Tindalu St. Balite, Brgy. Lagao sa lungsod na ito kahapon. Kinilala ang suspek na si Benito Marfori Cruz, 47-anyos, isang fishcar driver. Nangyari ang hostage-taking incident nang mag-away ang suspek at kinakasama niyang si Alma Cabanlit Lim. Nagcheck-in sa …

Read More »

Taiwanese vessel naglaho sa South Atlantic Ocean (13 Pinoy pasahero)

NANGANGALAP pa ng dagdag na impormasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa ulat na kabilang ang 13 Filipino sa lulan ng nawawalang Taiwanese vessel sa remote area ng South Atlantic Ocean. Batay sa impormasyon, kabilang sa mga nawawala ang Taiwanese skipper at chief engineer, 11 Chinese national, 21 Indonesian, 13 Filipino, at dalawang Vietnamese sailors. Una rito, ayon …

Read More »

Pagpili ng bagong PNP Chief ‘wag madaliin ng Malacañang

DAPAT masusing pag-aralan ng Malakanyang at huwag magpadalos-dalos ng desisyon sa pagpili ng susunod na hepe ng pambasang pulisya upang hindi na muling maulit ang mga kapalpakan at anomalya sa institution ng Philippine National Police. Ito ang panawagan ng mga opisyal ng PNP sa napipintong pagpili ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ng ipapalit sa nagretirong si PNP chief na …

Read More »

Anak 5 taon sex slave ng ama

GENERAL SANTOS CITY – Kalaboso ang isang ama nang mabunyag na limang taon niyang ginagahasa ang sariling anak na babae. Ayon kay SPO1 Mae Villa ng Malungon PNP, ang suspek ay kinilalang si alyas Rolly, ng Nagpan, Malungon, Sarangani Province. Sinabi ni Villa, 8-anyos pa lamang ang biktima nang simulang gahasain ng suspek hanggang maging 13-anyos. Nabulgar ang pang-aabuso ng …

Read More »

Titser sinaksak sa ari ng rapist (Sa Negros Occidental)

BACOLOD CITY – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang public school teacher sa bayan ng Manapla, lalawigan ng Negros Occidental makaraan saksakin ng lalaking tangkang gumahasa sa kanya kamakalawa. Ang biktima ay 25-anyos ginang at may dalawang anak. Ayon sa asawa ng biktima, nakalimutan ng kanyang misis na isara ang pintuan ng kanilang bahay habang nagpapatulog ng kanilang anak …

Read More »

Ibinibitin pa rin ni P-Noy ang PNP

HANGGANG sa kasalukuyan ay bitin na bitin pa rin sa kahihintay ang mga kagawad ng Philippine National Police kung kanino ipagkakaloob ni pangulong Benigno Aquino III ang liderato ng PNP. Early this week, ipinatawag at nakipag-usap ang pangulo kina general Leornardo Espina at general Garbo na kapwa 3-star PNP general at kapwa graduates ng Philippine Military Academy. Ang pakikipag-usap ng …

Read More »

14 BIFF patay 9 sundalo sugatan sa Maguindanao

COTABATO CITY – Magdamag na nagpalitan ng putok ang puwersa ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao. Pinasok ng Philippine Marines at Philippine Army ang kuta ng BIFF sa bayan ng Datu Piang, Datu Salibo at Datu Saudi Ampatuan Maguindanao. Dahil sa dami ng mga rebelde, gumamit ang militar ng dalawang M520 attack helicopters, 2 …

Read More »

NBI Deputy Director Edward Villarta, one of a kind

Isa sa mga hinahangaan ng marami sa National Bureau of Investigation na opisyal ay si Atty. Ed Villarta ng Deputy Director ng Regional Ope-ration Services dahil na rin sa kanyang galing, kasipagan, palakaibigan at pagiging isang low profile at hindi nagmamalaki sa kanyang nara-ting sa buhay. Kaya naman bilib sa kanya ang karamihan dahil sa serbisyo publiko na gingawa niya …

Read More »

P10 flag down rollback iaapela ng taxi drivers

IAAPELA ng isang grupo ng mga tsuper ang kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibaba ng P10 ang flag down rate sa mga taxi sa buong bansa. Sinabi ni Drivers Unite for Mass Progress Equality and Reality (DUMPER) President Fermin Octobre, bagama’t hindi masyadong umaaray ang mga taxi driver sa Metro Manila, maraming tsuper sa mga lalawigan …

Read More »

Higit 80% ng kongresista kontra BBL (Kung walang pagbabago)

HINDI aaprubahan ng Kamara ang Bangsamoro Basic Law (BBL) nang walang pagbabago sa nilalaman nito. Ikinatwiran ni Zamboanga Rep. Celso Lobregat, miyembro ng House Ad Hoc Committee on the BBL, naniniwala ang karamihan ng mga kongresista na labag sa Saligang Batas ang ilang probisyon ng panukala.  “As is na walang bago, siguro mga 80% to 90% ng congressman ay hindi …

Read More »

Pink Bus aarangkada sa Lunes

AARANGKADA na sa Lunes ang ‘Pink Bus’ para sa mga kababaihan, menor de edad, nakatatanda at may kapansanan, kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan.  Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Winston Ginez, mayroong rutang Cainta, Rizal papuntang Quiapo, Maynila ang Pink Bus ng RRCG Transport. Bibiyahe araw-araw ang Pink Bus mula 4 a.m. hanggang …

Read More »

Kasong criminal at administratibo vs pulis na nagpuslit kay Sen. Bong

INIREKOMENDA ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) investigating team ang kasong administratibo at kriminal laban sa PNP officers na sangkot sa pagpuslit kay Sen. Bong Revilla Jr. para dumalo sa kaarawan ng kapwa senador na si Juan Ponce Enrile. Batay sa lumabas na resulta ng imbestigasyon, na pirmado ni CIDG Chief, Dir. Benjamin Magalong, nagkaroon ng sabwatan ang duty …

Read More »

Pagtatalaga sa key posts idinepensa ng Palasyo

NAGPALIWANAG ang Malacanang kung bakit natatagalan ang pagtatalaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mahahalagang bakanteng puwesto sa gobyerno. Kabilang sa ilang buwan hindi pa napupunan ang Commission on Elections (Comelec), Commission on Audit (CoA), Civil Service Commission (CSC) at PNP. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, maituturing kasing high-level appointments ang mga posisyon kaya maingat dito ang …

Read More »

PCJ nababahala sa pandarahas sa Bulacan (Dahil sa recall election)

NAALARMA ang Philippine Crusader for Justice (PCJ) dahil sa patuloy na pagkilos ng nakaupong gobernador ng Bulacan para pigilang matuloy ang recall election na nadesisyonan na ng Commission on Elections (COMELEC).  Ayon kay Joe Villanueva, convenor ng PCJ, isang grupong nagsusulong ng hustisya, nakababahala ang umano’y paggamit ng Lingkod Lingap sa Nayon (LNN) at mga barangay health workers para pagbantaan ang …

Read More »

Breath analyzer vs drunk driving gagamitin ng LTFRB sa March 12  

GAGAMIT na ng mga breath analyzer ang Land Transportation Office (LTO) simula sa Huwebes para sa pagpapatupad ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Ang breath analyzer ang tutukoy sa level ng alkohol na nainom ng isang driver.  Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, aarangkada ang paggamit sa breath analyzer makaraan ang re-training mula sa Marso 10 hanggang 12 …

Read More »

Huling pag-asa ng Pinay sa death row (Judicial review ng Indonesian SC)

HULING pag-asa ng isang Filipina para makaligtas sa hatol na kamatayan sa Indonesia ang judicial review ng Supreme Court (SC) doon. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Charles Jose, ito’y dahil una nang tinanggihan ni Indonesia President Joko Widodo ang hirit na clemency ng Filipinas para sa kababayang nahulihan ng droga. Ani Jose, kahit pa magbago ang desisyon …

Read More »

BOI report rerepasohin muna ni PNoy bago ilabas

INIHAYAG ng Malacañang na babasahin muna ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang buong Board of Inquiry (BOI) report bago isasapubliko ang nilalaman. Ngunit sa ngayon ay nasa tanggapan pa lamang ni Interior Sec. Mar Roxas makaraan makompleto ng BOI ang imbestigasyon sa Mamamasapano encounter. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nais ni Pangulong Aquino na pasadahan muna ang …

Read More »

Foul play sinisilip sa pagkamatay ng pulis-Bustos

HINIHINALANG may foul play sa pagkamatay ng isang pulis sa Bulacan na nabaril sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. San Jose, bayan ng Baliuag, sa naturang lalawigan kamakalawa.  Namatay habang ginagamot sa Castro Hospital ang biktimang si PO2 Denmark De Leon, 28, chief Investigator ng Bustos PNP, tinamaan ng bala sa ulo at hita. Sa ulat ni PO2 Joselito …

Read More »

Amazing: Global internet debate sa kulay ng damit natapos na

EPEKTIBONG natapos ng vision expert ang global internet debate kaugnay sa kulay ng isang damit – sa pamamagitan ng pagdedeklara na ang lahat ay tama. Ang larawan ng two-tone dress ay naging viral makaraan magpasiklab ito nang matinding debate kung ang kulay nito ay white and gold o blue and black. Ini-post ni Caitlin McNeil ang larawan sa website Tumblr …

Read More »

Hangarin sa romansa ‘masasalamin’ sa tahanan

‘MASASALAMIN’ ba sa inyong tahanan kung ano talaga ang mahalaga sa iyong buhay, at kung ano ang iyong nais sa magiging kapareha sa buhay? Halimbawa, kung ang kalikasan, sports activities at iba pang outdoor activities ay mahalaga sa iyo, “nasasalamin” ba ang mga ito sa inyong bahay? Mayroon bang tent na nakatago sa inyong closet? Mayroon ka bang mga larawan …

Read More »