Saturday , December 21 2024

Gerry Baldo

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

Makapili Vlogger

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy at Tsinoy at kanilang mga bayarang troll ay vlogger na nagsisilbing ‘parrot’ ng China. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairperson ng House Quad Committee, at House Committee on Dangerous Drugs ang mga ‘Makabaging Makapili’ ang dumedepensa at nagkakalat ng maling impormasyon …

Read More »

2nd impeachment vs Sara inihain sa Kamara

Sara Duterte 2nd impeachment Makabayan Bloc

ni GERRY BALDO INIHAIN sa Kamara de Representantes kahapon ang pangalawang impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte. Ayon sa Makabayan coalition, na naghain ng reklamo ang isyu nila kay Duterte ay tungkol sa “betrayal of public trust” may kaugnayan sa paggastos ng  P612.5 milyong  “confidential funds” ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education …

Read More »

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

Sara Duterte impeach

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na paglustay ng budget ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd), isang grupo ng civil society, mga dating opisyal ng gobyerno, at mga relihiyoso ang naghain ng impeachment complaint sa Kamara. Ang sakdal ay bunsod ng “culpable violations of the Constitution, graft …

Read More »

Naninira, nagkakalat ng kasinungalingan
BAYARANG VLOGGERS LABAN SA QUAD COMM IPINATUTUGIS SA NBI

Robert Ace Barbers Jaime B Santiago

ni GERRY BALDO  SINASALO man ng House Quad Committee ang mga banat sa kanila, hindi nito palalagpasin ang ginagawang pagkakalat ng kasinungalingan ng mga bayarang vlogger na nagpapakalat ng maling impormasyon sa iba’t ibang social media platform upang sirain ang mga miyembro ng komite. Kaya hiniling ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chairperson ng House QuadCom …

Read More »

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

Duterte Gun

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong kriminal noong siya’y alkalde ng Davao City. Ang pag-amin ng dating pangulo ay naganap sa kanyang pagharap sa House Quad Committee, na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyong libo-libong extrajudicial killings (EJKs) na may kaugnayan sa kontrobersiyal na gera laban sa droga ng kanyang …

Read More »

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

111424 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas sa ilalim ng anim na taong pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa isa sa mga chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes. Direktang sinabi ni Abante, isang Baptist church pastor at chairman ng House human rights committee, kay Duterte na siya at …

Read More »

Sara Duterte unang VP na mayroong P500M confidential fund — OVP chief accountant

Money OVP Office of the Vice President

ni GERRY BALDO KINOMPIRMA ng chief accountant ng Office of the Vice President (OVP) na si Vice President Sara Duterte ang kauna-unahang Bise Presidente na nagkaroon ng P500 milyong confidential fund. Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, tinanong ni Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez si OVP Chief Accountant Julieta Villadelrey na nakapasok sa OVP noong …

Read More »

DUTERTE MAY PANANAGUTAN SA CRIMES AGAINST HUMANITY  
Go, Bato, dapat mag-inhibit sa pagdinig ng Senado

103024 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO MATAPOS ang pag-ako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa responsibilidad sa kanyang war on drugs, nanawagan ang isang lider ng Kamara de Representantes na dapat siyang managot sa crimes against humanity. Ayon kay House Quad Comm co-chair Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr., sa ilalim ng Republic Act No. (RA) 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against …

Read More »

Sa instigasyon ni dating PNP chief, Sen. Bato  
SENATE PROBE SA DUTERTE DRUG WAR PINAGDUDAHAN

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

DUDA si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr., co-chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na magiging patas si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa isasagawa nitong imbestigasyon sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Naniniwala si Abante, chairman ng House Committee on Human Rights, na makokompormiso ang integridad ng imbestigasyon dahil kilalang malapit …

Read More »

Leonardo ikakanta si Duterte — Abante

Benny Abante Rodrigo Duterte Edilberto Leonardo

ni GERRY BALDO NANINIWALA si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr., na ikakanta ni dating National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo ang kanyang nalalaman sa isinasagawang imbestigasyon ng House quad committee sa extrajudicial killings (EJKs) kaugnay ng madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Abante, co-chair ng House Quad Committee, isasalang nila si …

Read More »

Staff ni Bong Go isinabit ni Garma sa reward system

101524 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO IDINAWIT ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ang isang staff ni Sen. Christopher “Bong” Go na sinabi niyang pinanggagalingan ng pera na ibinibigay bilang reward sa mga pulis na nakapapatay ng drug suspect/s nang ipatupad ang ‘war on drugs’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa sinumpaang salaysay ni Garma, na kanyang binasa …

Read More »

Hustisya para sa mga biktima ng EJKs hangad ng QuadComm – Chair Barbers

EJK Victims

NANGAKO ang Quad Committe ng Kamara de Representantes na tutulong sila para maigawad ang hustisya sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) at iba pang paglabag sa karapatang pantao noong nakaraang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ika-walong pagdinig  ng Quad Committee, sinabi Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte nais ng komite na marinig ang hinaing ng mga …

Read More »

Kaya idinawit sa droga sina De Lima at Peter Lim
TINAKOT AKO NI BATO — KERWIN

101224 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO ISINAWALAT ni Rolan “Kerwin” Espinosa sa ika-walong pagdinig ng Quad Committee sa Kamara de Representantes na tinakot siya ni dating Philippine National Police (PNP) chief, ngayon ay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, para isangkot si dating senador Leila de Lima at negosyanteng si Peter Lim sa umiiral na kalakaran ng droga sa bansa. Ayon kay Kerwin, hinahanap …

Read More »

“Queenie” magbabalik sa Mandaluyong City

Alexandria Queenie Pahati Gonzales

MAGBABALIK sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating congresswoman ng nag-iisang distrito ng Mandaluyong City na si Alexandria “Queenie” Pahati Gonzales. Ani Queenie, karangalan niyang makapagsilbing muli sa Mandaluyong. Si Queenie, dating reporter ng TV 5, ay sinamahan ng kanyang asawa na Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa tangapan ng Comelec …

Read More »

Sara Duterte nag-aabot ng pera sa mga opisyal ng DepEd — retired Usec

092624 Hataw Frontpage ni GERRY BALDO BAKIT namimigay si Vice President Sara Duterte ng P50,000 kada buwan sa mga procurement official ng Department of Education (DepEd) noong siya ang namumuno sa ahensiya? Ito ang tanong ng mga kongresista matapos mapakinggan ang testimonya ni dating DepEd Undersecretary Gloria Jumamil-Mercado sa harap ng  House Committee on Good Government and Public Accountability, na …

Read More »

Fernandez: Mga opisyal ng gobyerno nabulag ng pera kaya POGO pinayagan

Dan Fernandez

‘NABULAG’ sa malaking peraang mga opisyal ng gobyerno kaya pinayagan ang ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kahit na ipinagbawal na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ito ang sinabi ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez sa muling pagsasagawa ng imbestigasyon ng quad committee ng Kamara de Representantes. “Iba talaga ang kinang ng salapi sa mata …

Read More »

Sa patuloy na pagsisinungaling
Cite in contempt ipinataw vs Alice Guo sa pagdinig ng House Quad Comm

Alice Guo

DESMAYADO sa mga nakuhang sagot, inirekomenda ng isang kongresista na patawan ng cite in contempt si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo a.k.a. Guo Hua Ping sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara de Representantes. Pag-uusapan ng komite kung saan ikukulong si Guo na kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Custodial Center dahil sa utos ng korte kaugnay ng kasong graft …

Read More »

Ayon kay Iloilo ex-mayor Mabilog
PEKENG NARCO-LIST GINAMIT NI DUTERTE VS KALABAN SA POLITIKA

Jed Patrick Mabilog Duterte drug matrix

ni GERRY BALDO GINAMIT ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ‘drug war’ laban sa mga katunggali sa politika. Sa testimonya ni dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog sa Quad Committee ng Kamara de Representantes sinabi niyang gumamit si Duterte ng ‘pekeng drug list’ upang usigin ang kalaban sa politika. “Despite my hard work and dedication to public service, I …

Read More »

Senador itinuro sa appointment ni Garma sa PCSO

091624 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO MAYROONG malaking papel si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, kaya mula sa pagiging pulis ni dating P/Col. Royina Garma ay naitalaga siya bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang lumabas sa ikalimang pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng …

Read More »

Serbisyo caravan dinagsa sa Davao City

agta ng Dabaw dumalo sa serbisyo fair

DAVAO CITY – Sa gitna ng kaguluhang bumabalot sa isang kulto rito, dumalo ang mga Dabaweños sa Serbisyo caravan na mahigit P1.2 bilyong halaga ng programa, serbisyo, at cash assistance ng pamahalaan ang ipagkakaloob sa mga residente ng lungsod at mga kalapit  na lugar. Sa pagbisita ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, ang pinakamalaking serbisyo caravan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand …

Read More »

Espenido ibinunyag paglabag sa karapatang pantao sa Duterte drug war

Duterte Espenido

KINOMPIRMA ng isang opisyal ng pulisya na maraming paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni P/Col. Jovie Espenido, isa sa mga kinilala ni dating Pangulong Duterte dahil sa kanyang mga nagawa laban sa ilegal na droga, inabuso ng mga taong malapit sa dating Pangulo at kanyang mga …

Read More »

Itinuga ng police colonel
QUOTA SA DUTERTE WAR ON DRUGS KINOMPIRMA  
Reward sa mga pulis galing sa POGO, intel fund

Duterte Gun

ni Gerry Baldo ISANG aktibong opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nagkompirma na mayroong quota at reward system sa pagpapatupad ng madugong war on drugs ng administrasyong Duterte. Sinabi ni P/Col. Jovie Espenido, ang pera na ibinibigay na reward sa mga pulis para sa kanilang mga napapatay ay nanggagaling umano sa intelligence funds at mula sa Philippine Offshore Gaming …

Read More »

May kinalaman sa POGO ops
ESCORT NI ROQUE PINAG-EESPLIKA NG KAMARA SA PAG-SNUB SA PAGDINIG

AR dela Serna Harry Roque

BACOLOR, Pampanga – Naglabas ng “show cause orders” ang Quadcomm ng Kamara de Representantes na nag-iimbestiga sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), at sa “war on drugs” ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na sinabing milyones, ang namatay. Sa pagdinig sa Bacolor, Pampanga, isa sa mga pinag-eeksplika ay si Albert Rodulfo “AR” de la Serna, ang executive assistant ng dating spokesperson …

Read More »

Confidential kasi – Cordoba  
COA tumangging ilabas audit report ng OVP, DepEd confidential funds

COA Commission on Audit Money

TUMANGGI ang Commission on Audit (COA) na ilabas ang kanilang audit report sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), sa rason na ‘confidential nga o ito’. Ang budget ng OVP at DepEd na dating pinamumunuan ng bise presidente ay pinag-uusapan ngayon sa budget hearings para sa darating na taong 2025. Ayon kay …

Read More »