TACLOBAN CITY – Patay ang apat batang magkakapatid sa sunog sa isang bahay sa Brgy. 78, Marasbaras, sa siyudad ng Tacloban dakong 5 a.m. kahapon. Kinilala ang mga biktimang sina Dan Jade Morales, 16; Glenn Mark Morales, 14; Glen Marie Morales, 11, at Gwyneth Morales, 9, pawang mga residente sa nasabing lugar. Habang kinilala ang kanilang mga magulang na sina …
Read More »Security Cluster meeting nasentro sa Mindanao (Ayon sa Palasyo)
KINOMPIRMA ng Malacañang, nasentro sa Mindanao security situation ang pinag-usapan sa Security Cluster meeting na ipinatawag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, sa nasabing meeting nagbigay ng updates ang AFP at PNP kay Pangulong Aquino sa ginagawang mga operasyon sa rehiyon. Ayon kay Coloma, patuloy ang determinasyon ng gobyerno para mailigtas ang hostages na …
Read More »Gawad KWF sa Sanaysay, bukás na para sa mga lahok
Tumatanggap na muli ng mga lahok ang Komisyon sa Wikang Filipino para sa Gawad KWF sa Sanaysay na kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang Filipino: Wika ng Karunungan. Hinihimok ang lahat ng magpadala ng mga orihinal na sanaysay na may pagtalakay sa larang ng agham-pangkalikasan, agham panlipunan, matematika, o kaugnay nito na nakasulat sa wikang Filipino. …
Read More »Major victories ng PNP vs illegal drugs pinuri
PINURI ni outgoing Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen S. Sarmiento ang pambansang pulisya kaugnay sa kanilang matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga. Sinabi ni Sarmiento, na-achieved ng PNP ang major successess sa kanilang inilunsad na kampanya laban sa illegal narcotics na pinangunahan ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group (AIDG). “Since its activation in October …
Read More »2 Provincial Comelec ipatatawag ng NBOC (May problema sa COC)
IPATATAWAG ngayong araw sa sa National Board of Canvasser (NBOC) ng joint congress ang provincial election officer ng Laguna at Ilocos Sur. Ito ay nang magkaroon ng mga problema ang Certificate of Canvass mula sa nasabing mga probinsya. Ilan sa nakitang mga problema ay kung bakit ito ay nai-print sa ordinaryong printer na walang hash code gayondin ang kawalan ng …
Read More »Cartel sa energy, telcos binalaan ni Duterte (Sa makupad at magastos na serbisyo)
DAVAO CITY – Malaking hamon sa energy at telecommnunication cartels ang plano ni incoming President Rodrigo Duterte na ibigay ito sa foreign players. Ayon kay Duterte, kung hindi mag-improve ang mahinang serbisyo, bubuksan niya ito sa international players sa pamamagitan ng pagpasok sa isang kasunduan sa telecommunication companies. Sinabi rin ni Duterte, gagawa siya ng polisiya upang mapabilis ng mga …
Read More »Inaugural speech ni Digong simple, 5 minuto lang
Davao CITY – Nangako si President-elect Rodrigo Duterte na aabot lamang sa limang minuto ang kanyang speech sa inauguration ceremony sa Hunyo 30. Ayon sa incoming president, hindi na kailangan ng mahahabang speeches dahil may cabinet secretaries siya na magbibigay ng pahayag sa polisiya ng administrasyon. Samantala, muling iginiit ni Duterte na mananatiling simple pa ang kanyang oath-taking na isasagawa …
Read More »Ilibing si FM sa Libingan ng mga Bayani — Duterte (Bilang sundalong Filipino)
DAVAO CITY – Pabor si President-elect Rodrigo Duterte na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni dating President Ferdinand Marcos sa kabila nang pagtutol ng karamihan. Ito ang inihayag ng outgoing mayor sa press conference sa lungsod ng Davao, ngunit nilinaw na hindi bilang bayani kundi bilang isang sundalong Filipino. Gusto ni Duterte na ayusin agad ang …
Read More »Reghis Romero may-ari, legal operator ng port facility (Inilinaw ng HCPTI)
NILINAW ng pamunuan ng Harbour Centre Port Terminal, Inc., na hindi kasama sa dinesisyonan ng Court of Appeals ang isyu hinggil sa kung sino ang nagmamay-ari ng P5 milyong pasilidad nito at ang negosyanteng si Reghis M. Romero II pa rin ang legal na nagpapatakbo at may control nito. Ayon kay HCPTI Corporate Lawyer Eugene M. Santiago, hindi tinalakay sa …
Read More »3-child policy ‘order’ ni Duterte
SINABI ni incoming president Rodrigo Duterte, susuwayin niya ang Roman Catholic Church sa isusulong niyang three-child policy, na maaaring muling magresulta sa banggaan nila ng mga obispo. Ang mayor ay hindi pa naidedeklarang panalo sa May 9 polls, ngunit sa unofficial vote count ng election commission-accredited watchdog, malaki ang lamang niya sa apat niyang mga karibal, tatlo sa kanila ay …
Read More »Office of the President kasado na sa transition
NANINIWALA si Executive Sec. Paquito Ochoa, magiging maayos at magaling na kapalit niya si Atty. Salvador Medialdea sa Duterte administration. Si Medialdea ay personal lawyer ni incoming President Rodrigo Duterte at napipintong maging Executive Secretary simula Hunyo 30. Sinabi ni Ochoa, sa kanyang pagkakakilala, mabait, simple at magaling na abogado si Medialdea. Ayon kay Ochoa, nagpagawa na siya ng matrix …
Read More »11 drug suspects ipinarada sa Tanauan
LABING-ISANG drug suspects pa ag ipinarada sa Tanauan, Batangas. Ang mga suspek ay may karatulang nakakabit na may nakasaad na “Ako’y Pusher ‘Wag Tularan” at may arko na may nakasulat na “Flores De Pusher.” Naaresto ang mga suspeks sa iba’t ibang mga drug buy-bust operation ng mga pulis at civil security unit sa Brgy. III at IV. Kaugnay nito, bagama’t …
Read More »K-12 program ng DepEd ‘di basta maibabasura
DAGUPAN CITY – Iginiit ng Department of Education (DepEd) Dagupan, hindi basta matatanggal ang implementasyon ng K-12 Program ng ahensiya sa kabila ng pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte na nais niyang alisin ang naturang programa. Ayon kay Madam Maria Linda Ventinilla, hepe ng School Governance and Operations Division ng DepEd Dagupan, nakapaloob sa isang batas ang K-12 Program kaya’t hindi …
Read More »6 illegal fishermen arestado sa Pangasinan
DAGUPAN CITY – Arestado ang anim illegal fishermen sa baybaying sakop ng bayan ng Bani sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang mga naaresto na sina Romy Borce, Jerson Cortez, Jerico Carolino, Ricardo Inoc, Lino Inoc at Marlon Nacua, pawang mga residente sa Brgy. Luciente 1, Bolinao. Naaktohan ang mga suspek habang nagsasagawa ng ilegal na pangingisda gamit ang compressor …
Read More »Kano, 18-anyos DLSU coed, 2 pa namatay sa Close up Open Concert (Bagets Kritikal)
APAT katao na kinabibilangan ng isang American national, isang 18-anyos De La Salle student at dalawang lalaki ang natagpuang nakahandusay at hindi na humihinga sa concert ground ng mala-king mall sa Pasay City kahapon ng madaling-araw. SA ulat mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas, kinilala ang mga biktimang sina Bianca Fontejon, 18, De …
Read More »No relocation, no demolition isusulong ni Duterte
BILANG proteksiyon sa mahihirap na komunidad sa bansa, isusulong ni President-elect Rodrigo Duterte ang patakarang no relocation, no demolition sa mga informal settlers. Sinabi ni Duterte, sisikapin niyang maipatupad ang patakaran na magbabawal sa pagsasagawa ng demolisyon sa komunidad ng informal settlers kung walang maibibigay na relocation site. Inaasahan ni Duterte, sa pamamagitan ng panukala ay maiiwasan ang madugong komprontasyon …
Read More »Esperon National Security Adviser
PINILI ni President-elect Rodrigo Duterte si dating AFP chief of staff Hermogenes Esperon para maging National Security adviser. Sinabi ni Duterte, kompiyansa siyang magagampanan ni Esperon ang kanyang trabaho. Si Esperon ang 36th Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) …
Read More »Pananaw sa mining magkaiba kami – Digong (Gibo: ‘Di pa ako tumatanggi)
NILINAW ni dating Defense chief Gilbert “Gibo” Teodoro Jr., hindi pa niya tinanggihan ang alok ni President-elect Rodrigo Duterte para maging pinunong muli ng Department of National Defense (DND). Ayon kay Teodoro, kanya pang pinag-aaralan ang imbitasyon para hawakan muli ang defense portfolio. Una rito, mismong si Duterte ang nagsabing tumanggi si Teodoro para muling mamuno sa Department of National …
Read More »Takeover ni Mikee sa Harbour Terminal kinatigan ng CA
PINAYAGAN ng Court of Appeals (CA) ang kampo ng negosyante at incoming Party-list Rep. Michael Romero na mag-takeover sa operasyon ng 10-ektaryang Harbour Centre terminal na pinatakbo ng amang si Reghis Romero II simula noong Oktubre 2014. Sa 22-pahinang desisyon ni Associate Justice Leoncia Real-Dimagiba ng CA Special Fifteenth Divison (Division of Five), kinatigan nito ang One Source Port Services …
Read More »2 tatay nag-suicide sa CamSur
NAGA CITY – Problema sa kanilang karelasyon ang itinuturong dahilan ng pagpapakamatay ng dalawang padre de pamilya sa lalawigan ng Camarines Sur. Ayon sa ulat ng pulisya, nakita ng kanyang mga katrabaho ang katawan ng biktimang si Reynante Remodo, 42, ng bayan ng Tigaon, habang nakabitin sa loob ng pinagtatrabahuang repair shop. Ayon sa mga kaanak ng biktima, bago ang …
Read More »Sabotahe sa Duterte-NDF talks itinanggi ng Palasyo
ITINANGGI ng Malacañang ang paratang ng Anakpawis Party-list na magkasabwat sina Sen. Antonio Trillanes at ang Liberal Party (LP) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para isabotahe ang peace talks sa ng Duterte administration at National Democratic Front of the Philippines (NDF). Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, walang katuwiran, walang batayan at walang katotohanan ang alegasyon laban kay Pangulong …
Read More »4 patay sa salpukan ng bus at tricycle (Sa Iligan City)
CAUAYAN CITY, Isabela – Agad binawian ng buhay ang apat katao makaraan magsalpukan ang isang tricycle at pampasaherong bus sa Brgy. Alibagu, Iligan City kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Leonardo Ander, 39; Elmer Ignacio, 29; Marlito Manalo, 39, at Jerome Galasingao, 33, pawang residente ng Ilagan. Batay sa imbestigasyon ng Ilagan PNP, nabangga ng isang Florida bus ang …
Read More »Newscaster nabiktima ng basag-kotse
NABIKTIMA ng basag-kotse gang ang isang newscaster ng PTV 4 sa tapat ng Agora Public Market sa San Juan City, nitong Linggo. Ipinarada ni Kirby Cristobal ang bagong biling van sa naturang lugar nitong Sabado ng gabi. Nakatanggap siya Linggo ng umaga ng text message mula sa isang parking attendant na sinabing nabasag ang salamin ng kanyang van. Natangay mula …
Read More »4 sugatan sa bumaliktad na taxi sa Kyusi
APAT ang sugatan makaraan bumaliktad ang isang taxi sa Quezon Avenue southbound sa Quezon City nitong Linggo. Kuwento ng driver na si Noel Malapit, binabaybay niya ang naturang kalsada dakong 3 a.m. nang biglang tumawid ang isang itim na kotse. Galing aniya sa kalapit na bar ang kotse at papunta ng U-turn slot. Bumangga ang taxi sa kotse, sumampa sa …
Read More »Trabahador napisak sa pison (Sa Agusan del Norte)
BUTUAN CITY – Hindi umabot nang buhay ang isang trabahador makaraan magulungan ng pison habang nagtatrabaho sa national highway sa Ohida Avenue, Cabadbaran City, lalawigan ng Agusan Del Norte kamakalawa. Ayon kay SPO2 Noel Gorinca ng Cabadbaran City Police Station, imbestigador ng kaso, nag-overtime sa pag-aspalto ng nasabing highway ang mga trabahador at nagsisilbing right man ang biktimang si Joel …
Read More »