Saturday , December 21 2024

Gerry Baldo

Kongresista natuwa sa panalo ni Pacman

READ: Matthysse, pinaluhod sa 7th round: Pacquiao kampeon na naman READ: Panalo ni Pacquiao tagumpay ng sambayanan — Duterte NAGPAHAYAG ng ka­tu­waan ang mga kongre­sista kay Manny “Pac­man” Pacquiao sa pagkapanalo niya sa laban kay Lucas Mat­thysse, taga Argentina. Pinabagsak ni Pacman  si Matthysse sa ika-7 round para sung­kitin ang  korona ng WBA World Welterweight sa Axiata Arena sa Kuala …

Read More »

No-El ni Alvarez wala sa hulog — solon

ANG panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez  na ipagpaliban ang eleksiyon sa May 2019 ay wala sa hulog. Ayon kay Rep. Teddy Baguilat ng Ifugao, nagpapakita itong man­hid ang admi­nistrasyong Duterte sa mga pa­nga­ngailangan ng taong­bayan. Ang kailangan, aniya, ng mga tao ay pigilan ang inflation, taasan ang mga sahod, trabaho, lutasin ang kahirapan, labanan ang korupsiyon, at igiit ang …

Read More »

‘Fake news’ PCOO Asec pinagbibitiw ng kongresista

NANAWAGAN si Rep. Aniceto “John” Bertiz III ng ACTS OFW Party-List na magbitiw sa puwesto ang kasamahan ni Undersecretary Mocha Uson na si Assistant Secre­tary Kris Ablan ng Presidential Commu­nications Operations Office (PCOO) dahil sa pagkakalat umano ng ‘fake news’ na nagbaluk­tot sa sinabi niya nitong nakaraang “pre-SONA forum” na ginanap sa Philippine International Convention Center. Aniya, ang ginawa ni …

Read More »

Lamat sa Federal Constitution ibinunyag

NAGLALABASAN na ang mga lamat sa isinu­sulong na Federal Con­stitution. Inihalintulad ni Ak­bayan Rep. Tom Villarin ang tungga nito sa isang hunyango na nagpapalit-palit ng kulay at anyo depende kung kanino ito iniharap. Ang tunay na layunin umano nito ay nakatago sa likod ng pangako na ito’y magpapaganda sa buhay ng bawat Filipino. “Pero ang katoto­hanan, ito’y isang malak­ing panloloko,” …

Read More »

‘Kapogian’ ni Digong bumulusok na

PAWALA na ang pag­kapogi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino batay sa resulta ng pi­na­kahuling survey ng Social Weather Stations. Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, 11 puntos ang ibinaba ng grado ni Digong sa buong bansa sanhi ng pagmumura niya sa Diyos, ang pagbagsak ng ekonomiya at ang patuloy na patayan. Reaksiyon umano ito ng “Christian groups” na tumayo …

Read More »

Tangkang pagbabawal sa political dynasty dedbol sa Bicam ng BBL

BIGO ang panukalang ipag­bawal ang political dynasty sa binubuong Bangsamoro Basic Law (BBL). Tinanggal na ang pro­bisyong ito sa kadahilanang lumabag sa “equal pro­tection clause” ng Saligang Batas ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas. Ang tinanggal na pro­bisyon ay Sec. 15 sa  Article VII, ng Senate Bill 1717 na naglalayong ipagbawal ang mga magkakamaganak hang­gang sa 2nd degree sa …

Read More »

DOLE inupakan sa Kamara sa kawalan ng pangil vs PLDT

INUPAKAN ng mga kongresista ang Depart­ment of Labor and Employ­ment (DOLE) dahil sa kawalan ng pangil upang ipatupad ang direktiba na bayaran ng P51-milyon ang mga biktima ng “labor-only” contracting upang gawing regular ang mga mang­gagawa. Ayon kay ACT Tea­chers Rep. Antonio Tinio malinaw ang desisyon ng DOLE na dapat sundin ng PLDT (Philippine Long Distance Telephone Co). “So, una …

Read More »

BBL ipapasa alinsunod sa konstitusyon — majority leader

congress kamara

IPINANGAKO ng isang lider ng Kamara, ang pag-uusap tungkol sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ay hahantong sa isang batas na naaayon sa Konstitusyon. Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, ang pag-uusap ng Bicameral Conference Committee na kinabi­bilangan ng mga senador at kongresista ay gigi­yahan ng Konstitusyon ng 1987. Titiyakin, ani­ya, na papasa ito sa pagsusuri ng mga kri­ti­ko. Bukod …

Read More »

PH katolikong bansa

READ: Aprub sa CBCP at kay Digong: Tigil-putakan READ: 3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP DAPAT ipaalala ng Simbahan kay Pangulong Rodrigo  Duterte na ang Filipinas ay isang Kristi­yanong bansa sa Asya. Sinabi ito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat kaha­pon habang nag-uusap si Duterte at si Archbishop Romulo Valles, ang pre­sidente ng Catholic Bishops Conference of the …

Read More »

Kaso vs Imee atrasado na

ATRASADO ang pasya ng House Committee on Good Government and Public Accountability na sampahan ng kaso si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ng katiwalain kaugnay sa Tobacco Excise Tax. Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, dapat nang hainan si Marcos ng mga kasong administratibo at kriminal kasama ang mga opisyal ng probinsiya ng Ilocos Norte sanhi ng umano’y maling paggamit …

Read More »

Gutom na Pinoy sa TRAIN, inflation tataas pa — Solon

HABANG humahakot nang limpak-limpak na buwis ang gobyernong Duterte mula sa TRAIN  (Tax Reform for Acce­leration and Inclusion Law), patuloy rin ang pagkagutom at paghihi­rap ng karamihan sa mga Filipino ayon sa isang mambabatas mula sa oposisyon. Ang TRAIN ay na­ging batas pagkatapos pirmahan ni Duterte ang panukala noong 19 Disyembre 2017. Sinisi ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang batas …

Read More »

Federalismo mina-marathon — Solon

MINAMADALI ang mga pagbabago sa Saligang Batas para maisa­katu­pa­ran ang pangako ng Federalismo na ipagyayabang ni Pangulong Rodrigo  Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address sa darating na 23 Hulyo 2018. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, may komedya nang aprobahan ang krokis ng “Federal Constitution” sa kadahi­lanang magkalaroon ng konsultasyon kapag nai­sumite ito kay Duterte sa 9 …

Read More »

Narco-list ni DU30 baliktad na “Schindler’s list” — solon

KUNG ang “Schindler’s list” ay listahan ng mga Hudyo na dapat isalba noong panahon ni Hitler, si Pangulong Rodrigo  Duterte, umano’y may baliktad na listahan ng mga dapat itumba – ang “Narco-list.” Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin ang laganap na patayan ay sanhi ng kawalan ng “rule of law” sa kabila ng mga pananalita ni Duterte na ang pagpatay …

Read More »

‘Basketbrawl’ isinisi sa “racist” Aussie cager

SINISI ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles ang mga play­er ng Gilas at Australia sa ‘basketbrawl’ na nangyari sa FIBA World Cup Qualifier nitong Lunes. Ayon kay Nograles parehong “unsports­manlike” ang naging asal ng dalawang  kopo­nan pero ang mga “racist” na komentaryo ng ilan sa mga manla­laro ng Australia ang lalong nagpainit sa mga taga-Gilas at …

Read More »

PNP hinimok kumalap pa ng ebidensiya

NANAWAGAN ang isang kongresista sa Philippine National Police na paigtingin ang pagha­hanap ng ebiden­siya sa pagpatay kay Tanauan Mayor Antonio Halili at huwag umasa sa mga testimonya ng mga nag­pa­kilalang saksi. Ayon kay Rep. Ciriaco Calalang ng Kabayan partylist, dapat mag­karoon “solid physical” at  “forensic evidence” ang mga pulis laban sa mga suspek. Ani Calalang, miyem­bro ng House Committee on …

Read More »

Jueteng mahirap tanggalin — Solon

NAKAUGAT sa kulturang Pinoy ang jueteng, ani Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, kaya mahirap tanggalin. Ayon kay Batocabe, ang jueteng ay masa­mang realidad sa buhay ng mga Filipino na mahi­rap tanggalin. “Ang masamang realidad, lahat mayroong takits. ‘Yong pulis, meron. ‘Yong mga politiko na nama­mahala sa mga lugar, mayron din na share. So paano pa natin gagawin ito e talamak …

Read More »

Teo kinuwestiyon ng COA sa P2.2-M kinuhang tinda sa Duty Free

INUSISA ng Com­mission on Audit (CoA) ang dating Kalihim ng turismo na si Wanda Teo kaugnay sa pagkuha niya ng mga paninda sa Duty Free Philippines na nagka­kahalaga ng US$43,­091.13 o P2,174,­150. Kabilang umano sa mga kinuha ni Teo ay mga branded bags, cosmetics, mga de-lata at tsokolate. Hindi umano ito nasingil kay Teo batay sa 2017 CoA audit report …

Read More »

Oath of office nilapastangan ng pangulo

READ: Nota Bene: Mura, away sa pari bawal: Duterte may ‘gag order’ sa speech READ: Tulong ni Evasco ikinasa sa dialogo sa simbahan READ: Pray over ‘di tatalab kay Digong — Solon NILAPASTANGAN ni Pangulong Duterte ang kanyang oath of office sa pagtawag niya sa Diyos na “stupid.” Ayon kay Rep. Edcel Lagman ng Albay, ang oath of office ni …

Read More »

Pray over ‘di tatalab kay Digong — Solon

READ: Nota Bene: Mura, away sa pari bawal: Duterte may ‘gag order’ sa speech READ: Tulong ni Evasco ikinasa sa dialogo sa simbahan READ: Oath of office nilapastangan ng pangulo Ang balak ng mga pari na i-pray over si Pang Duterte ay magiging walang saysay. Ayon kay Akbayan Rep  Tom Villarin, “Du­ter­te is beyond pray overs.” Ibinenta na, aniya, ni …

Read More »

Sama ng loob ng Simbahan ‘di maaawat ng ‘committee’ ni Duterte

HINDI kayang awatin ng ‘committee’ ni Pa­ngulong Rodrigo “Di­gong” Duterte. Sa tingin ng mga kongresista sa Kamara walang patutunguhan ang committee na binuo ni Digong para awatin ang sama ng loob ng simbahan dahil sa sinabi niyang  ‘stupid’ ang panginoon. Ayon kay Rep. Teddy Baguilat ng Ifu­gao, ‘smokescreen’ lang daw ito para mailito ang publiko sa patuloy na pagtaas ng …

Read More »

Alvarez masisibak

ANG kumukulong ba­lita sa pagpapatalsik kay House Speaker Pan­taleon Alvarez ay mag­dedepende kay Pangu­long Rodrigo “Digong” Duterte ayon sa isang mataas na Kongresista sa oposisyon. Ayon kay Quezon City Rep. Bolet Banal, sa kabila ng pagkades­maya ng ibang kongre­sis­ta kay Alvarez, si Duterte pa rin ang may huling pasya sa isyu. “Nothing will hap­pen without the pre­sident’s go signal,” ani …

Read More »

Buhay ng tambay dapat bigyan ng saysay — Solons

dead prison

HINDI papayag ang mga kongresista na mawalan ng saysay ang buhay ni Genesis “Tisoy” Argon­cillo dahil sa isang pulis operation laban sa mga istambay na itinuring na ilegal ng kasalukuyang awtoridad. Ayon sa mga kongre­sista dapat malaman ng madla ang tunay na kalagayan ng pagka­matay ni Tisoy. Sa ulat, sinabing si Tisoy ay nagpunta sa tindahan para magpa-load sa kanyang …

Read More »