INIHAYAG ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista kahapon, maaaring magpalabas na ang First Division ng resolusyon sa tatlong iba pang nakabinbing disqualification cases na inihain laban kay Sen. Grace Poe. “Meron pang tatlong kasong nakabinbin sa aming First Division naman na submitted for decision as of last Thursday (December 3), and sa aking palagay ay siguro magbababa na …
Read More »Iniwan na ni Bongbong si Chiz
KUNG ihahambing sa karera ng kabayo, banderang kapos na maituturing si Sen. Chiz Escudero – sa unang arangkada, mabilis na umabante, pero habang papalapit ang finish line, unti-unti nang nanlalamig at naiiwan ng kanyang mga kalaban sa karera. Ganito ang nangyayari kay Escudero. Unti-unting nakikita ang kanyang panlalamig at unti-unti na rin siyang nauungusan ni Sen. Bongbong Marcos sa vice …
Read More »CDO no. 2 sa HIV-AIDS cases sa PH
CAGAYAN DE ORO CITY – Tumaas pa ang bilang ng mga dinapuan ng Human immunodeficiency virus (HIV) sa lungsod ng Cagayan de Oro. Ayon kay Fritzie Estoque, chairperson ng Misamis Oriental-Cagayan de Oro AIDS Network (MOCAN), nananatiling numero uno ang katergoryang “men having sex with men” sa bilang ng mga tinamaan ng impeksiyon. Nangamba si Estoque dahil ayon sa kanilang …
Read More »5 patay sa van vs truck sa Samar
TACLOBAN CITY- Lima ang namatay habang tatlo ang nasugatan sa banggaan ng pampasaherong van at dump truck sa Sitio Ilawod Brgy. Naparaan Salcedo Eastern Samar kamakalawa. Idineklarang dead on the spot ang limang sakay ng van na si Rhodora Garcia Pedrosa, mag-asawang sina Gilberto at Julita Labikani, at anak nilang si Jasmine at ang driver na kinilala lamang bilang si …
Read More »Helper tinuklaw ng cobra kritikal
CAUAYAN CITY, Isabela – Kritikal ang kondisyon ng isang helper makaraang tuklawin ng cobra sa Brgy. Tagaran, Cauayan City kamakalawa. Ang biktima ay si Joseph Mora, 37, residente ng Linao, Tuguegarao City. Inihayag ni Ginang Angelina Mora, habang naglilinis ang kanyang anak sa kanyang silid ay kanyang nakita at aksidenteng nahawakan ang mahigit isang metrong habang cobra dulot nang matinding …
Read More »20-day TRO vs Uber, Grabcar
NAGPALABAS ng temporary restraining order (TRO) ang Quezon City Regional Trial Court laban sa operasyon ng Uber at Grab Car na pawang online based transport service. Base sa inilabas na kautusan ng QCRTC Branch 217, pagbabawalan munang mag-operate ang Uber at Grab Car sa loob ng 20 araw. Ang TRO ay bilang tugon sa petisyon ng grupong Stop and Go …
Read More »Humatol sa DQ ni Poe walang K — Kapunan (Walang election lawyer sa Comelec 2nd Division)
DAHIL sa kawalan ng beteranong election lawyer sa 2nd Division ng Comelec na nagdiskwalipika sa presidential frontrunner na si Sen. Grace Poe, mariing sinabi ni Galing at Puso senatorial candidate Atty. Lorna Kapunan na hindi siya magtataka kung ang nasabing desisyon ay mababaliktad ng Comelec En Bac at ng Korte Suprema. “Ang election law ay isang expertise, isang linya ng …
Read More »INC walang eroplano
“Walang airbus ang Iglesia.” Ito ang mariing tinuran ni Iglesia Ni Cristo (INC) Spokesperson Edwil Zabala kahapon bilang tugon sa alegasyon na nagmamay-ari sila ng Airbus 330-202, ang multi-milyong dolyar na eroplanong ginagamit umano sa kanilang mga biyahe sa ibang bansa. Sa ilang naunang balita ngayong linggo, inakusahan ng mga itiniwalag na ministro ng Iglesia na sina Isaias Samson, Jr., …
Read More »Poe mananatili sa list of candidates
NILINAW ng Comelec na hindi na kailangan pa ng kampo ni Sen. Grace Poe na maghain ng petisyon para lamang makasama sa ililimbag na balota ang pangalan ng senadora kahit may mga kinakaharap na disqualification case. Paliwanag ito ni Comelec Spokesman James Jimenez, kasunod nang pagsugod ng mga tagasuporta ng senadora sa punong tanggapan ng poll body. Ilan sa kanila …
Read More »Binay at Mar ang tirador
LUMABAS din ang katotohahan nang tukuyin mismo ni Sen. Grace Poe na sina Mar Roxas at Vice President Jojo Binay ang may pakana ng mga ‘paggiba’ sa kanya, partikular ang disqualification ca-ses na inihain laban sa kanya sa Commission on Elections (Comelec). Bagamat mabilis na itinanggi ng kampo nina Roxas at Binay ang akusasyon, halos ang lahat ay naniniwala na …
Read More »Kasambahay pinatay ng bayaw ng amo (Nagalit nang ‘di papasukin)
AGAD binawian ng buhay ang isang kasambahay makaraang saksakin ng bayaw ng kanyang amo nang hindi niya papasukin sa pinagsisilbihang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Janet Magana, 23, stay-in housemaid sa Block 4, Lot 25, Kalap Subdivision, Brgy. 177, Camarin ng nasabing lungsod. Arestado at nakapiit na ang suspek na si Emmanuel Boado, 36, …
Read More »Comelec gagahulin sa SC TRO — Jimenez
INIHAYAG ang Commission on Elections (Comelec) na magagahol na ang ahensiya kapag susundin ang temporary retraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) sa “No Bio, No Boto” policy sa 2016 elections. Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maaapektohan ang paghahanda ng Comelec sa halalan kapag ibabasura ang kanilang polisiya sa pagboto. Ito ay dahil kaila-ngan mag-adjust ang Comelec ng mga …
Read More »Kung meron inyo na — INC (Sa offshore accounts sa Cayman Islands at Switzerland)
PINASINUNGALINGAN kahapon ng tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Edwil Zabala ang bagong mga paratang mula sa mga itiniwalag na mga ministrong sina Isaias Samson, Jr., at Vincent Florida na ilang pinuno ng Iglesia umano ay nagmamantina ng mga personal at hindi awtorisadong accounts sa banko sa Switzerland o sa Cayman Islands, maging ang mga paratang na ang …
Read More »Ayaw nila akong makatakbo sa 2016 — Poe (Laban dadalhin sa SC)
INAASAHAN na ni Sen. Grace Poe na maaari si-yang matalo sa kanyang kaso sa Second Division ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa iisang dahilan: may mga ‘kumikilos’ para matanggal siya sa karera sa pagka-pangulo sa Halalang 2016. “Siyempre ako ay nalulungkot at desmayado rito, subalit ito kasi inasahan na namin dahil sa mga ipinagkikilos rin ng mga nasa paligid namin,” …
Read More »Pemberton hoyo sa Camp Aguinaldo
PANSAMANTALANG ikinulong si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa Camp Aguinaldo makaraang mahatulang guilty sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude. Unang iniutos ng Olongapo Regional Trial Court na dalhin si Pemberton sa New Bilibid Prison, ngunit binawi ito ng korte at sinabing sa Camp Aguinaldo siya ikukulong hanggang may mapagkasunduan ang Filipinas at Amerika kung …
Read More »MTPB volunteer todas sa tren
PATAY ang isang 40-anyos volunteer member ng Manila Traffic Parking Bureau (MTBP) makaraang masagasaan ng rumaragasang tren habang umiihi sa gilid ng riles sakop ng Tondo, Maynila kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Francisco Garcia ng nasabing lugar. Ayon kay Supt. Alex Danile, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 8:05 …
Read More »PH-US Maritime Security Training inamin ng AFP
KINOMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong nagaganap na maritime security bilateral training ang mga sundalong Filipino at US Forces. Ngunit inilinaw ni Iriberri na walang kaugnayan sa isyu ng West Philippine Sea ang nasabing exercise na tinawag na Marsec o maritime security training. Ito’y kasunod sa presensiya ng dalawang US aircraft na naka-standby sa …
Read More »4 bagets arestado sa gang rape
CAGAYAN DE ORO CITY – Agad naaresto ng mga pulis ang apat menor de edad na lalaking itinuturong gang rape suspects sa isang kolehiyala sa Upper Carmen, Cagayan de Oro City, kahapon ng madaling araw. Ang biktimang itinago sa pangalang Lalang ay kasalukuyang nilalapatan ng medikasyon makaraan halinhinang gahasain ng mga suspek. Inihayag ni PO3 Eniego Obiosca ng Carmen Police …
Read More »Adik wanted sa pagpatay sa ina at lola
CAUAYAN CITY, Isabela – Sasampahan ng kasong two counts ng parricide ang isang lalaking dumaranas ng mental illness makaraang patayin ang kanyang ina at lola. Ito’y sa pamamagitan ng pagtaga sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan gamit ang panggapas ng palay. Kinilala ang suspek na si Seiitchi Sankoite, 20, residente ng Brgy. Cebu, San Isidro, Isabela. Habang ang mga …
Read More »8 estudyante sinampal, guro kalaboso
DAGUPAN CITY- Desididong magsampa ng kaso ang mga magulang ng apat sa walong estudyanteng sinampal ng kanilang guro sa isang paaralan sa Lungsod ng Urdaneta. Batay sa salaysay ng mga magulang ng mga estudyante, nagsimulang magalit ang gurong si Madam Maricar Magtuto nang magkapikonan at magkasakitan ang mga mag-aaral sa isang aktibidad. Dahil dito, ipinatawag ng guro ang walong Grade …
Read More »INC kontra kahirapan (Tulong palalawakin sa bansa)
MARAMI pa rin ang sadlak sa kahirapan kaya minarapat ng Iglesia ni Cristo, sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation, na lalo pang paigtingin ang kanilang mga proyektong tumulong sa mga nangangailangan — pangunahin sa mga katutubong komunidad o Indigenous Peoples (IPs) at mga pamayanang salat sa pagkakataon sa kabuhayan. “Noon pa man, katuwang na ang Iglesia ng pamahalaan sa …
Read More »Poe diskwalipikado
DISKWALIPIKADO si Sen. Grace Poe para kumandidatong pangulo sa 2016 elections. Ito ang desisyon na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) Second Division sa botong 3-0. Ayon sa Comelec, hindi umabot si Poe sa residency requirement na 10 taon na iniaatas ng Kons-titusyon para sa mga kakandidatong pangulo. Ang petisyon na dinisesyonan ng Comelec ay inihain ng abogadong si Atty. …
Read More »TRO kontra no bio, no boto inisyu ng SC
NAG-ISYU ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sa ipinatutupad na “No bio, no boto” policy ng Comelec. Nangangahulugan ito na muling nabuksan ang posibilidad na makaboto, kahit ang walang kompletong biometrics data. Una rito, dumulog sa Korte Suprema ang Kabataan party-list para kwestiyonin ang constitutionality ng “No bio, no boto” campaign ng Comelec. Sa kanilang 32-pahinang petition …
Read More »Mar inilaglag ng LP
KUMAKALAT ngayon sa Metro Manila ang mga sticker na may nakasulat na “GraceLen” #GLsa2016. Malinaw na ang mga stickers na ito ay patungkol kina Sen. Grace Poe at Rep. Leni Robredo. Nangangahulugan bang ang pagkalat ng mga sticker na “GraceLen” ay pagsuporta ng Liberal Party (LP) sa kandidatura ni Poe at pag-abandona kay Roxas? Hindi ito malayo sa katotohahan dahil …
Read More »Kelot natigok sa kandungan ng dalagita sa Digos City
DAVAO CITY –Pinagsisikapan ng mga pulis ng Digos City na maki-lala ang lalaking natagpuang wala nang buhay sa loob ng isang lodging house kamakalawa. Inilarawan ng mga pulis ang biktimang nakasuot lamang ng asul na t-shirt, short pants at tinatayang nasa edad 40-45-anyos. Batay sa salaysay ng roomboy sa Daniela’s Inn ng Burgos, Bataan, Digos City, nag-check in ang biktima …
Read More »