Thursday , June 4 2026

Negosyante itinumba sa Navotas

PATAY ang isang 39-anyos negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang patungo sa eskuwelahan ng kanyang anak sa Navotas City  upang sunduin kamakalawa ng hapon.

Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Melvin Cruz, residente ng Pat De Asis St., Brgy. San Roque ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinugis ng mga awtoridad ang suspek na tumakas makaraan ang insidente. Batay sa ulat ng pulisya, dakong 3:30 p.m. nang maganap ang insidente ilang metro ang layo sa Adventist Elementary School sa Gov. Pascual St., Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod.

Sakay ang biktima ng kanyang bisekleta upang sunduin ang kanyang anak na nag-aaral sa nasabing lugar nang sumulpot mula sa likuran ang suspek at siya ay pinagbabaril.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …