AMINADO ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila nababantayan 24/7 ang borders ng bansa dahil sa napakalawak nito gayon man sinisiguro ng militar na mayroon silang ginagawang routinary patrols sa bahagi ng southern Philippines na tinagurian din backdoors ng bansa. Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla, bukod sa routine patrols ng pamahalaan mayroon din silang …
Read More »Bebot dedbol sa bundol, driver ng SUV kinuyog
DAGUPAN CITY – Agad binawian ng buhay ang isang babae makaraang banggain ng isang SUV habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Cabanatuan, Nueva Ecija kamakalawa. Bali ang balakang ng biktimang si Ella Lopez na tumilapon pa ng ilang metro dahil sa lakas ng impact bago nabagok ang ulo nang tumama sa konkretong poste. Nabigla ang mga kaibigan niyang kasamang …
Read More »Magtiyahin patay, 3 sugatan sa charger (Sa Negros)
BACOLOD CITY – Patay ang magtiyahin habang tatlo ang sugatan sa nangyaring sunog sa Negros Occidental dakong alas-1:20 a.m. kahapon. Kinilala ang mga namatay na si Lalaine Francisco at pamangkin niyang si John Lloyd alyas Jim-Jim, 12-anyos, residente ng Brgy. 9, Victorias City. Habang ang mga sugatan ay kinabibilangan ni Rowena Francisco, at mga anak niyang sina Angel at Jan …
Read More »Palasyo itinangging walang ginawa si PNoy sa SAF 44
MARIING itinanggi ng Malacañang na pinabayaan at walang ginawa si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para iligtas ang napapalabang 44 PNP-Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao. Magugunitang sinabi ni Sen. Juan Ponce-Enrile, may hawak siyang ebidensiya para patunayang aktibong kabahagi si Pangulong Aquino sa pagpaplano at preparasyon ng Mamasapano operation ngunit walang ginawa sa kasagsagan ng operasyon hanggang matapos …
Read More »Sama-samang aksiyon laban sa kahirapan (INC nanawagan)
SA ulat na kalahati sa bilang ng pamilyang Filipino ay itinuturing na mahihirap, nanawagan ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa bansa na sama-samang labanan ang kahirapan sa pagpapatuloy ng kanilang “anti-poverty outreach program” na naglalayong bigyan ng “tunay, makatotohanan at kongkretong paglingap” ang komunidad sa kanayunan sa buong bansa. Ayon kay INC General Auditor Glicerio B. Santos, Jr., ang Iglesia …
Read More »6 patay sa Tagaytay menor de edad na wala pang lisensiya
NATUKOY na ang pag-kakakilanlan ng apat mula sa anim namatay nang lumiyab ang kanilang sasakyan makaraang bumangga sa concrete barrier at puno sa Tagaytay City dakong 2:44 a.m. nitong Linggo. Nabatid na pawang menor de edad ang mga biktima at wala isa man sa kanila ang may lisensiyang magmaneho. Sinabi ni Tagaytay City chief of police, Supt. Ferdinand Quirante, sakay …
Read More »Armas sa terror attack sa Jakarta galing sa PH?
KINOMPIRMA ng opisyal sa Indonesia na ang mga baril at pampasabog na ginamit sa madugong pag-atake ng mga terorista sa Jakarta noong nakaraang linggo ay galing sa Filipinas. Ang nasabing ulat ay mula sa panayam ng Wall Street Journal kay Indonesian police spokesperson Anton Charliyan. Tinawag pang “well built” ang nasabing mga armas mula sa Filipinas. Aabot sa siyam na …
Read More »Barker utas sa sekyu
PATAY ang isang barker makaraang saksakin ng guwardiya nang mapikon ang suspek dahil ibang pasahero ang pinasakay ng biktima sa ipinatawag niyang taxi sa Pasay City kahapon ng madaling-araw. Nalagutan ng hininga bago idating sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Severo Abulencia Jr., 58, ng Block 2, Lot 30, Sta. Rita Street, Brgy. 178, Zone 19, Maricaban ng nasabing …
Read More »Pinay, asawang Egyptian tiklo sa Kuwait (250 kls. shabu, 4-K narcotic pills nakompiska)
INIHAHANDA na ang mga kasong isasampa laban sa isang Filipina at asawa niyang Egyptian sa Salimya, Kuwait makaraang madakip sa isinagawang drug-buy bust operation. Ayon sa ulat, patuloy pang inaalam ang pangalan ng naturang Filipina at ang kanyang asawa. Ayon sa Kuwaiti authorities, nakuha sa bahay ng mag-asawa ang 250 kilo ng shabu na nakasilid sa envelop at 4,000 narcotic …
Read More »Kampanya vs terorista dapat paigtingin — Alunan
IGINIIT ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III na dapat paigtingin ng pamahalaan sa pamamagitan ng pulisya at militar ang paglaban sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na matagal nang nakipag-alyansa sa barbarong Islamic State of Syria and Iraq (ISIS). Ayon kay Alunan, hindi dapat maging kampante ang pulisya at militar lalo’t nagsagawa …
Read More »PNoy walang ginawa para iligtas SAF 44 (Sabi ni Enrile)
TINIYAK ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na may mga ebidensya siya para patunayan na direktang may kinalaman “actively at directly” si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa operasyon laban sa teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Sa unang araw ng sesyon ng Senado sa taon 2016, tumayo …
Read More »Van swak sa kanal 2 nalunod (Sa Benguet)
VIGAN CITY – Nalunod ang dalawang lalaki nang hindi makalabas sa nahulog nilang sasakyan sa kanal sa Cervantes Mankayan Road, Benguet kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina June Alicio, 42, at Gerald Bago, 21, parehong residente ng Mankayan, Benguet. Ayon kay S/Insp. Nepoleon Gao-ay, chief of police ng PNP Cervantes, binabagtas ng mga biktima ang national highway ng nasabing lugar …
Read More »Marquez tumiklop sa liga (Sa laban bilang Pangulo)
TUMIKLOP ang buntot at tuluyan nang sumuko sa laban bilang pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Parañaque City si Jeremy Marquez, ang anak ng aktor at komedyanteng si Joey Marquez. Walang nagawa si Marquez kundi makiusap sa mga kapwa niya kapitan para bigyan siya ng isang buwan bago lisanin ang puwesto, matapos mabigong makakuha ng temporary restraining order (TRO) …
Read More »Binay na-boo sa Cebu City
SINIGAWAN ng boo si Vice President Jejomar Binay sa pagdiriwang ng Sinulog Festival sa Cebu City, iniulat kahapon. Tinatayang 10,000 tao ang nasa loob ng Cebu City Sports Center nang siya’y ipakilala ni suspended Mayor Mike Rama para sa pormal na pagbubukas ng Sinulog Grand Parade pasado 9:00 a.m. kahapon. Lalo pang lumakas ang boo nang tumayo si Binay para …
Read More »Palasyo duda sa 100-M Pinoy families lubog sa hirap
HINDI kombinsido ang Malacañang sa pahayag ng National People’s Coalition na may 100 milyong pamilyang Filipino ang lubog pa rin sa kahirapan sa kabila nang ibinabandera ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na economic growth sa bansa. Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Undersecretary Manolo Quezon III, lahat ay umaaming may kahirapan sa bansa ngunit ang …
Read More »Kulelat na si Win Gatchalian sa SWS
HALOS mangulelat na si Valenzuela Rep. Win Gatchalian na tumatakbo bilang senador batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa noong Enero 8 hanggang 10 sa kabuuang 1,200 kinapanayam na mga botante. Wala na naman Win sa “Magic 12” at ang masakit pa nito, lalo pang bumaba ang kanyang ranking na dati ay nasa ika-15 puwesto at …
Read More »Veto sa pension hike may epekto sa LP candidates (Ayon sa analyst)
MAY epekto sa kandidatura ng mga kaalyado ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang veto niya sa Social Security System (SSS) pension hike, ayon sa isang analyst. Sa panayam sa isang radio station, sinabi ng political analyst na si Prof. Edmund Tayao, ang usapin ng dagdag-pension ay makatutulong sa publiko. “Definitely, this is going to affect the candidacy of the …
Read More »Pananagutan ni PNoy sa SAF 44 patutunayan ni Enrile
NAIS patunayan ni Senator Juan Ponce Enrile kung bakit responsable si Pangulong Benigno Aquino III sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Focre (SAF). Sa muling pagbukas ng Mamasapano probe sa Enero 27, “ipapakita ko nang maliwanag kung ano ang nangyari sa operasyon” at kung bakit “ultimate responsible” ang pangulo sa madugong operasyon. Aniya, inimbitahan niyang dumalo sa pagpupulong …
Read More »Pewee, Roxas ‘butata’ sa state prosecs (Hatol ng Sandiganbayan iniapela)
TINUTULAN ng state prosecutorts ang apela ni dating Pasay City mayor Wenceslao “Pewee” Tri-nidad para sa rekonside-rasyon sa kanyang conviction sa graft kaugnay sa public market mall project. Sina Trinidad at Pasay Rep. Jose Antonio Roxas ay nahatulan ng Sandiganbayan noong Nobyembre 2015 bunsod nang pagbibigay ng hindi awtorisadong benepisyo sa Izumo Contractors Inc., sa pagkakaloob ng kontrata para sa …
Read More »AFP no revamp sa eleksiyon
KINOMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi sila magpapatupad ng revamp o balasahan sa kanilang mga opisyal kaugnay sa nalalapit na May 2016 elections. Una nang binalasa ng PNP ang mahigit 700 nitong mga opisyal upang hindi maimpluwnesiyahan ng tumatakbong mga kandidato. Ikinatwiran ni AFP spokesperson Col. Noel Detoyato, hindi saklaw ng kapangyarihan ng mga politiko …
Read More »Teenager tiklo sa Comelec gun ban sa CamSur
NAGA CITY-Nananatili sa kustodiya ng mga awtoridad ang isang teenager makaraang mahulihan ng baril at mga bala sa isinasagawang Comelec gun ban operations ng mga awtoridad sa San Fernando, Camarines Sur. Kinilala ang suspek na si John Kenneth Medina, 18-anyos, residente ng Brgy. Pamukid. Nabatid na nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang handgun caliber .38 revolver na kargado ng …
Read More »Elevator girl nahulog, tigok (Sa SM’S The Block)
PATAY ang isang elevator girl ng SM City The Block sa Quezon City makaraang mahulog mula sa ikalimang palapag ng gusali nitong Sabado ng umaga. Kinilala ng Quezon City Police District ang biktimang si Rea Librando, 25, residente ng Southville, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong 7 a.m. Napag-alaman, nang buksan ni Librando ang …
Read More »Kalmante lang si Mayor Calixto
HINDI ko alam kung bakit nanahimik ang ilan sa challenger ni incumbent mayor Tony Calixto sa Pasay City. Maging ang ilan sa mapagmasid sa politika sa Pasay ay nagtataka kung bakit tameme ang kampo ng United Nationalist Alliance (UNA) na dati’y maiingay. Nakapagtataka??? Ang kuwento nga ng isa sa kumakandidatong konsehal sa district 2 sa Pasay, na pailalim-palihim na sumusuporta kay …
Read More »P180-M shabu nasabat 2 Tsinoy arestado
NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police Anti-Illegal Drug Group (PNP-AIDG) ang aabot sa P180 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Valenzuela City, nitong Martes. Arestado ang dalawang Filipino Chinese na kinilalang sina Sonny Ang, 67, mula sa La Trinidad, Benguet, at Benito Tuseco, 47, mula sa San Pablo, Laguna. Ayon …
Read More »EDCA idineklarang konstitusyonal ng Korte Suprema
PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) en banc session na legal at walang nilalabag sa Saligang Batas ang kontrobersiyal na Philippine-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Sa botong 10-4, idineklarang constitutional ang EDCA, habang may isang mahistrado na nag-inhibit. Una rito, nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court hinggil sa legalidad ng EDCA. Matatandaan, naging mainit ang usapin dahil …
Read More »