ILANG araw matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang Rice Tariffication Law, nagpahayag ng pangamba ang ilang kongresista sa magiging epekto nito sa magsasaka. Ayon kay Butil Rep. Cecil Chavez, ang kongresista ng mga magsasaka, bumagsak agad ang farm gate price ng palay sa P14 kada kilo. Sa press conference kahapon, nagbabala si Chavez, na magdurusa ang sektor ng agrikultura dahil …
Read More »Karapatan binatikos si Duterte sa pag-aresto kay Maria Rezza
KINONDENA kahapon ng human rights watchdog Karapatan ang administrasyong Duterte kaugnay sa pag-aresto sa CEO at executive editor ng Rappler sa kasong cyberlibel. Ayon sa Karapatan, ang kaso kay Maria Rezza at sa Rappler ay malinaw na isyu ng freedom of expression sa bansa. Kinuwestiyon ni Karapatan secretary general Cristina Palabay ang Malacañang na nagsabing ang pag-aresto ay walang kaugnayan …
Read More »SGMA nagdeklara ng suporta sa HNP ni Sara; Otso Diretso sa Caloocan naglunsad ng kampanya
NAGDEKLARA si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ng suporta kay Sara Duterte at sa kanyang Hugpong ng Pagbabago (HnP) sa paglulunsad ng pambansang kampanya sa Clark, Pampanga kahapon. Buong-buo aniya ang kanyang suporta rito kasama ang mga senatorial candidates ng koalisyon. “All out, all out,” ani Arroyo. Kasama sa mga senatorial candidates ng HnP ang reelectionists na sina senators Sonny Angara, Cynthia …
Read More »Bidders na may cash advance nagkakagulo sa P75-B ‘insertions’ — Andaya
MATAPOS ipamahagi ng Kongreso ang P75-bilyones ‘insertions’ ng Department of Budget and Management sa mga mambabatas, nagkakagulo ang mga contractor na nanalo sa bidding. Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., pinuno ng House Committee on Appropriations, nagbigay na ng ‘commission’ ‘yung iba rito. Ani Andaya, nagtagumpay ang Senado at Kamara sa re-alignment ng ‘insertions’ ni Budget Secretary Benjamin …
Read More »Reklamasyon ng Manila Bay target ng EO74
MABILIS na reklamasyon ng Manila Bay ang tunay na pakay ng paglalabas ng Executive Order No. 74 para sa mga kaibigang negosyanteng Chinese ng Duterte administration. Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao kasama sa mga mapapaboran ng EO 74 ay ang 265-hectare Pearl Harbor City project sa Pasay City na pagmamay-ari ng kaalyado ng pangulong si Dennis Uy. Ang Philippine …
Read More »Sa ikatlong pagkakataon… Batas militar sa Mindanao walang basehan — oposisyon
WALA nang basehan ang batas militar na ipinaiiral sa Mindanao sa pangatlong pagkakataon alinusnod sa ilalim ng Saligang Batas. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, sa petisyong inihain sa Korte Suprema kahapon, walang sapat na basehan ang pagpalawig ng batas militar sa Mindanao dahil wala namang nagaganap na rebelyon. Sinabi ni Lagman at anim pang miyembro ng oposisyon sa Kamara, …
Read More »Sabong pasok sa GAB
ISASAILALIM na sa Games and Amusement Board ang larong sabong at iba pang electronic betting games. Inaasahang aaprobahan ito ng Kamara sa pangatlo at huling pagbasa bago mag-adjourn sa linggong ito. Kasama sa mga awtor ng bill ang napatay na si Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos. Sa kasalukuyan, ang pangasiwaan ng GAB, na …
Read More »ROTC bubuhayin ng Kamara
MATAPOS burahin sa curriculum ng kolehiyo ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) dahil sa mga katiwalian at karahasan na naganap, ibabalik itong muli ng Kamara at inaasahang iaaprub bago mag-adjourn sa 7 Pebrero 2019. Ang ibabalik na ROTC ay ipapatupad sa Grades 11 at 12 o sa senior high school. Ayon kay Batangas Rep. Raneo Abu, isa sa mga awtor …
Read More »Imbestigasyon sa flood control ‘di matatapos sa pagbibitiw ni Andaya sa Rules Committee
ANG imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects kinasasangkutan ni Budget Secretary Benjamin Diokno at kanyang mga balae na nagmamay-ari ng Aremar Construction sa Sorsogon ay hindi matatapos sa pagbibitiw ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya bilang chairman ng House Committee on Rules. Inaprobahan ng mga kongresista ang mosyon ni Andaya na ilipat ang imbestigasyon sa House Committee on Appropriations na …
Read More »‘Batang Bilanggo Bill’ pasado sa justice panel ng kamara
IPINASA kahapon ng Justice panel ng Kamara ang panukalang ibaba sa 9 anyos ang edad ng criminal liability ng bata taliwas sa kabila ng pagbatikos dito. Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin kabaliktaran ito ng Juvenile Justice Welfare Act or RA 9344. Nagpahayag ng matinding pangamba si Villarin sa kadahilanang mapaparusahan ang mga bata sa ilalim ng baluktot ng sistema …
Read More »Diokno muling ipinatawag ng Kamara (Sa P37-B bayad sa consultants)
IPINATAWAG muli ng House committee on rules si Budget Secretary Benjamin Diokno sa pagdinig ngayong araw patungkol sa mga kuwestiyonableng budget allocations ng ahensiya at ang pagpapa-bid ng P37-bilyong consultancy fees para sa mga proyekto ng administrasyong Duterte. Ayon kay House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., ang chairman ng komite, nararapat na sagutin ni Diokno …
Read More »Solons natuwa kay PacMan
NAGPAHAYAG ng tuwa ang mga kongresista sa panalo ni Senator Manny Pacquiao, 40 anyos, laban sa mas batang si Adrien Broner, 29 anyos. Ayon kay Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez, nagbigay ng karangalan si Pacquiao sa Filipinas. “Sen. Pacquiao’s victory is a testament to the faith and resiliency of the Filipino spirit,” ani Romualdez, ang chairperson ng House committee …
Read More »DBM parang megamall… P37-B ibinayad sa consultants kinuwestiyon
KINUWESTIYON ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang P37-bilyong bidding ng Department of Budget and Management (DBM) para sa consultancy sa iba’t ibang proyekto ng gobyerno. Ani Andaya, hindi lamang bidding ang ginawa ng DBM para sa multi-billion big-ticket infrastructure projects, naging one-stop megamall rin ito para sa mga consultant na nag-bid para sa malalaking halagang kontrata. Isiniwalat ni …
Read More »Tax collections sa TRAIN pumalpak — Suarez
MALIBAN sa mga banat ng oposisyon sa parusa ng TRAIN (Tax Reform Acceleration and Inclusion) Law, binatikos na rin ng mga kaalyado ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Kamara ang kapalpakan ng batas para abutin ang target nitong excise tax collection sa mga produktong petrolyo noong nakaraang taon. Ayon kay House minority leader Danilo Suarez, ang nakolekta ng TRAIN …
Read More »P198-B proyekto isinalang sa bidding ng DBM — Andaya
NAGMISTULANG bids and awards committee (BAC) ng gobyerno ang Department of Budget and Management (DBM) sa pamumuno ni Secretary Benjamin Diokno nang isalang sa bidding nito ang P198-bilyong proyekto ngayong taon. Ayon kay Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang mga proyektong ito’y bahagi ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte. Sumingaw ang anomalya sa pagdinig ng House committee on rules …
Read More »Casiguran ‘di kasama sa P51-B ‘insertions’
HINDI kasama ang Casiguran, Sorsogon sa P51 bilyong ‘insertions’ sa panukalang 2019 budget kung pagbabatayan ang talaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Salungat ito sa sinasabi ni Majority Leader Rolando Andaya na umano’y pinaboran ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang Casiguran, Sorsogon sa P51-bilyong ‘insertions’ sa panukalang 2019 budget. “His (Andaya’s) accusations are illusory. The numbers are …
Read More »Tiniyak ni Arroyo: 2019 Budget ipapasa ng Kamara
NANGAKO si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na maipapasa ng Kamara ang panukalang pambansang budget sa lalong madaling panahon sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw. Ayon kay Arroyo nakikipagkonsulta ang liderato ng Kamara sa Senado at maghihintay na lamang sila sa pagpasa ng 2019 P3.757-trilyones na budget. “We do (talk with senators), but we just let them do their own timetable. …
Read More »Kamara bantay-sarado sa proyekto ng gobyeno
PAGKATAPOS tuparin ang legislative agenda ni Pangulong Duterte, pagtutuunan ng pansin ngayon ng Kamara ang mga batas na dapat ipatupad at ang mga proyektong nakabinbin. “We already finished the legislative agenda that President Duterte asked for in his SONA (State of the Nation Address last July 23). So now we will spend more time on oversight, because there are laws …
Read More »‘Red flags’ sa flood control scam ‘kumaway’ na sa Ombudsman
PUMASOK na ang Ombudsman sa isyu ng flood control scam at sa kasalukuyan ay kumakalap na ng mga dokumento patungkol dito. Ayon kay Majority leader Rolando Andaya, ang field investigators ng Ombudsman ay humingi na ng kopya ng mga dokumento at testimonya ng mga resource persons sa pagdinig noong 3 Enero sa Naga City. Aniya mukhang nakahalata na ang Office …
Read More »‘Kidnap-torture joke’ ni Digong vs COA nagpahina sa laban vs korupsiyon — Solon
ANG mga biro ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Commission on Audit (COA) ay senyales ng kanyang pang-aaba sa pananagutan gayondin sa checks and balances. Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin mistulang ibinasura ng pangulo ang kanyang kampanya laban sa korupsiyon dahil sa mga kagayang patutsada. “The joke will be on all of us Filipinos if we don’t call …
Read More »Año, Albayalde pananagutin sa paniniktik sa mga guro
SASAMPAHAN ng kaso ng Alliance of Concerned Teachers sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano at Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde dahil sa ginawang paniniktitik ng mga pulis laban sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). Ayon kay ACT party-list Rep. Antonio Tinio nakakuha sila ng dokumento na magpapatunay na ginagawa …
Read More »Panelo binatikos sa pagkontra sa petisyon vs Martial Law
BINATIKOS kahapon ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang tagapagsalita ni Pangulong Duterte dahil sa pagkontra sa petisyon laban sa Martial Law. Ayon kay Villarin ang pagkontra sa petisyon ay nagpapakita ng pagkaarogante ng Malacañang at pagbabalewala sa mga kinakailangang basehan sa pagdedeklara ng martial law. “Spokesperson Salvador Panelo misses the point why we need to question another extension of martial …
Read More »Sabwatang ‘Diokno-DPWH’ lumilinaw na (Sa Sorsogon flood control project)
MATAPOS ang pagdinig sa Naga City noong nakaraang linggo, sinabi ni Majority Leader Rolando Andaya na napapangita na niya ang sabwatan ng matataas na opisyal ng Department of public Works and Highways (DPWH) at ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa paglustay ng pondo para sa flood control sa Sorsogon. Ayon kay Andaya, malinaw na may …
Read More »Sa Sorsogon… P.5-B flood control project swak sa balae ni Diokno
NAGA CITY – Isiniwalat ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang ‘modus’ ng maliliit na construction company para makakuha ng malaking kontrata sa gobyerno sa paggamit ng mga triple A na kompanya sa bidding. Ayon kay Andaya, chairman rin ng House Committee on Rules, ang Aremar Construction na pag-aari ng balae ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang tiba-tiba sa …
Read More »Diokno ‘sumibat’ sa ‘tate — Andaya (Sa P75-B budget insertions)
BINATIKOS muli ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., si Budget Secretary Benjamin Diokno dahil sa pagkilos nito taliwas sa kanyang mga pananalita. Ayon kay Andaya, tumakas si Diokno patungong Estados Unidos imbes harapin ang mga kongresista sa pagdinig ngayon sa Naga City patungkol sa, umano’y P75-bilyong pondong isiningit sa panukalang budget para sa 2019. “Bumatse. Sec. Diokno is in …
Read More »