Isinisi ni dating Health Secretary na ngayon ay Senior Minority Leader Janette Loreto-Garin ang pagsiklab ng polio sa bansa sa mga “fear-mongers” at “pseudo-experts” na naghasik ng pagkatakot sa dengue vaccine. Ayon Garin, kumukalat na naman ang polio sa bansa matapos ang pagkawala sa nakalipas na 19 taon. Ayon sa Department of Health (DOH) nitong 19 Setyembre 2019, kompirmado ang …
Read More »POGO posibleng gamit sa ilegal na droga — Solon
PINAIIMBESTIGAHAN ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa posibleng paggamit nito sa ilegal na kalakaran sa droga. Ayon kay Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs, dapat tingnan ng mga awtoridad ang POGOs dahil posible itong magamit sa money-laundering ng drug money. “However, this requires a deep, profound and …
Read More »P4.1-T 2020 national budget aprub ngayon
AAPROBHAN ng Kamara ang panukalang P4.1 trillion national budget para sa 2020 ngayong araw, Biyernes, imbes sa unang Linggo ng Oktubre. Ang maagang pagpasa ng budget ay bunsod sa sertipikasyong “urgent bill” ng Malacañang. Ayon kay House committee on appropriation chairman Isidro Ungab ng Davao City, mapadadali ang pagpasa sa budget dahil “urgent bill” na ito. “Given the said certification, …
Read More »Pagbaba ng koryente inaasahan sa bagong kontrata ng Meralco
UMAASA ang House committee on energy na bababa ang singil sa koryente ng Meralco matapos lagdaan ang panibagong kontrata sa supply ng koryente sa pamamagitan ng Competitive Selection Process (CSP) para sa power supply agreements. Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ang chairman ng komite, matagumpay ang ginawang bidding ng MERALCO sa Power Supply Agreements (PSA) sa Phinma, San …
Read More »Kawanihan para sa OFWs isinulong
ISINUSULONG sa Kamara ang pagbubuo ng isang ahensiya na tututok sa kapakanan ng overseas Filipino workers. Sa pagdinig kahapon ng House Committee on Government hearing, sinabi nina Speaker Alan Peter Cayetano, House Majority Leader Leyte Rep. Martin Romualdez, at Tingog party-list Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez, pinag-uusapan ng mga lider sa Kamara at ng Senado ang proseso kung paano ito …
Read More »DDR ni Velasco suportado ng Kamara
SINUPORTAHAN ng mga lider sa Kamara ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster and Resilence na itinataguyod ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ayon kay Tingog party-list Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez, ang namumuno ng House Committee on the Welfare of Children, at House Majority Leader, at Leyte Rep. Martin Romualdez, importanteng panukala ang DDR. “A new Department of Disaster Resilience …
Read More »AFP intel funds binusisi sa bombahan sa Minda
SA GITNA ng patuloy na operasyon ng extremist groups sa Mindanao, kinuwestiyon ni Deputy Speaker at Surigao del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel ang mataas na intelligence funds ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na balak dagdagan sa darating na taon. “We have to face the fact that Islamic militants have chosen our country as one of their …
Read More »Sa pinalayang heinous crimes convicts… Palit-ulo sa BuCor officials
KAPALIT ng mga pinalayang convicts ay mga opisyal na nagpalaya sa kanila. Ito ang lumabas sa pagdinig kahapon sa Kamara patungkol sa isyung muntik nang mapalaya ang dating Calauan Mayor Antonio Sanchez at higit 2,000 pinalaya sa kuwestiyonableng pamamaraan. Ayon sa nga kongresista, maaaring makulong nang mahigit 2,000 taon ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor) dahil sa paglabag …
Read More »Budget bill binawi ni Villafuerte Davao Group umalma
PORMAL na kinuwestiyon ng Appropriations Committee ni Rep. Isidro Ungab ang pagbawi ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte sa panukalang pambansang budget na aniya’y dapat ipinasa ng Kamara sa unang pagbasa. Si Villafuerte ay chairman ng Committee on Finance at kaaalyado ni House Speaker Alan Peter Cayetano, si Ungab naman ay kasapi sa Davao group nina Davao Rep. Pulong Duterte. …
Read More »Separation pay ng 6000 empleyado ng ARMM dapat bayaran — Hataman
NANAWAGAN sa Department of Budget and Management si House Deputy Speaker Mujiv Hataman na bayaran ang separation pay at iba pang benepisyo ng 6000 empleyado na mawawalan ng trabaho sa pagpasok ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ayon kay Hataman, ang dating gobernador ng mawawalang Autononous Region in Muslim Mindanao (ARMM), dapat masiguro ng papasok na BARMM na …
Read More »Taong mapanganib hindi nararapat ‘ibalik’ sa lipunan
ANG mga mapanganib na tao katulad ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez ay hindi na nararapat ibalik sa lipunan. Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap, may butas ang batas patungkol sa tinatawag na “three-fold rule” ng Revised Penal Code. Aniya kailangan amiyendahan ang batas na ito upang masiguro na ang mga katulad ni Sanchez na nasentensiyahan ng pitong habambuhay …
Read More »Para mawalan ng halaga sa Korte… Paninda ng illegal vendors durugin — BF
KUNG hindi nadadala ang mga nagtitinda sa bangketa, durugin ang mga paninda. ‘Yan ang mungkahi ni Marikina Rep. Bayani Fernando sa mga awtoridad kahapon. Ayon kay Fernando, ang dating hepe ng Metro Manila Development Authority (MMDA), may batas na nagsasabi na basura ang mga bagay na nasa bangketa. Sa press conference sa Media Center kahapon, sinabi ni Fernando, ang tao …
Read More »Tamad na managers parusahan — Garin
HINIMOK ni Iloilo Rep. Janette Garin ang administrasyong Duterte na parusahan ang managers ng mga ahensiya ng gobyerno at huwag ang taong-bayan sa pamamagitan ng pagbawas sa pondo ng mga “non-performing” na ahensiya. Ayon kay Garin, ang pagbawas sa pondo ng mga ahensiyang hindi nagpe-perform partikular ang may kinalaman sa public health ay magkakaroon ng masamang epekto sa mahihirap. “Budget …
Read More »P108.8-B sa 4Ps ikinakasa sa nat’l budget
MAKIKINABANG nang malaki ang pamilyang Filipino sa pagtaas ng pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa darating na taon sa panukalang budget na pinag-uusapan sa Kamara ngayon. Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, imbes P500 ang makukua ng bawat mag-aaral sa pamilyang nagbebenepisyo rito, ang ibibigay ng gobyerno ngayon ay P300 bawat bata na naka-enrol sa day care …
Read More »DPWH naglaan ng P400-500-M kada distrito
SA LAKI ng inilaan ng kongreso sa bawat distrito ng mga kongresista, mukhang mawawala na ang mga lubak sa kalsada ng San Jose del Monte City at sa iba pang bayan sa bansa. Ayon kay Cayetano, isinumite na ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang tig-P400 – P500 milyong halaga ng proyekto sa bawat distrito …
Read More »Dahil sa korupsiyon… Pondo ng PhilHealth delikadong masaid
NANGANGANGANIB mawalan ng pondo ang Philhealth sa susunod na taon bunsod ng mga anomalyang nagaganap dito. Ayon kay Anakalusugan Party List Rep. Mike Defensor, haharangin niya ang pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para sa 2020 hanga’t hindi maipaliwanag ang mga umaalingawngaw na korupsiyon dito. Ayon kay Defensor, kuwestiyonable ang pagharang ng PhilHealth sa Commission on Audit (COA) na …
Read More »PDP ‘di dapat mabahala — NUP
HINDI dapat matakot ang Partido Demokratikong Pilipino (PDP) sa National Unity Party dahil wala sa plano ng mga miyembro nito ang pagtakbo sa mataas ng puwesto sa pamahalaan. Ayon kay Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga, presidente ng NUP, mula sa pagkakabuo ng grupo ang pakay nila ay maging isang maliit na partidong tutulong sa pagkakabuo ng mga mambabatas. “We do …
Read More »No parking no car bill isinulong ng solons
IPINANUKALA ng ilang mambabatas ang kinatatakutan ng mga mahilig sa sasakyan: ang pagbabawal sa pagbili ng sasakyan kung wala silang parking para rito. Ayon kay House deputy speaker, Rep. Raneo Abu, Cavite Rep. Strike Revilla, at Quezon City Rep. Alfred Vargas hindi na puwedeng bumili ng sasakyan kung walang parking. “The street is primarily intended for vehicular or foot traffic …
Read More »‘Baho’ sa PhilHealth pinipigil na sumingaw — Solon
MAY SUMISINGAW, umanong, baho sa Philhealth na pilit itinatago matapos pagbawalan ng ahensiya ang Commission on Audit (COA) na silipin ang mga kanilang mga computer. Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor hinarang ng ahensiya ang COA na busisiin ang P121-bilyong ibinayad umano sa mga pasyente noong nakaraang taon. “May itinatago ba ang Philhealth kaya ayaw ipa-access sa COA ang …
Read More »Alak masama sa kalusugan Toma sa kalye at public places ‘todas’ sa HB 3047
BILANG na ang masasayang araw ng mga mahilig uminom sa mga pampublikong lugar matapos ihain ng isang kongresista ang panukalang nagbabawal sa pag-inom sa kalsada, eskinita, parke, playground, plaza at parking area anomang oras ng araw. Ayon sa House Bill 3047 na akda ni Quezon Rep. Angelina Tan, kailangan pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pag-inom ng alak bilang isang …
Read More »4 araw na trabaho solusyon sa trapiko
ISA sa mga solusyon sa masamang lagay ng trapiko sa Metro Manila ay pagbabawas ng araw ng trabaho. Ayon kay Baguio City Rep. Mark Go, malaking bagay kapag ginawa na apat na araw na lamang ang trabaho ng mga empleyado sa gobyerno at sa pribadong kompanya. Ani Go, mababawasan ang mga sasakyang bumibiyahe at luluwag ang trapiko sa Metro Manila. …
Read More »Dengvaxia ipinababalik ng doctors, scientists
SA GITNA ng napakaraming tinamaan ng dengue sa bansa, nanawagan ang mga siyentista at mga doktor na ibalik na ang bakunang Dengvaxia sa bansa upang puksain ang malawakang panganib ng dengue. Ayon kay Iloilo Rep. Janette Loreto Garin, kawawa ang mahihirap na Filipino na walang kakayahang magpabukana sa ibang bansa. “‘Yung may mga kaya nagpapabakuna sa Singapore, Malaysia. Mayayaman at …
Read More »Breakfast meeting ng mga congressman isa lang — Cayetano
ISANG breakfast meeting lamang ang dadaluhan ng mga kongresista ngayong umaga, 22 Hulyo 2019, ayon kay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano. Imbes dalawa, taliwas sa napabalita na mayroon din “breakfast meeting” kay Davao Rep. Paulo “Pulong” Duterte sa ganap na 8:00 am. Ayon kay Cayetano, nagkasundo na silang dalawa matapos alukin at pumayag si Rep. Duterte na maging deputy speaker …
Read More »80-anyos Pinoy dapat din bigyan ng P80,000 — Party-list Solon
DAPAT din bigyan ng pabuya ang mga Filipino na umabot sa edad 80-anyos gaya ng mga nakaabot sa edad na isang siglo o 100 taong gulang. Ayon kay Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, ang 80-anyos ay nararapat din bigyan ng pabuya para ma-enjoy mga huling araw sa mundo. Naghain si Lagon ng House Bill (HB) No. 907 upang maibigay ang mga …
Read More »Tinitira umano siya… Solon na nanapak ng waiter nagbanta
BINANTAAN ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred De Los Santos ang sinabi niyang mga tumitira sa kanya matapos lumabas sa media ang istorya ng kanyang pananapak sa isang waiter sa Legazpi City. Ayon kay De Los Santos sa kanyang social media post, ilang araw na lang matatabunan na ang isyu laban sa kanya at makapananapak na naman ulit siya. Ipinagmalaki …
Read More »