Thursday , June 4 2026

Underwood hugandong nanalo

00 rektaBinabati ko ang lahat ng bumubuo sa samahan ng “Klub Don Juan de Manila” (KDJM) sa matagumpay nilang pakarera ngayong taon na naganap sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Congrats sa kanilang presidente na si Ginoong Jun Almeda.

Para sa resulta ng tampok na pakarera ng KDJM ay hugandong nagwagi sa grupo ng Juvenile Colts ang kabayong si Underwood na pinatnubayan ni Jesse Guce, sa Juvenile Fillies naman ay lumabas na ang buti ng kabayong si Port Angeles na mahusay na nirendahan ni Mark Alvarez.

Sa KDJM Golden Girls Stakes ay bumanderang tapos ang kabayong si Silver Sword na sinakyan ni Pao Guce, sa karerang iyan ay abangan at paglaanan natin ang mga susunod na takbo ng nakalaban niyang si Eugenie na dinala naman ni John Alvin Guce.

Sa pinakatampok na takbuhan ay halos banderang tapos din ang kalahok na si Miss Brulay ni Kelvin Abobo, magkagayon pa man ay maraming BKs ang hindi nakuntento sa naipakitang takbo ng mga nakalaban niyang sina Court Of Honour at Dikoridik Koridak.

Ang mga may tibay na suportahan ay sina Neversaygoodbye, Jarred Skywalker, Precious Jewel, Orient Pearl, You Are The One, Hep Hep Hooray, Blue Angel, Apo, Miss Malapia, Allbymyself, Eye Catcher at Galing From Afar.    (OCT/06-17/2015)

REKTA – Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …