Tuesday , March 18 2025

Barker utas sa sekyu

PATAY ang isang barker makaraang saksakin ng guwardiya nang mapikon ang suspek dahil ibang pasahero ang pinasakay ng biktima sa ipinatawag niyang taxi sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Nalagutan ng hininga bago idating sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Severo Abulencia Jr., 58, ng Block 2, Lot 30, Sta. Rita Street, Brgy. 178, Zone 19, Maricaban ng nasabing lungsod.

Kasong homicide ang isinampa ng pulisya sa Pasay Prosecutor’s Office laban sa suspek na si Jeffrey Estrada, 30, security guard, ng 80-M Cornejo St., Malibay, Pasay City.

Sa pagsisiyasat nina SPO1 Giovanni Arcinue at PO3 Albert Barangas Jr., dakong 4 a.m. nang maganap ang insidente sa Aurora Boulevard at Red Cross Building, Brgy. 178, Zone 9, Maricaban.

Nauna rito, kinausap ng suspek ang biktima na itawag siya ng taxi ngunit nang makakuha ay ibang pasahero ang ipinasakay ni Abulencia.

Bunsod nito, bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.  

About Hataw News Team

Check Also

TRABAHO Partylist, may malasakit sa mga kababaihang nasa laylayan ng lipunan

TRABAHO Partylist, may malasakit sa mga kababaihang nasa laylayan ng lipunan

MULING pinagtibay ng TRABAHO Partylist ang kanilang pangako na tugunan ang mga sistematikong balakid na …

Para sa mga bomber TRABAHO Partylist, nanawagan ng mas mataas na sahod at maa

Para sa mga bombero
TRABAHO Partylist, nanawagan ng mas mataas na sahod at maayos na kondisyon sa trabaho

NGAYONG paggunita ng Fire Prevention Month sa buwan ng Marso, nanawagan ang TRABAHO Partylist para …

FPJ Panday Bayanihan partylist

Proteksiyon sa Frontliners hangad ng FPJ Panday Bayanihan partylist

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang Good Samaritan Law upang tiyakin ang proteksiyon para …

TRABAHO Partylist

TRABAHO Partylist pabor sa mandatory 30% local output para sa PH-made vehicles

IDINEKLARA ng TRABAHO Partylist ang kanilang suporta sa iminungkahing magkaroon ng mandatory 30% local output …

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *