Sunday , June 22 2025

Court of Honour mahaba ang hininga

00 rektaNasungkit ng kabayong si Court Of Honour ni John Alvin Guce ang naganap na 2015 PHILRACOM “Lakambini Stakes Race” nitong nagdaang weekend sa pista Sta. Ana Park.

Sa largahan ay nasabay si Court Of Honour  sa unahan, subalit bago dumating sa unang likuan ay nagmenor muna ni Alvin at hinayaan na mauna ang mga kalaban na may tulin.

Pagpasok sa tres-kuwartos (1,200 meters) ay inumpisahan na ni Alvin na bibohan ang kanyang sakay at agaran naman na nagresponde si kabayo. Sa pagkakataong iyan ay nakakita ng kaluwagan sa gawing loob si Alvin, kaya nagdire-diretso sila na makalapit sa mga nasa harapan.

Pagsungaw sa ultimo kuwartos (400 meters) ay nagkapanabayan na sila ng mahigpit niyang katunggali na si Gentle Strength ni Unoh Hernandez, iyon lang ay mas mahaba ang hininga ni Court Of Honour sa pagremate kung kaya’t nakalayo pa siya ng mahigit sa isang kabayong agwat pagtawid sa meta laban sa dala ni Unoh.

Naorasan ang tampok na pakarerang iyan ng umentadong tiyempo na 1:38.8 (25’-23-23’-26’) para sa 1,600 meters na distansiya. Sa puntong ito ay binabati ko ang pinagpalang owner ni Court Of Honour na si Ginoong Honorato L. Neri, gayon in kina  trainer Nestor Manalang at jockey Alvin Guce.

REKTA – Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

ArenaPlus basketball coaching clinic FEAT

ArenaPlus empowers coaching clinic shaping future basketball champions

The future of basketball is bright as ArenaPlus, the country’s best sportsbook, partnered with coach …

Alas Pilipinas, Haharap sa Mas Mabigat na Hamon sa SEA Games

Alas Pilipinas, Haharap sa Mas Mabigat na Hamon sa SEA Games

MAGIGING mas mabigat ang laban na haharapin ng Alas Pilipinas women’s volleyball team sa nalalapit …

Pilak sa Hanoi, patunay ng maliwanag na hinaharap ng PH Volleyball

Pilak sa Hanoi, patunay ng maliwanag na hinaharap ng PH Volleyball

ISANG KOPONANG binubuo ng mahuhusay at dedikadong mga manlalaro, isang matiyaga at matatag na coach …

Tats Suzara Alas Pilipinas

Alas Pilipinas Umangat sa FIVB Rankings, Pasok sa Finals ng AVC Nations Cup

NAKAPASOK ang Pilipinas sa finals ng 2025 Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Nations Cup …

Espejo kumamada ng 31 puntos, Alas Pilipinas wagi kontra Thailand, winalis ang Invitationals

Espejo kumamada ng 31 puntos, Alas Pilipinas wagi kontra Thailand, winalis ang Invitationals

BUMIDA si Marck Espejo sa kanyang 31 puntos para sa Alas Pilipinas na nakalusot sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *