Monday , December 23 2024

Ed de Leon

John Lloyd, pinag-aagawan pa rin (Parang Aga at Richard lang)

ISA lang ang comment na narinig namin nang nagsimulang lumabas iyong isang special advertisement for Christmas ng isang relo na ginawa ni John Lloyd Cruz. Lahat sila ay nagsasabing “pogi talaga” si John Lloyd. Marami rin ang nakapansin na nagmukha pa siyang bata sa ngayon. Mukhang malaking bagay nga iyong nakapagbakasyon siya ng mahigit tatlong taon din, matapos magkaroon ng isang kontrobersiyal na …

Read More »

Aktor, handang ‘makipagkita,’ basta may G-cash

blind mystery man

MATINDI ang ilusyon ng isang dating male star na nagsimula sa isang talent search ng isang network. Nagtatawag siya sa kanyang mga kakilala, na sa palagay niya ay “may interest pa sa kanya”, at inuutangan niya ang mga iyon ng pera, na sinasabi niyang ipadala sa kanyang G Cash o sa isang on line account. Ang pangako niya ay “magma-Manila ako sa …

Read More »

TV show ni Nora, magrehistro kaya ng mataas na audience share?

nora aunor

MAY pelikulang kasali sa festival si Nora Aunor. Bukod diyan, may isang serye pa siyang tumatakbo sa telebisyon. Sa ganyang sitwasyon, masasabi mo ngang si Nora ay isang artista na may magandang exposure sa kabila ng pandemya. At iyong kanyang serye ay napapanood sa TV talaga ha, hindi kagaya niyong iba na sa internet lamang nakikita. Ang hinihintay ng tao ngayon …

Read More »

Direktor, asst director, at ilan pang production crew, nagkahawaan sa shooting ng isang pelikula

Movies Cinema

 NAALARMA na naman ang buong industriya. Nauna rito, natakot si Aiko Melendez nang mawala ang kanyang panlasa, kaya nagpa-isolate rin siya kahit na sinasabing nag-negative siya sa swab test. Nakakatakot din ang balitang kumalat na marami raw nahawa sa shooting ng isang pelikula, dahil biglang nagpositibo ang director, ang assistant niya at ang ilan pang production crew. Naalarma rin ang taping ng …

Read More »

‘Kalakaran’ sa network ni radio announcer, inilantad

MATINDI ang naging expose ng isang dating radio announcer tungkol sa mga “kalakaran” sa kanilang network noong kanyang panahon. Huwag na nating pansinin ang mga sinasabi niyang paglabag sa karapatan ng mga manggagawa. Problema na iyan ng DOLE at ng kanilang union. Ang nakatawag sa aming pansin ay ang mga kuwestiyong moral. Diretsahan niyang sinabi na maraming mga artistang lalaki na “kumakabit sa …

Read More »

Bakit wala ng pumalit kay Hilda Koronel? (Bumababa na ba ang kalidad ng ating mga artistang babae?)

NAGISING kami isang madaling araw, bukas ang aming TV, at ang palabas ay isang lumang pelikula na ang star ay si Hilda Koronel. Napakaganda ni Hilda, at napakagaling na aktres. Noon, maraming magagandang reviews sa kanyang acting kahit na sa festival sa Cannes. Ngayon tinatanong ng marami, bakit nga ba walang nakapalit kay Hilda  sa mga artista natin ngayon? Noong panahon na …

Read More »

April Boy, nagbalik-loob sa Diyos kaya mapayapang yumao

IPAGPATAWAD ninyo, pero noong mapanood namin ang ini-replay na huling interview ni Jessica Soho sa namayapang singer na si April Boy Regino, ang talagang pumasok sa isip namin ay ang awitin ng isa pang namayapang singer, si Rico Puno. Sa kanta ni Rico sinasabing, “ang tao’y marupok, kay daling lumimot sa Diyos na ang lahat siya ang nagdulot.” Iyon kasi ang inamin ni April Boy, …

Read More »

Premyo ni JR Siaboc sa Pinoy Dream Academy, ‘di pa nakukuha

NAKATATAWA ano, iyong kuwentong hanggang ngayon, nasara na’t lahat ang ABS-CBN, hindi pa pala nakukuha ni JR Siaboc ang napanalunan niya nang maging runner up sa Pinoy Dream Academy noong 2006. Hindi iyan ang first time na may narinig kaming hindi nakukuhang premyo. Maski nga sa mga beauty contest, may mga nanalong nagsasabing hindi nila nakukuha ang kanilang premyo, lalo na iyong “in kind.” Pero …

Read More »

Rep. Vilma, kinakausap na para sa 2022

UMUUGONG na naman ang mga kuwento, na may ilang partido na raw ang nagbabalak na kausapin si Congresswoman Vilma Santos para tumakbo sa isang mas mataas na posisyon sa 2022. Nagpakita na kasi ng independent mind si Ate Vi, una nang hindi siya bumoto pabor sa death penalty. Ikalawa, roon sa pagpapasara ng ABS-CBN. Doon sa death penalty, binantaan naman sila talaga ng …

Read More »

Relasyon ni Cesar kay Sandra, ‘di tago

IYONG sa case naman nina Sandra Seifert at Cesar Montano, alam na ng mga tao iyan dahil napag-usapan na iyan noon pa man. Hindi ba nakunan pa nga sila ng picture habang nasa isang eroplano papunta sa US? Doon naman nanganak si Sandra, na pinangalagaan ng isang pastor ng Seventh Day Adventist. Noong maipanganak na si Coco, nagbalik na sa Pilipinas si Sandra. …

Read More »

Mga anak ni Cesar kina Sandra at Kath, inilantad na

HINDI lang naman ang dating Miss Earth na si Sandra Seifert ang naglabas ng picture ng anak nila ni Cesar Montano, na ikinakaila pa noong una. Maging ang live-in partner ni Cesar na si Socorro Angeles naglalabas na rin ng picture ng kanilang mga anak. May tatlong anak na sina Kath (Socorro) at Cesar. Noong una, nagkabiglaan pa nang may maglabas sa Facebook ng picture ng binyag ng kanilang …

Read More »

Aktor, na-frustrate sa request na lovescene sa kaparehang aktor

blind item

FRUSTRATED ang isang gay male star, nang hindi siya pagbigyan ng director ng kanilang bading serye na lagyan ng isang mainit na love scene nilang dalawa ng leading man niyoon ang last part ng serye. Aminado ang gay male star, na medyo sumama rin ang loob niya. Kasi talagang nagkagusto siya sa poging leading man, pero alam niya hindi siya basta makalulusot doon …

Read More »

Kasalang Matteo at Sarah sa simbahan, itutuloy kapag may Covid vaccine na

KUNG may lalabas na vaccine laban sa Covid at saka na pakakasal sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa simbahan. Si Matteo mismo ang nagsabi niyan. Kasi nga gusto nilang magkaroon ng kasal na makakasama naman nila ang kanilang mga kaibigan. Pero hindi ba masasabing kasal na rin sa simbahan ang kanilang ginawa? Born again nga lang. Kung sila ay pakakasal sa simbahang Katoliko, …

Read More »

Tekla, susustentuhan pa rin ang anak; Pamilya ni Michelle, kasali pa kaya?

NAGKAUSAP at nagkasundo na si Tekla at ang dati niyang live-in partner na si Michelle Banaag nang magtungo sa ospital ang komedyante nang dalhin doon si Angelo dahil sa pneumonia. Maliwanag naman ang kasunduan. Mananatili sa pangangalaga ni Michelle ang bata, dahil ganoon din naman ang itinatakda ng batas na hindi ihihiwalay sa ina ang isang batang maliit pa, pero susustentuhan ni Tekla ang lahat ng …

Read More »

Aktor, certified bading: Proof, may BF na foreigner

blind mystery man

HANGANG-HANGA sila sa isang actor na napakagaling daw umarte, lalo na sa role niya ngayon na gumaganap siyang isang bading. Para raw totoo sabi pa ng ilang nakapanood na. Eh bakit naman hindi magiging parang totoo, eh totoo namang bading iyan. Una naming narinig na may boyfriend iyang foreigner sa social media. May mga picture pa silang magkasama niyong foreigner, at may …

Read More »

Angelica bawing-bawi, panalo ang BF na isang Australian executive

SINASABI nga na kung malalaking dagok ang dumarating sa buhay mo, tiyak na pagbawi mo naman ay todo rin ang ligaya mo. Baka nga sakaling ganyan ang mangyari kay Angelica Panganiban. Isipin ninyo iyong dagok sa buhay niya nang matapos ng ganoon na lang ang anim na taong relasyon nila ni Derek Ramsay. Tapos mas matinding dagok pa nang magkahiwalay silang muli …

Read More »

John Lloyd, tiyak na ang pagbabalik-showbiz

NAKITA namin ang mga picture ng sinasabing naging bonding nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Mukha ngang matutuloy na ang kanilang gagawing project at sa totoo lang naman, pareho nilang kailangan ang ganoong bakasyon. Matindi ang pinagdaanang controversy ni Bea na may kinalaman sa kanyang lovelife. Matindi rin naman ang nangyari sa love life ni John Lloyd. Isipin ninyong tinalikuan ni John …

Read More »

Dating matinee idol, mukha ng luoy

MUKHANG tumaba, wala sa ayos ang hitsura, medyo tumanda na rin ang dating ng dating sikat na sikat at poging-poging matinee idol noong araw. Makalipas lamang ang mahigit na isang taon, nalaos siyang bigla at ngayon nakagugulat na ganoon na nga ang hitsura niya. Mukha nang luoy. Siguro dahil marami ngang problema dahil wala na siyang career. Bukod doon, nagumon kasi siya …

Read More »

Post ni Markus na picture nila ni Janella, pinag-usapan

MULA sa UK, muling nag-post sa kanyang social media account si Markus Paterson ng isang picture na kasama niya si Janella Salvador. Talagang inaamin naman nila na magkasama silang dalawa sa UK, at kasama rin doon ang pamilya ni Janella. Ang hindi lang naman nila inaamin ay iyong nababalitang buntis si Janella at nanganak na noong nakaraang buwan sa UK. Pero sa bagong …

Read More »

Third party, dahilan ng hiwalayang Derek at Andrea

Andrea Torres Derek Ramsay

SINASABI ng isang mapagkakatiwalaan naming source, “may third party, na siyang dahilan ng split-up nina Andrea Torres at Derek Ramsey.” Reliable source siya para sa amin, at kung hindi nga totoo ang tsismis niyang ito, ngayon lang siya magkakamali. Hindi pa rin naman kasi opisyal na umaamin sina Derek at Andrea na split na nga sila, bagama’t inalis na ni Andrea sa …

Read More »

‘Personal na pangangailangan’ ni actor, naisusuplay ni Beking actor  

DAHIL pilit pa rin ngang itinatago ng actor ang kanyang relasyon sa isang aktres dahil sa mga naunang controversy ng sulutan, hindi sila masyadong makapagkita. At ang tsismis, dahil bihira ngang magkita ang actor at ang girlfriend niyang aktres, ang “nagtatagumpay” ay ang isang beking male star na kaibigan ng actor. Madalas daw kasing ang beking male star ang napagbabalingan ng actor sa kanyang “personal na …

Read More »

DepEd, hugas-kamay sa body shaming kay Angel

NAG-APOLOGISE na ang DepEd kay Angel Locsin, dahil sa body shaming na ginawa sa kanya sa isang learning module na nagsasabing siya ay “obese” o kung isasalin sa Tagalog ay “napakataba.” Binanggit pang si Angel kasi ay walang ginawa kundi kumain sa isang fast food chain, at tapos ay nakaupo lamang sa bahay at nanonood ng telebisyon. Pero hindi rin nagustuhan ni Angel …

Read More »

Sunshine, umiiwas mapolitika at matsismis (Tulong sa Cagayan, idadaan na lang sa charitable institution)

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si Sunshine Cruz. “Talagang naiyak ako noong makita ko iyong video ng baha. Kawawa ang mga tao sa Cagayan,” sabi ni Sunshine. Iyon ang dahilan kung bakit on her own, gusto niyang humingi ng tulong sa ibang mga tao para makapagpadala ng tulong sa Cagayan. “Pero hindi ko naman iyon maasikaso mag-isa. Wala akong ability na maipadala iyon sa Cagayan, at saka …

Read More »

Donnalyn, bumili ng mga bangkang pang-rescue

MAYROON pang isang kuwentong ikinabigla namin. Ang artista, blogger, at rapper na si Donnalyn Bartolome ay naghanap ng mga rescuer na marunong sumagwan at lumangoy, para makatulong sa rescue operations sa Marikina at sa Rizal, at handa siyang bayaran ang serbisyo ng mga iyon. Bukod doon, bumili siya ng mga bangka na magagamit sa rescue. Mayroon namang mabubuti ring loob na nagsabing sila …

Read More »