Tuesday , December 24 2024

Fred Magno

BKs daragsa sa Linggo sa MT

PANIGURADONG daragsa ang mga BKs sa darating na Linggo sa pista ng Metro Turf (MT) sa Malvar, Batangas dahil ipagdiriwang ng lahat ng bumubuo sa samahan ng “Klub Don Juan De Manila” (KDJM) ang kanilang ika-15th Racing Festival para sa taong ito. Bukod sa apat na malalaking pakarera ng KDJM ay tampok din sa Linggo ang dalawang malaking pakarera mula …

Read More »

Dan, Dunoy dapat imbestigahan ayon sa BKs

MAGANDANG bakbakan ang naging resulta sa unang karera nung isang gabi sa pista ng San Lazaro na kung saan ay nagkapanabayan ng isa’t-isa pagsungaw sa rektahan ang magkalabang sina Getting Better at Aranque na parehong sinakyan ng apprentice riders na sina Wilden Delfin at Jeric Pastoral. Walang humpay na ayudahan ang dalawang bagong hinete dahil head-to-head ang labanan, hanggang sa …

Read More »

Mayon Volcano bumanderang tapos

NAKADALAWANG panalo ang kuwadra ni Ginoong Wilbert T. Tan nung Biyernes ng gabi na pakarera sa pista ng Sta. Ana Park sa Naic, Cavite. Ang unang nagwagi ay ang bago niyang mananakbo Lafu Island na pinatnubayan ni Mark Angelo Alvarez. Sa largahan ay mabilis na umarangkada sa gawing labas ang paboritong si Ultimate Royal ni Jordan Cordova at nakasunod sa …

Read More »

Panawagan kay Pangulong Duterte

Balik sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) ang pakarera ngayong gabi at hanggang kahapon habang ginagawa ko itong kolum natin ay hindi pa rin tapos ang pagbatikos ng mga klasmeyts natin mula sa iba’t-ibang grupo ng mga karerista sa social network, lalo na nung may lumabas na report mula sa grupo ng mga “Board Of Stewards” (BOS) diyan sa …

Read More »

Si Pangulong Duterte na ang kailangan

Sa araw na ito ay bibigyan natin ng daan ang reaksiyon ng mga karerista sa iba’t-ibang social network group hinggil sa pagkatalo ng kabayong si Mr. Universe sa ikapitong karera nung Linggo sa pista ng Sta. Ana Park (SAP). Sobrang garapal ang sigaw ng nakararami na nakapanood nung pagdadalang ginawa ng kanyang hinete na si Apoy Asuncion. Nais nilang ipalinis …

Read More »

Lady Leisure puwedeng makasilat

PITONG karera ang bibitawan ngayong gabi sa pista ng Sta. Ana Park (SAP), may nakalaan na carry over para sa mga Pentafecta (P32,729.84) players sa unang takbuhan at sa mga Super-6 (P53,494.35) players naman ay nasa huling karera. Magandang paglibangan din iyang Pentafecta at Super-6 dahil bukod sa maliit lang ang  kapital ay maganda ang dibidendo, ang gagawin lang ay …

Read More »

Robert’s Magic hugandong nagwagi

KAYANG-KAYA talagang paglaruan ng kabayong si Oh Neng ang grupong kinalalagyan niya sa kasalukuyan, kaya walang anuman na iniwan ang mga nakalaban habang nakapirmis lang ang hinete niyang si Jesse Guce. Umentado pa ang tiyempong tinapos na 1:20.8 (07’-23’-23-26’) para sa 1,200 meters na distansiya. Pumangalawa sa kanya ang galing sa hulihan na si Araz, habang tumersera naman ang isa …

Read More »

Blush of Rose hahalimuyak na

SA naganap na unang karera nitong nagdaang Martes sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) ay eksaktong bitaw lang sa may tres oktabos (600 meters) ang ginawa ni Miles Vacal Pilapil sa dala niyang si Simply Elegant, kaya naman pagdating sa rektahan ay may natira pa silang lakas laban sa mga rumemateng sina Townsend at Paytobesmart na dumating na segunda …

Read More »

Wind Factor napabor ang laban

HINDI  na napigilan pa ni Tanya Navarosa ang kanyang dala na si Sky Jet nang makasipat ng kaluwagan sa may tabing balya papasok sa ultimo kuwarto, kaya pagsungaw sa rektahan ay nagtuloy-tuloy ang kanilang pagremate hanggang sa mametahan ang kamuntik ng makadehadong si Kay Inday. Ang kalaban nilang si Pati Dilema sakay ng kabayong si Neversaygoodbye ay tila nabantayan ang …

Read More »

Reaksiyon nina klasmeyts

MAY mga reaksiyon akong natanggap sa mga klasmeyts natin na nakausap ko hinggil sa nabasa nila dito sa ating kolum kahapon na naglalaman ng kasagutan mula sa tanggapan ng PHILRACOM (Philippine Racing Commission). Ang laman ng liham ay wala silang nakitang pagkakamaling nagawa ni apprentice rider M.B. Pilapil nang matalo ang sinakyan niyang outstanding favorite na si Ariston nung Hunyo …

Read More »

Sagot ng Philracom sa katanungan

HAYAAN ninyong bigyan natin ng espasyo ang sagot ng Philippine Racing Commission na may kaugnayan sa isa nating komentaryo sa ating Kolum na Rekta na lumabas noong June 17. FRED L. MAGNO HATAW TABLOID DEAR MR. MAGNO, We are writing in relation to your article published by Hataw Tabloid and posted on its website on June 17, 2016. In the …

Read More »

Bago pa lang may kinikilingan na

INUNAHAN na ni Tom Basilio na parematehin ang kanyang dala na si Humble Heart, kaya bago pa man makapag-pakawala iyong mga kalaban nilang may remate rin ay medyo nakalayo na silang dalawa. Pumangalawa sa kanila ang galing din sa likuran na si Hello Gorgeous, habang tumersero naman si Peypaluc. Ang naging top choice sa bentahan na si Zaphia ay kinulang …

Read More »

Aksiyonan sana ng PHILRACOM

Balik tayo sa post analysis at nasilip sa mga takbuhang naganap nitong nagdaang Martes at Miyerkoles na pakarera sa pista ng Sta. Ana Park. Sa unang takbuhan nung Martes ay prenteng nagwagi ang kabayong si Oh Neng na nakapagtala ng pruwebang 1:21.0 (07’-24’-23’-25’) sa distansiyang 1,300 meters habang nakapirmis lamang ang kanyang hinete na si Tom Basilio. Tanging si Cherokee …

Read More »

Hurricane Ridge hugandong nanalo

Malayo ang nagawang panalo ng kabayong si Love Hate sakay ng apprentice rider Jeric Pastoral upang masungkit ang unang takbuhan nung isang gabi sa pista ng San Lazaro. Hiningan na lamang ni Jeric ang kanyang dala pagsapit sa medya milya at pagkaagaw ng unahan kay Katniss at lumayo na ng husto hanggang sa makarating sa meta. Sa kasunod na takbuhan …

Read More »

Space Needle nagpakitang gilas

Nagpakitang gilas muli ng isang panalo ang kabayong si Space Needle na sinakyan ni Jeffril Zarate sa isang 3YO Handicap Race (4-5) na grupo nung isang gabi sa pista ng San Lazaro. Sa largahan ay nauna sa lundagan sina Jeff, subalit biglaang umarangkada sa may tabing balya ang kalaban nilang si Sky Dancer ni Pati Dilema. Sa pagkakataong iyan ay …

Read More »

Low Profile nag-ehersisyo lang

Nag-ehersisyo lang ang kabayong si Low Profile na nirendahan ni Mark Angelo Alvarez nung isang araw sa pista ng Sta. Ana Park at nakapagtala pa ng magandang tiyempo na 1:12.8 (25’-22’-24’) para sa 1,200 meters na distansiya. Ayon sa ating bubwit ay kinakailangan pa rin na magbatak ni Low Profile kahit pa medyo lamang siya sa malaking pakarera na pinaghahandaan …

Read More »

Lakan punong-puno pa

Hugandong nagwagi ang kabayong si Gentle Strength na pinatnubayan ng hineteng si Unoh Basco Hernandez sa naganap na 2016 “PHILRACOM Summer Racing Festival” nitong nagdaang weekend sa pista ng San Lazaro. Naorasan ang nasabing laban ng 1:33.0 (18’-25-24-25’) sa distansiyang 1,500 meters. Simpleng ehersisyo naman ang pagkapanalo ni Dixie Gold na nirendahan ni Oniel Cortez na tumapos sa tiyempong 1:21.2 …

Read More »

BKs nagalit sa 2 apprentice

Mula OTB hanggang sa mga social network (Facebook) ay naglabas ng galit ang Bayang Karerista (BKs) tungkol sa nagawang pagdadala ng dalawang apprentice jockeys na sina Oniel Cortez at Mark Gonzales nitong nakaraang Martes sa pagkatalo ng kani-kanilang  sakay na sina Kuya Yani at New Empire ayon sa pagkakasunod. Ang nangyari kay Kuya Yani, pagsungaw ng rektahan ay nakitang todo …

Read More »

Low Profile magaan na nagwagi

Magaan na nagwagi ang kabayong si Low Profile na sinakyan ng kanyang regular rider na si Mark Angelo Alvarez sa naganap na unang malaking pakarera na 2016 PHILRACOM “Comissioner’s Cup” Race. Sa largahan ay magaan na nakuha nila ang harapan at bahagyang nakalayo ng may apat na kabayong layo sa mga nakalaban. Paglagpas ng medya milya ay biglaang nakadikit ang …

Read More »

Bagong opisyales ng NPJAI

Binabati ko ang mga bagong halal na officers and board of directors ng NPJAI (New Philippine Jockey’s Association, Inc.) na pinangungunahan ng kanilang bagong President na si Redentor R. De Leon (RR De Leon), Bise-Presidente na si Gilbert L. Francisco (GL Francisco), bilang Secretary ng samahan ay si Rey An R. Camanero (RR Camanero), Ingat Yaman naman si Antonio B. …

Read More »

Grandslam para kay Pao

Nakasungkit muli ng isang tampok na pakarera ang hineteng si Pao Guce sa ibabaw ng kabayong si Silver Sword sa naganap na 2nd Pasay “The Travel City” Cup nitong nagdaang weekend sa pista ng Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas. Sa unang tatlong kuwartos ay hindi naging alintana kay Pao kahit pa may ilang kalaban ang nagtangkang lumapit at makapantay …

Read More »

Subterranean river naka-upset muli

Nakapuntos ng panalo ang kabayong si Low Profile na sinakyan ni Mark Angelo Alvarez laban sa kampeong si Hagdang Bato na nirendahan naman ni Unoh Hernandez sa naganap na 2015 PCSO Anniversary Race nitong nagdaang weekend sa pista ng Sta. Ana Park. Sa aktuwal na laban ay makailang beses na nagtangkang pumantay sina Unoh sa nauunang si Low Profile, subalit …

Read More »

Malaya nasilip ni Bubwit

Sa darating na Linggo ay lalargahan sa pista ng Sta. Ana Park ang “Sampaguita Stakes Race” na kinabibilangan ng mga nauna nang nagpalista na sina Cleave Ridge, Love Na Love, Malaya, Marinx, Never Cease at Skyway. Magpapambuno sila sa medyo mahabang distansiya na 1,800 meters. Base sa ating bubwit ay nasisilip niya ang kalahok na si Malaya dahil sa resulta …

Read More »

Underwood hugandong nanalo

Binabati ko ang lahat ng bumubuo sa samahan ng “Klub Don Juan de Manila” (KDJM) sa matagumpay nilang pakarera ngayong taon na naganap sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Congrats sa kanilang presidente na si Ginoong Jun Almeda. Para sa resulta ng tampok na pakarera ng KDJM ay hugandong nagwagi sa grupo ng Juvenile Colts ang kabayong si …

Read More »

Court of Honour mahaba ang hininga

Nasungkit ng kabayong si Court Of Honour ni John Alvin Guce ang naganap na 2015 PHILRACOM “Lakambini Stakes Race” nitong nagdaang weekend sa pista Sta. Ana Park. Sa largahan ay nasabay si Court Of Honour  sa unahan, subalit bago dumating sa unang likuan ay nagmenor muna ni Alvin at hinayaan na mauna ang mga kalaban na may tulin. Pagpasok sa …

Read More »