Monday , December 23 2024

Ed de Leon

Aiai, napaluha nang hinugasan ang paa noong Huwebes Santo

NAKASAMA si Aiai delas Alas sa mga “hinugasan ang paa” noong Huwebes Santo. Aminado si Aiai, noon lang siya nakasaksi ng ganoong seremonya at kasali pa siya. Napaluha si Aiai dahil noon lang din niya nalaman ang kahulugan ng seremonyang iyon. Kasi hindi naman naging ugali talaga ng marami iyong nagsisimba maliban kung Linggo, at iyang mga artista, karaniwan nasa bakasyon iyan …

Read More »

Sa mga actor at talent manager na ‘pumapasada’ pa, ingat at baka ma-Covid-19

blind item

PAALALA ulit, iyang mga “pumapasada” riyan, medyo tigilan na muna ninyo iyang mga sideline ninyo dahil hindi ninyo alam kung ang pinapasadahan ninyo carrier ng Covid-19. Nagpapaalala lang kami dahil may narinig kaming ilang male stars na pumapasada pa rin. Mayroon ding isang “talent manager” na ipinapasada pa rin ang mga sexy star niya.   Ingat kayo dahil totoo iyang …

Read More »

Covid-19 test result ni Menggie, limang araw nang patay bago lumabas

ANG lakas ng tawa namin doon sa balitang lumabas na ang Covid test ni Menggie Cobarrubias at sinasabing siya nga ay positive sa Covid-19. Mas nakatatawa iyan kaysa jokes nina Dolphy at Babalu, dahil lumabas ang resulta noong limang araw na siyang patay.   Hindi ba napakahusay naman nila, na nalalaman ang sakit kung patay na ang pasyente? Aba eh kung ganyan nga, abutin man …

Read More »

Young male star, ingat-ingat sa ‘pagsa-sideline’ baka makasagap ng virus

blind mystery man

PAALALA lang doon sa young male star na patuloy ang “sideline.” Una, may home quarantine na ipinatutupad. Ikalawa mahalaga ang social distancing. Kahit na sabihing kilala naman niya ang mga “client” niya sa sideline, hindi niya alam kung carrier na iyon. Baka mahawahan pa niya ang kanyang ka-live in. Hindi maganda iyan.   Dapat magpreno muna siya sa sideline ngayon. Oo nga wala …

Read More »

Angel, tunay na Darna sa paglutas ng mga problema sa Covid-19

NGAYON naniniwala kami roon sa sinasabi ng marami na siguro nga ang dapat nilang gawing Darna ulit ay si Angel Locsin. Una, hindi naman maikakaila na ang proyektong iyon ay talagang inihanda para sa kanya. Naging katuwiran nga lang iyong nagkaroon siya ng problema sa kanyang spinal column.   Pero tingnan ninyo, sa panahong ito ng kalamidad, aba eh talagang parang Darna si Angel. Iyong …

Read More »

Unang naglabas ng video ni Iza sa socmed ang dapat idemanda

NATUTUWA kami at nag-negative na si Iza Calzado sa Covid-19, nang sumailalim sa ikalawang test, at nakagugulat dahil matapos ang dalawang araw na pag-amin na positive siya, naisagawa agad ang ikalawang test at lumabas na ang resulta na negative siya.   Napaka-suwerte ni Iza, isipin ninyo nabigyan siya agad ng ikalawang test, samantalang dahil sa limitasyon ng test kits maraming namatay na …

Read More »

Aktor, humingi ng P50K sa isang negosyante kapalit ng kahit ano

blind mystery man

HINDI rin namin alam kung paano namang nakuha ng aming source ang screen grab ng isang internet chat. Ang involved ay isang male star, at isang businessman. Sinasabi ng male star sa businessman na wala na siyang pera, dahil mukhang hindi naman totoo na babayaran sila ng network sa panahong ito kahit na hindi sila nagtatrabaho. Sinabi niya na ni wala na …

Read More »

Kanta ni George Canseco, ibinirit ng wala sa lugar

BUKAS ang TV namin noong isang gabi, bagama’t hindi namin pinanonood dahil may iba kaming ginagawa. Pinapanatili lang naming bukas para marinig namin agad kung ano ang bagong balita. Biglang doon sa isang contest, may isang babaeng contestant yata iyon na biglang bumunghalit ng kantang Saan Darating ang Umaga. Aba’y panay ang birit, pilit na itinitili ang boses, at ang nangyari …

Read More »

Solenn kinuwestiyon, pag-asa ng gobyerno sa mga pribadong sector

TAMA ang sinasabi ni Solenn Heussaff. Nagtatanong siya, bakit tila umaasa na lang ang Pilipinas sa mga donasyon ng pribadong sektor ganoong bilyon-bilyong piso ang sinasabing budget ng gobyerno para labanan ang Covid-19. Kukuwentahan ka ng milyon ng local government, ang matatanggap mo lang naman ay dalawang latang sardinas at isang kilong bigas, na hindi na masusundan pa. Iyong mga …

Read More »

Sex video ni actor kasama ang call center agent, nakakalat

MINSAN, may masamang epekto rin iyong mga wala ngang magawa ang mga tao sa kanilang bahay. Dahil siguro sa kawalan ng magagawa, may isang nag-upload ng sex video ng isang sikat na male star, kasama niya sa video ang isang call center agent na noon pa sinasabing sinusundo niya sa trabaho. Lalaki rin ang call center agent na iyon. Palagay namin matagal na …

Read More »

Jen, pinaiimbestigahan ang mga mayor na tutulog-tulog

“PUWEDE po ba paimbestigahan naman ninyo ang ginagawa ng mga mayor sa Metro Manila,” ang panawagan ni Jennylyn Mercado sa DILG. Iyong kahilingan ni Jennylyn ay dahil sa reklamo ng maraming mamamayan na hanggang ngayon, wala silang natatanggap na tulong mula sa mga local na pamahalaan. Kung makatanggap man ng tulong, kagaya nga sa amin, mukhang kinangkong pa ng naghahatid, dahil sa katabing barangay …

Read More »

Angel, pinagsisisihang ikinampanya si Sen. Koko Pimentel

“MEA culpa. Mea culpa, mea maxima culpa.” Kung isasalin sa Tagalog, “dahil sa aking sala, sa aking sala, sa aking pinaka-malaking sala.” Tila ganyan ang sinasabi ni Angel Locsin nang may magpaalala sa kanya na minsan ay ikinampanya niya si Senador Koko Pimentel nang kumandidatong senador. Inamin ni Angel na pinagsisisihan niya ang ginawa niyang iyon. Iyon ay matapos ang ginawa ng Senador na pumasok sa ospital para …

Read More »

Bistek, nami-miss lalo na ng mga taga-QC

MUKHANG tahimik lang si Bistek (Herbert Bautista). Natural dahil ayaw niyang masabing hindi na siya mayor ay namumulitika pa. Sa ngayon hinaharap niya ulit ang kanyang career bilang isang artista. Pero marami kaming nakakausap na mga tao na nagsasabing nami-miss  nila si Bistek, lalo na sa pagkakataong ito na may hinaharap na malaking problema ang lunsod. Naaalala kasi nila iyong ugali ni …

Read More »

Juday, Bela, AshMatt, at Angel, mabilis na nakalikom ng tulong

DAHIL sa walang shooting, walang taping, walang out of town shows, mabilis na nakakikilos ang mga star para gumawa ng kanya-kanyang proyektong pantulong sa mga biktima niyang enhanced community quarantine. Marami kasi ang nawalan din ng trabaho at walang makain. Marami naman ang mga frontliner na napakaraming trabaho, hindi na halos makauwi, hindi na makakain nang maayos at wala pang …

Read More »

Bela, nagbigay-tulong sa Caritas Mla, Pasay, at mga frontliner; SPEEd, nasa puso ang pagtulong

HALAGANG P1-M mga de lata, bigas at iba pang pangangailangan ang ibinigay ni Bela Padilla sa Caritas Manila, para ayudahan na ang pinakamalaking charitable institution ng simbahang Katolika sa kanilang ginagawang relief operations para sa mga mahihirap na nagugutom na dahil sa community quarantine dahil diyan sa Covid 19. Nagbigay din si Bela sa city government ng Pasay, bukod pa roon sa personal …

Read More »

Angel, naghahagilap ng beddings para sa mga frontliner

NANANAWAGAN si Angel Locsin sa mga may kakayahan at mabubuting kalooban na baka maaari silang makapagbigay ng beddings para sa mga frontliner na kailangang matulog sa mga tent malapit sa kanilang pinapasukang ospital. Siksikan na kasi sa ospital at para ma-maintain ang social distance, kailangan sa kanila na may matulog sa mga itinayong tents. Marami naman kasi sa kanila na hindi na …

Read More »

Aktres, magpapabuntis na lang sa BF para ‘di siya iwan

blind item woman

ANG banta raw ng isang female star, magpapabuntis na siya sa kanyang boyfriend para siguradong hindi siya iwanan niyon. Malaki na rin ang kanyang “investment” sa kanyang boyfriend, na ilang panahon din naman niyang sinustentuhan ang kabuhayan at pati na ang mga bisyo. Kaya naman nagsisiguro siyang hindi na siya iwanan niyon. Iyan ang hirap sa mga babae ngayon eh, mas …

Read More »

Sunshine to Chuckie — There was no us

NAKU, napahiya si Chuckie Dreyfus noong sabihin ni Sunshine Cruz na hindi totoong naging magsyota sila noong panahong magkasama pa sila sa That’s Entertainment. Noon kasing maging guest si Chuckie sa  Huwag kang Judgmental, portion ng Eat! Bulaga, natanong siya kung ilan ang naging girlfriends niya roon sa That’s Entertainment. Ang isinagot niya, ”siyam o sampu yata.” Nang sabihin sa kanya na pangalanan niya maski dalawa lang …

Read More »

Pagliligawan noon sa That’s, ‘di pinapayagan ni Kuya Germs

NOON ngang panahon ng Thats’ Entertainment, natatandaan namin talagang dini-discourage ni Kuya Germs ang pagliligawan ng kanyang mga talent, dahil sinasabi nga niya, sa rami ng mga iyan tiyak na iyon ay pagmumulan ng “tsismis at controversies.” Pero hindi naman niya mapigilan dahil ang mga fan ang gumagawa ng love teams, at hindi naman niya puwedeng hindi suportahan iyon. Pero sinasabi nga niya …

Read More »

Indie actor, ginawan ng sex video ang gay client

blind mystery man

TINAWAGAN daw ng isang indie male star ang isa niyang gay client, at niyayayang mag-date sila. Ang sagot naman daw ng gay client, ”ayoko muna, delikado ang Covid-19″. Siguro kailangan ni male indie star ng pera kaya gumawa siya ng ibang offer. Sabi niya ”gusto mo igawa na lang kita ng sex video para panoorin mo?” Kumagat naman daw ang male client. Gumawa ng sex video …

Read More »

BF ni aktres, may criminal records

blind item

WALANG kamalay-malay si female star na ang pamilyang kanyang balak pasukan ay maraming madilim na nakaraan at criminal records hanggang sa ngayon. Sabi nga ng isang beteranong aktres, awang-awa siya sa baguhang female star na walang alam tungkol sa background ng buhay at pamilya ng kanyang boyfriend. Ganoon naman talaga ang buhay. Kailangang matuto kang tuklasin ang lahat sa mga karelasyon mo …

Read More »