HATAWANni Ed de Leon INAAMIN naming dahil ang napanood lang ay ilang video clips ng FAMAS dahil hindi naman kami talagang mahilig manood ng awards night, lalo at sa internet lang palabas. Hindi kompleto ang aming detalye. Nasabi naming ipinagkaloob ng FAMAS kay Vilma Santos ang kanyang ikatlong Circle of Excellence award bilang isang aktres pero hindi namin nabanggit na ang kanyang leading man na …
Read More »Television/event host gigil sa baho ng male starlet
HATAWANni Ed de Leon MAY isang television at event host na pilit kaming pinaaamin kung ano ang nalalaman naming baho ng isang male starlet. Una niyang gustong malaman kung kani-kanino na nga raw bang gay sumabit iyon? Gusto rin niyang malaman kung ang male starlet ba ay gay. Kami ang tinatanong niya dahil may nagsabi raw sa kanya na ang male starlet …
Read More »Manager ni Ogie na si Leo Dominguez namaalam na rin
NAUNA lang ng isang araw kay direk Carlo Caparas, namatay naman ang talent manager na si Leo Dominguez. Natatandaan naming una naming nakita iyang si Leo batambata pa na tagahanga ni Snooky kung hindi kami nagkakamali. Tapos ang mga sumunod naming encounter ay manager na siya ni Ogie Alcasid at iba pang mga artista.Naging mahusay namang talent manager si Leo kaya dumami rin ang kanyang talents. Hindi …
Read More »Peach sa amang si direk Carlo Caparas: pack up na
HATAWANni Ed de Leon NAGULAT kami nang may biglang tumawag sa amin at nagtatanong kung totoo ba ang narinig nilang namatay na raw si direk Carlo Caparas. Hindi kami makasagot dahil wala rin naman kaming balita tungkol kay Carlo simula noong magpasya siyang mag-retire sandali sa showbusiness matapos na yumao rin ang kanyang asawang si Donna Villa. Ang balita namin si Carlo …
Read More »Alden tinuligsa sa pagalit, pasigaw na pagho-host sa MUPH
HATAWANni Ed de Leon USAP-USAPAN ngayon ang tila “galit daw” na tono ni Alden Richards habang tinatawag ang mga nakapasok sa finals ng Miss Univere Philippines. Sa tingin namin, hindi naman galit si Alden dahil nakangiti pa nga siya, siguro dahil din iyon sa excitement kaya naisisigaw niya ang mga bayang kinakatawan ng mga finalist. Mahirap din ang mag-host ng isang live pageant. …
Read More »Gay photog naunahan kay male starlet ni discreet gay
ni Ed de Leon HINAYANG na hinayang ang isang gay photographer dahil matagal daw na panahon na panay ang pictorial niya sa isang male starlet na ngayon ay nagti-tiktok na. Pogi naman kasi talaga ang Tiktoker at malaki talaga ang nagasta ng photographer na gay dahil maya’t maya ang pictorial niya at binabayaran pa iyon bilang model dahil ang studio niya ay malayo rin. …
Read More »Sunshine parang si Vilma habang nagkaka-edad lalong nagmumukhang bata
HATAWANni Ed de Leon GRABE talaga ang mga troll. May nagsasabi ngayon na hindi na raw yata nahihiya si Sunshine Cruz dahil may edad na ay umaasal pang parang bagets pati sa kanyang pananamit at ayos. Pero kung gagamitin lang nila ang utak nila at mga kung wala pa silang kulaba sa mata mukha ba namang may edad na si Sunshine? …
Read More »Ate Vi, Charo, Pip, Boyet advisers ng Aktor
HATAWANni Ed de Leon KAYA pala nagmamadali si Vilma Santos noong magkaroon sila ng showing at talk back ng pelikulang Bata, Bata…Pa’no Ka Ginawa? sa Metropolitan Theater ay dahil nangako siyang sisipot sa general assembly ng Aktor na ginaganap din noong hapong iyon. Ang dami pang gustong magtanong kay Ate Vi after all, sa lahat yata ng talk back na pinuntahan niya iyon ang may pinaka-malaking …
Read More »Poging male starlet tinablan, tinotoo kising scene kay male star
ni Ed de Leon NATAWA kami sa kuwento ng isang male star na gumawa at sumikat sa isang gay series. May ginagawa kasi siyang bagong serye sa ngayon at ang kasama niya ay isang poging male starlet na nakagawa na rin naman ng gay series. Pero ang image ni pogi, playboy hinahabol ng mga babae bukod sa mga bading at ang image talagang straight. …
Read More »Ate Vi muling pinuno ang MET; SRO sa Bata Bata Paano Ka Ginawa
HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN naming kakaiba ang ngiti ng mga tao sa Metropolitan Theater noong isang araw nang dumating kami roon. Late kasi kaming dumating at ang inabot naming usapan nila, “Isipin mo si Vilma lang pala ang makakapuno ulit sa MET.” Pagdating namin, sinabi nila sa amin na nasa loge section si Ate Vi, “pero hindi na namin …
Read More »Heart super proud kay Chiz habang nanunumpa bilang Senate President
HATAWANni Ed de Leon TAAS noo si Heart Evangelista habang sinasaksihan ang panunumpa ng asawa niyang si Chiz Escudero bilang bagong pangulo ng Senado. Isa iyan sa pinaka-mataas na posisyon sa gobyerno. Pinangarap din iyan noon ng tatay ni Chiz pero hindi inabot. Pinangarap din iyan ng asawa ni Sharon Cuneta pero hindi nakalusot at naging simula pa ng hidwaan nina Sharon at Sen Tito Sotto na sinasabing …
Read More »Nora Aunor ‘di pwedeng pintasan noon; Kasikatan tuluyan na bang naglaho?
HATAWANni Ed de Leon NATATANDAAN namin taong 1969 nang magsimula kaming magsulat, matindi ang popularidad noon ni Nora Aunor. Noong panahong iyon, para bang si Nora lang ang “anak ni Diyos.” Wala pa si Quiboloy noon. Hindi mo puwedeng pintasan si Nora, una, hindi rin iyon ilalabas ng editor mo dahil baka magalit ang fans at wala nang bumili ng babasahin ninyo. Ang …
Read More »Jericho nanood ng pelikula sa Cannes
HATAWANni Ed de Leon TINGNAN mo nga naman. Nasa Cannes Film Festival din pala si Jericho Rosales at nakita pa siyang nanood ng premiere ng The Surfer, iyong pelikula ni Nicholas Cage. Ang daming artistang Filipino ngayong nakikita sa Cannes, kasi kung wala pa rin nga naman silang ginagawa rito at may pera naman sila, hindi kailangang mamalimos ng pamasahe papunta roon. Bakit nga ba hindi sila pupunta …
Read More »Joshua sa pakikitambal kay Anne, nakatitiyak pagganda ng career
HATAWANni Ed de Leon MAS mabuti pa ang lagay ngayon ni Joshua Garcia, at least mayroon siyang isang serye na kasama si Anne Curtis. Tiyak na mayroon siyang pansalo kung sakali man at hindi kagatin ang tambalan nila ni Julia Barretto. Kung wala iyang serye nila ni Anne marami ang humuhulang pagkatapos ng pagtatambal nila ni Julia malamang na balolang ang career ni …
Read More »Alden part na ng family ni Kathryn, present sa despedida
HATAWANni Ed de Leon ABA tingnan ninyo present din si Alden Richards sa despedida para sa kapatid ni Kathryn Bernardo. Kasama pa siya sa picture ni Kuya Kev at Ate Shenen ni Kathryn, at walang ibang artistang present sa despedida. Part of the family na ba talaga ang turing nila kay Alden? At si Alden naman na napaka-pribado ng buhay ngayon ay nakikita na sa mga ganyang …
Read More »Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF
ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin alam na may isang male model na nagpakasal din sa abroad sa isang Pinoy showbiz personality. Matagal naman silang magkasundo at walang problema hanggang sa ang gay showbiz personality na rin ang humimok sa male model na magkaroon ng girlfriend at magkaroon ng anak. “Paano kung tumanda …
Read More »Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho
HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down sa kanyang mga ginagawa para mapag-isipang mabuti at mabigyang panahon ang iba pang mga pangarap niya sa buhay, Labis ang kalungkutan ni Heart nang tumigil umano ang pagtibok ng puso ng isang inaasahan nilang anak na lalaki na tinawag niyang Francisco. Hindi naman buntis si Heart, …
Read More »‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie
HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang sabihin ni Queenie Padilla na hiniwalayan na niya ang asawang Pakistani matapos ang 11 taong pagsasama. Umingay na naman ang mga troll. May nagsasabing dalawang anak na babae na raw ni Robin Padilla ang iniwan ng asawa at ang bintang nila karma raw iyon dahil sa ginawa rin ni …
Read More »Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles
HATAWANni Ed de Leon MGA ilang taon na rin ang nakararaan, may isang abogado na nagsabing siya ay kumakatawan sa samahan ng mga bakla at tomboy sa Pilipinas na nagharap ng kaso sa Korte Suprema na nagsasabing dapat daw kilalaning legal dito sa Pilipinas ang pagpapakasal ng mga bakla at tomboy. Pero wala halos basehan iyon dahil ni wala pang …
Read More »Male starlet may mga picture, video na hubo’t hubad na nasa pag-iingat ng baklang syota
HATAWANni Ed de Leon TUWANG-TUWA ang fans ng isang male starlet kung napapanood siyang nagsasayaw, lalo’t may mga sexy step siya o ipinakikita na ang katawan sa pagsasayaw. Dahil pogi naman talaga, pinagkakaguluhan siya ng mga babae at baklang fans. Pero ano kaya ang magiging reaksiyon ng kanyang fans kung makikita nila ang kanyang mga picture na hubo’t hubad at may kasama …
Read More »KC nagpasalamat, nangako aalagan si Sharon
HATAWANni Ed de Leon KAHIT na sinabi ni Sharon Cuneta nang diretsahan na hindi sila nagkakasundo ng kanyang panganay na si KC, nagpahayag naman ang huli ng kung gaano siya nagpapasalamat sa kanyang ina sa ginawang pagpapalaki sa kanya at sa mga nairegalo niyon sa kanya na hindi niya makalimutan. Sinabi rin ni KC na kung dumating ang panahon na matanda na ang …
Read More »Kylie inamin mahirap pagiging single mother
HATAWANni Ed de Leon MAY post si Kylie Padilla noong Mothers’ Day, kasama ang dalawa niyang anak. Inamin niya mahirap ang maging single mother sa kanilang dalawang boys. Hindi nga raw niya malaman kung minsan kung tama ba o mali ang pagpapalaki niya sa kanila, kung masyado ba siyang mahigpit o maluwag naman sa disiplina. Iba nga naman iyong may katuwang ka …
Read More »Dingdong at Marian naisnab, naisahan
HATAWANni Ed de Leon MUKHANG naisahan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kahit na sinasabing ang pelikula nilang Rewind ang highest grosser noong 2023, na-dingdong sila nang ang ideklarang Box Office Queen ay si Kathryn Bernardo para sa A Very Good Girl at Box Office King naman si Alden Richards para sa Five Breakups and a Romance. Kapwa nailabas iyan na kumita naman pero hindi naging smash hits. In fact, kabilang iyan sa …
Read More »Male starlet boytoy ng magkakaibigang bading
ni Ed de Leon TANGGAP na ng isang male starlet na siya ay boytoy na ng mga kaibigan niyang bading. Nakukuha naman niya sa kanila ang lahat ng luhong gusto niya, natural kailangang palitan niya ang lahat ng kanyang nakukuha. Hindi lang isa kundi isang grupo ang mga bading na nagpapasa-pasa sa kanya. Wala namang gulo sa mga bading, basta sa kanila they take …
Read More »Sharon inamin ‘di nila pagkakasundo ni KC
HATAWANni Ed de Leon FINALLY inamin na ni Sharon Cuneta na mayroon nga silang hindi pagkakasundo ng kanyang anak na panganay na si KC Concepcion. Pero sinabi naman niyang iyon ay personal at kung ano man ang hindi nila napagkakasunduan, sa pamilya na lang nila iyon at hindi naman dapat na inilalantad pa sa publiko. Iyon din daw sinasabi pa sa iba niyang anak …
Read More »