Tuesday , December 10 2024

BKs nagalit sa 2 apprentice

Mula OTB hanggang sa mga social network (Facebook) ay naglabas ng galit ang Bayang Karerista (BKs) tungkol sa nagawang pagdadala ng dalawang apprentice jockeys na sina Oniel Cortez at Mark Gonzales nitong nakaraang Martes sa pagkatalo ng kani-kanilang  sakay na sina Kuya Yani at New Empire ayon sa pagkakasunod.

Ang nangyari kay Kuya Yani, pagsungaw ng rektahan ay nakitang todo ayuda at palo sa ibabaw si Cortez upang maunahan ang kalabang si Boss Pogi, At nung medyo nakalamang na si Kuya Yani ng may dalawang kabayong layo papasok sa huling 100 metro ay pumirmis na lamang ang naturang hinete sa akalang panalo na sila. Subalit sa walang humpay na ayuda rin ng mas beteranong hinete na si Hermie Dilema ay muling nakalapit at nalagpasan nilang muli si Kuya Yani pagdating sa meta.

Ang kay Mark Gonzales naman ay tila hindi pinatakbo ng totoo si New Empire dahil biglaang inentrega ang harapan sa kalaban na si Tisay ni Oyet Alcasid Jr., na siyang professor o instructor ng mga bagitong mananakay sa Jockey’s Academy sa SLLP. Kaya nung maramdaman ng klasmeyts natin ang kanilang napapanood ay inayudahan at sinuportahan na lamang nila ang iba pang kalaban na rumeremate na sina Crotales at Sta. Monica One. Kaya nung matapos ang takbuhan ay sumigaw ang ilan sa OTB na pare-pareho na lamang silang natalo, kesa naman sa matalo na nagawan ng kalokohan at pandaraya na ang biktima ay mga mananaya.

REKTA – Fred Magno

About Fred Magno

Check Also

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *