Sunday , December 22 2024

Hataw News Team

P.022/kWh dagdag singil ng Meralco ngayong Abril

MAGTATAAS ng singil sa koryente ang Meralco ngayong Abril. Karagdagang P0.22 bawat kilowatt-hour (kWh)ang babayaran ng mga konsumer na mataas kompara sa binayaran nila noong nakaraang buwan ng Marso. Sa mga bahay na karaniwang kumukonsumo ng 200 kWh ay karagdagang P44.48 ang babayaran nila ngayong buwan. Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, mas tumaas ang generation charge kaya magtataaas sila …

Read More »

Mas importante kaysa magsasaka sina Mar at Leni — Sanlakas (Gabinete missing in action)

“Gutom ang bunga pag inuuna ang pulitika sa pangangailangan ng magsasaka.” Nanggagalaiting sinabito ni Sanlakas Party-list nominee Leody De Guzman ngayong Martes kasabay ng pagtuligsa sa mga opisyal ng administrasyong Aquino na ginagawang prayoridad ang pangangampanya para kay Mar Roxas at Leni Robredo ng Liberal Party (LP) imbes tugunan ang kalagayan ng mga magsasakang lubhang sinalanta ng El Niño. Magugunitang …

Read More »

Pekeng survey ni Duterte

DESPERADO na talaga si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaya kahit pamemeke ng survey ay ginagawa na rin ng kanilang kampo maipakita lang sa publiko na nagunguna na sila sa pre-sidential race. Itinanggi ni Ronald Holmes, pangulo ng Pulse Asia Research Inc, ang kumakalat na survey na pinagungunahan ni Duterte. Sinabi mismo ni Holmes na wala silang ginagawang survey mula …

Read More »

Caloocan ‘Dirty City’

NASAAN ang P1.4B pondo sa basura? Malamang sumabit si Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa mga botante ng lungsod kun hindi niya maaayos ang hindi maipaliwanag na paggamit ng kanyang mga tauhan ng pondo sa basura sa ngayon ay tinaguriang ‘dirty city.’ Napag-alaman na halos P1.4 bilyon na ang nailaan na pondo sa garbage hauling services mula nang maupong alkalde ng …

Read More »

INC sa Jerusalem (Makasaysayang pagsamba)

INIHAYAG sa publiko nitong Biyernes ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang pangangasiwa ni Executive Minister Eduardo V. Manalo sa kauna-unahang pagsamba sa lokal ng Jerusalem sa bansang Israel, ang sentro ng Kristiyanismo. Sa pagbubunyag ni Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC, ang pagsamba ay kasabay ng ika-20 anibersaryo ng pagkakatala ng Iglesia sa Israel. “Aming ikinagagalak ang pagkakataong makapagpahayag sa …

Read More »

Bigas hindi bala sagot sa Kidapawan – Binay

“HUMIHINGI sila ng bigas, ngunit ang isinagot ay bala. Bigas, hindi bala.” Ito ang batikos ni United Nationalist Alliance (UNA) standard-bearer Vice President Jejomar Binay sa patuloy na pagtanggi ng pamahalaan na tulungan ang mga magsasakang humihingi ng bigas dahil sa matinding tagtuyot na nararansan sa North Cotabato. Ani Binay, obligasyon ng pamahalaan na tulungan ang mga magsasaka ngayong kasagsagan …

Read More »

Independent probe sa Kidapawan carnage – PNP (Walang tiwala sa PNP, CHR)

BINATIKOS ng militanten grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kahapon ang anila’y napipintong cover-up sa madugong dispersal sa kilos-protesta ng mga manggagawa na humihingi ng pagkain mula sa gobyernong Aquino sa gitna ng epekto ng tagtuyot, at nanawagan ng independent investigation. Inihayag ito ng KMP kasunod ng mga ulat na sa briefing kina Interior and Local Government Secretary Mel Senen …

Read More »

6-anyos kritikal sa mainit na tubig (Kaldero naupuan)

CAGAYAN DE ORO CITY – Dumanas ng first degree burn sa katawan ang isang batang lalaki makaraan mabuhusan ng mainit na tubig sa Brgy. San Juan, Balingasag, Misamis Oriental kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Henjie Alexi Garcia, 6, residente sa nasabing lugar. Sinasabing naupuan bata ang kaldero na nilagyan ng mainit na tubig dahilan upang malapnos ang katawan ng biktima. …

Read More »

Hiyas Water Resources, Inc., sa Balagtas binira ng 4K

Binatikos ni Kilusan Kontra Kabulukan at Korupsiyon (4K) Chairman Dominador C. Pena Jr., ang kapabayaan ng Hiyas Water Resources, Inc., dahil sa hindi tamang pagbibigay ng kanilang serbisyo para sa mamamayan ng Balagtas, Bulacan. Para kay Pena, Overall Chairman ng 4K advocacy group, hindi isinasaalang-alang ng Hiyas Water Resources, Inc. ang kapakanan ng kanilang ipinagmamalaking pagbibigay ng serbisyo para sa …

Read More »

10% diskuwento sa dormitory hiniling

DAPAT gumawa ang gobyerno ng mga pamantayan sa operasyon para sa mga dormitory at boarding houses alinsunod sa kautusan ng National Building Code and Fire Code of the Philippines. Ayon kay dating Congresswoman Catalina Cabrera-Bagasina sakaling palarin manalo ang Association of Laborers and Employees (ALE) sa party-list election sa Mayo 9, isang panukalang batas para sa mga dormitoryo at boarding …

Read More »

Poe tiwala kay Recom

MALAKI ang tiwala ni presidential bet Senadora Grace Poe sa kakayahang mamuno ni Caloocan City 1st District Congressman Atty. Enrico “Recom” Echiverri kaya’t siya ang napiling iendoso bilang alkalde ng lungsod. Ayon kay Senadora Poe, sa tulong ni Echiverri na muling tumatakbong alkalde ng lungsod sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ay pagsusumikapan nilang sagipin ang mga taga-Caloocan sa …

Read More »

Magdalo: Poe-Trillanes kami

PINABULAANAN ng Magdalo Party-list na sinusuportahan nila ang kandidatura ni Vice Presidential candidate  Chiz Escudero, matapos lumabas ang balita na tatlumpong party-list groups ang nagkaisa upang iendoso ang nangungunang presidential candidate na si Sen. Grace Poe at ang kanyang bise presidente na si Sen. Chiz Escudero.  Ayon kay Magdalo Representative Gary Alejano, “Gustong linawin ng aming grupo na si Grace …

Read More »

Pinas lubog sa kahirapan — UP Profs (Noong panahon ni Marcos)

KAIBA sa deklarasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang bansa sa ilalim ng pamumuno ng kanyang amang si Ferdinand Marcos ay hindi ang ‘ginintuang siglo’ ng Filipinas kundi isang panahon ng malubhang kahirapan na halos kalahati ng kabuuang populasyon ay lugmok sa paghihikahos hanggang mapatalsik sa poder noong 1986. Sa pahayag na nilagdaan ng mga miyembro ng mga propesor at …

Read More »

Milyon-milyong pekeng produkto nasabat sa warehouse

NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Northern Police District Special Operation Unit (NPD-DSOU) ang milyon halaga ng mga branded na damit, sapatos at mga bag sa isinagawang raid sa warehouse ng isang Chinese national sa Navotas City kamakalawa ng hapon. Ayon kay Supt. Edgar Cariaso, hepe ng NPD-DSOU, nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa sinasabing mga pekeng produkto na iniimbak sa …

Read More »

Kaso pa vs RCBC manager et tal isinampa

MAGKAKAHIWALAY na diringgin ang mga kaso ni dating Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) Jupiter branch manager Maia Santos-Deguito sa Department of Justice (DoJ) at Makati City Prosecutor’s Office. Magugunitang una nang nagtakda ng preliminary investigation sa Abril 12 at 19, 2016 ang DoJ sa reklamo ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa dating bank manager dahil sa paglabag sa Anti-Money …

Read More »

Inuman, lasingan sa kalye bawal sa Parañaque City

NAGBABALA si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na huhulihin at pagmumultahin ang mga mahuhuling umiinom ng alak at nagsasasaya sa kalye o kalsada sa lungsod kasunod ng pagkalahatang pagbabawal sa maingay na pangangampanya na marami pa rin ang lumalabag. Ang unang paglabag ay may multang P500 o pagkakakulong ng limang araw ng isang mahuhuling indibiduwal habang pagmumultahin ng P1,000 at …

Read More »

3 montenero suspek sa Mt. Apo fire

DAVAO CITY – Tatlong hindi pa kilalang mountain climbers na nagpaiwan sa tuktok ang hinihinalang responsable sa nagpapatuloy na forest fire sa Mount Apo. Ito ang binigyang diin ng grupo ng bikers at trekkers mula sa lungsod ng Cotabato na nakasaksi sa pagsisimula ng sunog. Malaki ang paniniwala ng mga kasapi ng Cotabato All-Terrain Bikers Association (CATBA), nag-ugat ang sunog …

Read More »

Pambansang seminar sa pagtuturo ng panitikang gender-based

Magdaraos ng Pambansang Seminar sa Pagtuturo ng Panitikang Gender-Based sa dalawang lugar ang Komisyon sa Wikang Filipino sa paki-kipagtulungan sa Jose Rizal Memorial State University at La Consolacion College-Bacolod. Gaganapin ito sa 13-15 Abril 2016 sa Jose Rizal Memorial State University, Lungsod Da-pitan, Zamboanga Del Norte at 18-20 Mayo 2016 sa La Consolacion College, Lungsod Bacolod, Negros Occidental. Layunin ng …

Read More »

Bakuna vs dengue itutuloy ng DOH (Kahit walang WHO recommendation)

BAGAMA’T walang rekomendasyon mula sa World Health Organization (WHO), tuloy na simula sa Lunes ang pagbibigay ng libreng bakuna ng gobyerno sa mga estudyante ng pampublikong paaralan laban sa sakit na dengue . Tiniyak ni Dr. Rose Capeding, pinuno ng Department of Microbiology sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ligtas ang mga bakunang Dengvaxia. Unang makatatanggap ng libreng bakuna ang hindi …

Read More »

Mag-iina minasaker sa South Cotabato

KORONADAL CITY – Nakahandusay at wala nang buhay ang tatlong miyembro ng pamilya Recomite sa Prk. Ubas, Bo. 5, Banga, South Cotabato makaraan pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga suspek kahapon ng umaga. Ayon kay Barangay Kapitan Amado Villacanas ng Bo. 5,  duguang natagpuan ang magkapatid na sina Edward alyas Wating at Metchie gayondin ang kanilang ina na si Cresencia “Cresing” …

Read More »

Blackout-free election drill isinagawa

NAGSAGAWA ng table-top blackout drill ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at energy stakeholders upang matiyak na may maayos na serbisyo ng koryente sa araw ng halalan sa Mayo 9, 2016. Sa naturang event, dumalo ang mga opisyal ng GCPs System Operations group, Department of Energy (DoE), TransCo, Distribution Management Committee (DMC), NPC at key power generation companies. …

Read More »

Comelec ‘Knockout’ sa Pacman fight

IPINASYA ng Comelec na huwag nang pakialaman ang magiging laban ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa Abril 9 (Abril 10 sa Filipinas), na magaganap sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada. Ito’y kahit kandidato si Pacman sa pagka-senador at may mga umiiral na patakaran ukol sa airtime limits ng bawat kalahok sa halalan. Ayon kay Comelec Chairman …

Read More »

NBI pasok vs hackers ng Comelec website

NAISUMITE na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang report ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa nangyaring pag-hack sa kanilang official website nitong nakaraang weekend. Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ipauubaya na nila ang kaso sa NBI Anti-Cybercrime Division para sa matukoy ang mga nasa likod ng insidente. Para kay Jimenez, hindi lang ang parusa sa mga may …

Read More »

$81-M inaasahan ng Bangladesh gov’t na maibabalik pa

UMAASA pa rin ang gobyerno ng Bangladesh na maibabalik sa kanila ang $81 milyon na ninakaw na pondong nakadeposito sa Federal Reserve sa New York na napunta sa Filipinas at isinailalim sa money laundering. Ito ay nang magkaroon na ng development sa imbestigasyon ng Senado at tiniyak ng casino junket operator na si Kim Wong na isasauli niya ang $4.63 milyon, …

Read More »