WALA nang nakakibo nang mag-post si Sarah Geronimo ng picture ng isang kandila na sinindihan niya at itinirik sa kanilang bintana, na sinasabi niyang ginawa nila ni Matteo Guidicelli bilang suporta sa ABS-CBN. Nauna riyan, ang daming putak nang putak na walang ginagawa si Sarah ganoong nakinabang naman siya nang husto sa ABS-CBN. Kung sa bagay, may mga basher pa rin na nagsabing “nagtirik din …
Read More »Angel, pinakamatapang; ibang artistang nakinabang, pinaringgan
DOON sa ginawang noise barrage at motorcade rally para sa ABS-CBN noong isang gabi, mukhang ang pinakasikat nilang speaker ay si Angel Locsin. Si Angel ang talagang matapang na nagsasalita laban sa mga taong pumigil sa pagbibigay ng bagong franchise ng ABS-CBN. Pero may isang bagay kaming pupunahin sa sinabi ni Angel. May ilan ding artista, kabilang na ang mga box office star …
Read More »Clint Bondad ayaw paawat, may pasabog pa kina Sam at Catriona
MUKHANG malayo pa ring tumigil si Clint Bondad sa pagpo-post ng kung ano-anong patama laban sa kanyang dating girlfriend na si Catriona Gray at sa boyfriend niyon ngayong si Sam Milby. Noong isang araw may sinabi pa siya sa kanyang post na “pasasabugin” daw niyang kuwento tungkol sa dalawa, at marami ang naghintay, pero hindi naman niya ginawa. May iba pang taong nag-post, ng supposed …
Read More »Aktor na mapagbigay, alaga pa rin ng gay lover kahit may dyowa na?
NAGKUKUWENTUHAN ang ilang gays tungkol sa escapades ng isang male star noong siya ay nag-aaral pa lang sa Angeles City. Inaabangan pala siya ng mga gay sa paglabas niya sa school o kung naglalaro siya sa basketball court sa isang subdivision doon. Sabi nila “mapagbigay naman siya sa mga gay na nakaka-afford ng kanyang presyo.” Pero natigil naman daw ang lahat ng iyon nang …
Read More »Aktor, nagwala dahil sa selos
AMINADO na ang isang male star na nagwala siya sa rati niyang management at film company dahil na-insecure siya sa mga bagong artistang ibini-build up ng mga iyon matapos na mag-flop ang kanyang huling pelikula. Pero ngayon nagsisisi na rin siya dahil sa kanyang ginawang desisyong magsarili dahil lalong nawalan siya ng chances. Iyong inaasahan niyang kompanyang masasandalan niya, nagsara pa. …
Read More »Sam, ‘di pinatulan ang alok ni Clint
HINDI pinatulan ni Sam Milby ang ipinaabot na message sa kanya ni Clint Bondad, na dating boyfriend ni Catriona Gray na sinasabing girlfriend naman niya ngayon, nang sila ay mag-chat. Inalok pa ni Clint si Sam na maging isa sa kanyang mga “client.” Ang sinasabi naman pinagkaka-abalahan ngayon ni Clint ay isang home fitness program. Naging usap-usapan ng mga tao sa social media …
Read More »Sunshine, tiniyak na matatauhan ang mga nambastos sa kanilang mag-iina
TINUKOY na ni Sunshine Cruz ang mga pangalan ng tatlong nambastos sa kanya at sa kanyang mga anak sa social media. Medyo matagal na nga nangyari iyan pero lumabas ulit dahil hindi na makatiis ang kanyang anak na si Samantha dahil sa ginawang pambabastos. Lumabas na ang nambastos pala naman nila ay kaeskuwela pa ng kanyang mga anak sa isang pribadong eskuwelahan. Kumalat …
Read More »Poging male star/model, nililigawan si aktor
MAY isa pang tsismis, sinusubukan daw ng isang poging male star–model ang isa pang male star kung kakagat sa kanya, para mapatunayan niya ang matagal na ring tsismis na iyon ay gay. Kasi sinasabing nililigawan nga ngayon ng gay na male star ang kanyang dating girlfriend. Kung kakagat ang gay star sa pain ng poging male star model, tiyak na mabubuko siya at …
Read More »Markki at Marvin, ginulat ang netizens
USAPAN ngayon si Markki Stroem, hindi dahil sa ginawa niyang gay series na napapanood sa internet, kundi dahil sa kumakalat na picture niya sa iba’t ibang social media platforms at mga gay websites na katabi niya sa kama ang isang “natutulog na male star.” Umugong na ang mga tsismis na ganyan noong araw, at sa pagkalat ng picture, sinasabing mukhang kinompirma raw ni Markki ang tsismis. Hindi naman si Markki ang gumawa ng posts, pero …
Read More »Congw. Vilma, ‘di takot mawalan ng komite (dahil sa pagpabor sa ABS-CBN)
“SANAY na akong walang puwesto. Hindi ba noon inalisan na rin ako ng committee chairmanship dahil hindi ako bumoto pabor sa death penalty? Ganoon talaga ang politika, kung hindi ka susunod sa kagustuhan ng majority, may mga mangyayaring ganoon. Pero sa akin kasi, kinokonsulta ko ang mga nasasakupan ko sa Lipa. Pinakikinggan ko sila. Kung ano ang gusto nila, iyon …
Read More »Aktres, punompuno ng galit at pagkamuhi
SA totoo lang, awang-awa kami sa isang female star na ang puso sa ngayon ay punompuno ng galit at pagkamuhi. Lahat na lang ng tao, lalo na nga ang mga hindi nakikisimpatiya sa kanya ay inaaway niya. Malayo iyan sa nakilala naming personalidad niya. Napakalayo rin naman ng ganyan sa isang taong “born again.” Minsan may mga masasakit na dumadaan sa ating …
Read More »Bakit nga ba umurong ang ilang mambabatas sa pagpabor sa ABS-CBN?
BAGAMAT binigyan lamang ang ABS-CBN ng 24 oras para iapela ang naging desisyon ng mababang kapulungan ng kongreso sa kanilang franchise application, dahil ang mga sumunod na araw ay Sabado at Linggo, ibig sabihin hanggang ngayon sana ay maaari silang umapela kung gusto nila. Pero sa tono ng salita ng marami sa kanila na maghihintay na lang sila ng 2022, ”kung kailan iba na ang …
Read More »Supporter ako ni Duterte…Hindi ko sila pinagbantaan — Gretchen
“HINDI ako ang nagsabi ng ‘oust Duterte’ dahil supporter ako ni Presidente Duterte kahit na noon pa. Hindi rin ako ang tumawag sa pitumpung congressmen na bumoto laban sa ABS-CBN na “those seventy pigs” at lalong hindi ko sila pinagbantaan na “you will have our day,” sabi ni Gretchen Barretto. Nauna riyan, may isang nag-post sa isang social media platform na …
Read More »Male starlet, gamit ang FB sa pag-utang ng puhunan sa negosyo
IBANG klase ang modus ng isang male starlet. Basta nakakita siya ng familiar name sa Facebook, magpapadala siya ng friend request. Basta tinanggap iyon, ang iniisip niya may interes na agad sa kanya. Uutangan na niya ngayon ng puhunan para sa sinasabi niyang negosyong pagbebenta ng itlog ng manok, at willing siyang mabayad ng tubo at “magbigay kung ano pa ang ibang …
Read More »Janella, idinemanda ng dating kasambahay dahil sa halagang P3,600
GANOON din naman ang kaso ni Janella Salvador. Inireklamo siya sa radyo ng isa niyang alalay at sinabing hindi niya binayaran ang 12 araw na serbisyo niyon bilang “production assistant.” Ang halaga ay P3,600 lang naman. Umaangal na rin siya sa suweldo niyang P8,000 kada buwan. Aminado ang nagreklamo na siya ay unang pumasok kay Janella bilang isang kasambahay. Bagama’t …
Read More »Angel, posibleng balikan ang nagbintang sa kanyang ‘nanloko’ siya
IYONG 1,300 gallon ng alcohol, kayang-kayang bayaran iyon ni Angel Locsin. Siguro naman sa katayuan niya sa buhay, masasabing “maning-mani” na lang sa kanya ang ganoong halaga. Nakabuo nga siya ng mga tent na ang halaga ay P11-M. Ngayon nakakapagpa-mass testing siya ng mga pasyente. Bakit hindi niya mababayaran iyong 1,300 na gallon ng alcohol? Ang isa pang punto, kung …
Read More »Male starlet model, nakabili pa ng kotse kahit walang taping at modelling
DAHIL sa lockdown, walang taping, wala ring modelling jobs, pero ang isang male starlet-model nakabili pa ng isang bagong kotse na ipinagyayabang sa kanyang social media account. Pero may nagtsismis sa amin. Ang talaga palang nagbayad ng kotse ng male starlet-model ay isang gay Japanese businessman na “kaibigan” niya. Dahil inabot nga ng lockdown, hindi nakabalik agad sa Japan ang businessman. Mas humaba …
Read More »John Manalo, na-hold-up sa manukan
IYONG dating child star, na artista na rin naman talaga ngayon na si John Manalo, bumili lang daw ng lechon manok malapit sa kanila, na-hold-up pa. Ang hinold-up talaga ay iyong binibilhan niya ng lechon manok, pero dahil nandoon siya, pati siya natutukan. Mabuti na lang may mga nagdaang pulis at natiklo rin ang mga hold-upper at wala namang nasaktan sa …
Read More »Show ni Angel, ‘di feel ng netizens
MUKHANG hindi pa maganda ang naging reaksiyon ng mga tao sa unang paglabas ng bagong cable at internet show ni Angel Locsin na tinalakay niya ang problema ng mga jeepney driver na matagal nang hindi nakaka-biyahe, na ni wala nang pambili ng kanilang pagkain, at namamalimos na lamang. Siguro ang intensiyon lang naman ni Angel ay matawag ang pansin ng mga tao sa kawawang sitwasyon ng …
Read More »Aktor, dapat unahin ang problema ng showbiz bago ang usaping political
HINDI nga maikakaila na ang pagkakatatag ng panibagong grupong League of Filipino Artists, o Aktor ay in conflict sa KAPPT, o ang Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon na siyang guild sa ilalim naman ng FAP. Siguro nga ang conflict ay dahil may mga artistang nagsasabing hindi na maipaglaban ng KAPPT ang karapatan ng mga artista. Marami rin ang kumukuwestiyon nang si Imelda Papin na mas kilala …
Read More »Sharon, maraming sama ng loob
NGAYON, lumabas na rin ang sama ng loob at totoong damdamin ni Sharon Cuneta. Talagang masama ang kanyang loob dahil sinasabi nga niyang sobra na ang ginagawang pambabatikos sa kanyang asawa. Pinipigil na nga niya ang sarili na kumibo bilang pakikisama, pero dumating na roon sa punto na hindi na niya kaya, lalo na’t pati ang kanyang anak ay kasali na sa …
Read More »Aktor, ikinaila ang gay movie writer na naka-live-in
NADISKUBRE raw ang isang male star dahil sa isang ginawang commercial. Hindi nila alam na nagawa niya ang commercial na iyon dahil nagkaroon siya ng koneksiyon sa isang gay movie writer na naka-live in niya noong bagets pa siya. Paano niyang maikakaila iyon, eh kilala siya ng mga kasamahan ng movie writer niyon na madalas niyang hinihintay sa isang carinderia na roon …
Read More »Sideline ni Aktor, bagsak presyo na; mula P50K naging P20K na lang
PATI mga “underground sideline” bagsak presyo na rin. Iyon daw isang male star na dati ay hindi pumapayag kundi P50K ang bayad sa sideline niya, ngayon ay payag na kahit P20K na lang. Eh kasi alam niyang wala ring kita ang kanyang mga “client”, bukod pa sa katotohanang marami ang natatakot sa mga “serbisyong walang social distancing.” Kung sa bagay, iyan ay …
Read More »Allan K at iba pang artistang may negosyo, nagdeklara na ng bankruptcy
NAGDEKLARA na si Allan K ng ganap na pagkalugi, matapos na manatiling sarado ang kanilang comedy bars na Klowns at Zirkoh, kaya kinausap na rin nila ang kanilang mga empleado. Nangako sila ng kabayaran ng lahat ng kabuuang suweldo, financial assistance at ang katiyakan na kung magbubukas silang muli ay kukunin nila ang mga dating empleado. Mahigit tatlong buwan nang nagbabayad ng upa sa …
Read More »Regulasyon sa paggawa ng pelikula ng FDCP, ikababagsak ng industriya
NAUNA nang tinutulan ng Philippine Motion Picture Producers’ Association (PMPPA), ang pinaka-unang samahan ng mga film producer sa Pilipinas, ang regulasyong gustong ipatupad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa paggawa ng pelikula, at iba pang audio visual materials. Sinabi ng PMPPA na ang regulasyon ay hindi makatotohanan at ang susundin nila ay ang bagong work code na binuo ng Inter Guild Alliance na …
Read More »