Saturday , November 23 2024

Cynthia Martin

Fake news giit ni Go

IPINALIWANAG ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na biktima siya ng “fake news” kaugnay sa pagkakadawit sa kontrobersyal na frigate deal. Sa imbestigasyon ng Senado, binigyang diin ni Go na hindi siya nakialam sa kontrata at natapos na ang bidding noon pang bago natapos ang termino ng nakaraang administrasyon. Aniya, kaya nais niyang ipatawag din sa Senado …

Read More »

HHI blacklisted sa South Korea (Contractor ng PN frigate project)

yundai Heavy Industries hHI

LUMABAS sa pagdinig ng Senado na may kinahaharap na kaso sa South Korea ang contractor ng Philippine Navy Frigate project, ang Hyundai Heavy Industries Co. Ltd ( HHI). Sa naturang pagdinig, ibinulgar ni Senador Panfilo Lacson na na-convict ng South Korean court ang HHI, at ban o blacklisted sa pagpasok ng anomang kontrata. Kinuwestiyon ni Lacson ang local representative ng HHI …

Read More »

Digong kasuhan sa ill-gotten wealth (Himok ni Koko kay Trillanes)

HINIMOK ni Senate President Koko Pimentel si Senador Antonio Trillanes IV na magsampa ng kaso sa korte hinggil sa alegasyong tagong yaman ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Ayon kay Pimentel, kung talagang may hawak na ebidensiya si Trillanes hinggil sa mga kuwestiyonableng bank accounts ng presidente, ay ihain ito sa korte. Paliwanag ng senador, una na itong ginawa ni Trillanes …

Read More »

Fake news sa PNA, PIA inamin ni Andanar

INAMIN ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang kanilang pagkamamali sa nailabas na sa fake news sa Philippine News Agency (PNA) at Philippine Information Agency (PIA). Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe, hindi itinanggi ni Andanar ang pagkakamali ng kanyang ahensiyang pinamumunuan, sa paglalabas ng maling …

Read More »

Faeldon inilipat sa Pasay City Jail

DINALA na sa Pasay City Jail si dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon kahapon ng tanghali. Dumating si Faeldon kasama ang mga tauhan ng Office of Sergeant at Arms ng Senado at ipinasok sa loob ng Male Dormitory ng Pasay City Jail, dakong 12:02 ng tanghali. Si Faeldon, nakasuot ng itim na t-shirt na may nakalagay  na “Truth is …

Read More »

STL/Jueteng namamayagpag sa CamSur (PCSO ID, uniform ginagamit) – Gov

ISINIWALAT ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte na ang STL operation ay ginagamit sa ilegal na operasyon ng jueteng partikular sa kanilang probinsiya. Inihayag ito ni Villafuerte sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson, hinggil sa sinasabing sa bonggang Christmas party ng PCSO, at sa alegasyong front ang STL ng …

Read More »

Pagdinig sa PCSO ‘party’ kinansela ng Senado

KINANSELA ang pagdinig ng Senado hinggil sa bonggang Christmas Party ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na itinakda ngayong Miyerkoles, 17 Enero. Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, pinuno ng Senate Committee on Games and Amusement, sasabay ito sa nakatakdang muling pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado hinggil sa pag-amiyenda ng Saligang Batas sa pa-mamagitan ng Constituent Assembly. Nitong Lunes pormal …

Read More »

Walang puwedeng magdikta sa Senado (Kahit si Digong) — Sen. Lacson

KINONDENA ni Senador Panfilo Lacson ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mabagal ang Senado at tila pinamamadali sa pagsusulong ng pag-amiyenda ng batas patungo sa Federalismo. Iginiit ni Lacson, walang sinoman ang maaring magdikta sa Senado sa mga ginagawa nitong mandato. Aniya, hindi maaaring diktahan ni Alvarez o ni Senate President Aquilino Pimentel III o ni Pangulong Rodrigo …

Read More »

Kalidad ng internet gaganda na (Sa Open Access in Data) — Bam

NANINIWALA si Senador Bam Aquino na gaganda ang kalidad ng internet sa bansa at bababa ang presyo sakaling maipasa ang panukalang Open Access in Data. Paliwanag ni Aquino, ang naturang panukala ang siyang mabubukas sa industriya ng data service provider sa bansa. Suportado ni Aquino ang naturang panukala dahil naniniwala siya na maraming papasok na mga service provider na kompanya …

Read More »

Political career ni Bato nakasalalay sa BuCor

NANINIWALA si Senadora Cynthia Villar, nakasalalay ang political career ni PNP chief, Director General Ronald Bato Dela Rosa sa magiging performance niya sa Bureau of Corrections sakaling maging hepe o director ng BuCor. Ayon kay Villar, kung may plano si Dela Rosa na tumakbong senador sa susunod na halalan, dapat pagbutihin niya ang trabaho at maresolba ang matagal nang problema …

Read More »

Disbarment sa Aegis frat members ok sa senado

PABOR ang ilang mambabatas sa nais ng pamilya ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III, na hainan ng disbarment ang mga abogadong sangkot sa cover-up sa initiation rites ng Aegis Juris fraternity. Ito ay kaugnay sa Facebook chat ng frat members hinggil sa kung paano itatago ang pagkamatay ni Atio sa initiation rites. Ito ay kasunod ng pahayag …

Read More »

Sen. Villar nagbigay ng tulong sa OFWs

NAGBIGAY ng tulong si Senadora Cynthia Villar sa pamilya ng OFWs na bumalik sa bansa. Ito ay makaraan dumanas ng iba’t ibang pagmamaltrato sa kanilang mga amo sa ibang bansa. Sinabi ni Villar, ang tulong pinansiyal at sari-sari store package ay malaki ang maitutulong upang makapagsimula sila ng bagong buhay. Lubos na nagpasalamat kay Villar ang pinakahuling beneficiaries ng assistance program ng …

Read More »

2 pulis itinuro ng taxi driver (Sa pagpatay kay Arnaiz)

ITINURO ng taxi driver na sinasabing hinoldap nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman, ang dalawang pulis na siyang bumaril kay Arnaiz. Sa pagdinig sa Senado, sinabi ng taxi driver na si Tomas Bagcal, kitang-kita niya nang barilin nina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita si Arnaiz habang nagmamakaawa at nakaluhod. Naunang isinalaysay ni Bagcal, makaraan nilang mahuli …

Read More »

6 suspek sa Atio hazing slay itinuga ni Solano (Sa Senate executive session)

INIHAYAG ni Senador Juan Miguel Zubiri na pinangalanan ni John Paul Solano sa executive session ng Senado ang anim niyang ka-brod sa Aegis Juris Fraternity na inabutan niyang nasa lugar na kinatagpuan sa walang malay na si UST law student Horacio Tomas “Atio” Castillo III. Gayonman, binigyang-diin ni Zubiri, hindi maaaring ilantad sa publiko ang pangalan ng anim miyembro ng …

Read More »

Panawagan ng 16 senador kay Digong: Pagpatay sa minors itigil

NANAWAGAN ang mga mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang walang kapararakang pagpatay sa mga kabataan o menor-de-edad. Napag-alaman, 16 sa 23 senador ang lumagda sa Senate Resolution 516, nananawagan sa administrasyong Duterte “to undertake the necessary steps to stop the senseless killing, especially of our children and to conduct an inquiry, in aid of legislation, to determine the …

Read More »

Bilyong budget sa SSF project ng DTI pinaboran ni Legarda

INUUSISA ni Senate Committee on Finance chairperson Senator Loren Legarda si Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan tungkol sa 2018 proposed budget ng CHEd sa pagdinig sa Senado kahapon. (MANNY MARCELO) PINABORAN ni Senadora Loren Legarda ang pagbibi-gay ng bilyong budget sa Shared Service Facilities (SSF) Project ng Department of Trade and Industry (DTI), naglalayong madagdagan ang productivity ng micro, …

Read More »

Mushroom production training muling inilunsad

INILUNSAD muli ang mushroom production training ng Senate Committee on Agriculture at Villar SIPAG Farm School sa Bacoor City, Cavite. Kaugnay nito, hinimok ni Senadora Cynthia Villar ang mga nais sumali sa two-month training tuwing Martes, 8 am-12 noon. Ang training partner para sa mushroom production training ay Myrna’s Miraculous Mushroom na nagmula sa Trece Martires City, Cavite. Ang trainors ang magtuturo sa mushroom …

Read More »

Tattoo ni Pulong target ni Sonny T. (Miyembro ‘daw’ ng triad)

IBINUNYAG ni Sen. Antonio Trillanes II, na coded ang tattoo ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, bilang miyembro ng triad. Ayon kay Trillanes, nangangailangan ito ng ‘validation’ kung papayag si Duterte. Sa paraang ito aniya ay malilinis ng bise alkalde ang kanyang pangalan, ngunit kung siya ay tunay na kasapi ng tagong grupo ay tiyak na itatago ang nasabing …

Read More »

Vice Mayor Polong, Atty. Mans Carpio umeeksena sa BoC (Alegasyon ni Trillanes)

PINARATANGAN ni Senador Antonio Trillanes IV si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at ang bayaw niyang si Atty. Mans Carpio nang pag-eksena sa Bureau of Customs (BoC). Sinabi ni Trillanes, inamin ni Customs Intelligence and Investigation Services chief, Col. Neil Anthony Estrella, sa pagdinig sa Senado na nagtungo nga noon si Atty. Mans Carpio sa tanggapan ni dating Customs …

Read More »

Pagbuwag sa Customs ayaw ni Drilon

MATINDI ang pagtutol ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon sa ideyang buwagin ang Bureau of Customs (BoC), sa harap ng mga kontrobersiyang bumabalot sa naturang tanggapan. Ayon kay Gordon, ito ay parte ng gobyerno at isa ito sa mga pinagkukuhaan ng pondo ng pamahalaan. Giit ni Gordon, palitan na lang ang mga opisyal ng BoC, lalo na …

Read More »

Driver ng Uber at Grab huwag ipitin — Sen. Poe

  NANINIWALA si Senadora Grace Poe, hindi dapat maipit ang mga driver ng Uber at Grab sa diskusyon ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), at ng Transport Network Vehicle Services (TNVS). Ayon kay Poe, ang mga driver ng Uber at Grab ay nakapag-invest ng kanilang oras at pera, at matagal nang bumibiyahe at pinangakuan na mabibigyan ng ‘certificate …

Read More »

WBO kinuwestiyon ng GAB sa PacMan vs Horn fight (Dapat agad tugunan — Sen. Pacquiao)

NAIS ni Senador Manny Pacquiao na madaliin ng World Boxing Organization (WBO) ang pagtugon sa hiling na paliwanag ng Games and Amusement Board (GAB) na kumukuwestiyon sa mga aksiyon ng referee at judges sa kanilang laban ni Jeff Horn. Ayon kay  Pacquiao, hindi niya intensi-yong mabaliktad ang resulta ng championship match kundi nag-aalala lamang siya na baka masira ang kredebilidad …

Read More »

Paghingi ng tulong ni Aguirre sa Interpol kinondena ni Trillanes (Para maaresto si Lascañas)

KINONDENA ni Senador Antonio Trillanes IV ang naging direktiba ni Department of Justice ( DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation ( NBI), na makipag-coordinate sa Interpol para sa pag-aresto kay dating SPO3 Arturo Lascañas. Ayon kay Trillanes, maliwanag na panggigipit ang ginagawa ni Aguirre sa mga testigo na nagpapahayag ng laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, kitang-kitang …

Read More »

Dokumento sa trabaho dapat libre (Sa new graduates)

LIBRENG birth cerfiticate, passport, TIN ID, barangay at NBI clearance ang dapat itulong ng gobyerno sa mga bagong graduate sa kolehiyo, upang mapagaan ang mga posibleng gastusin sa paghahanap nila ng trabaho. Ayon kay Senador Sonny Angara, ito ang dapat na Bill of Rights for New Graduates, upang matulungan ang mga katatapos ng kolehiyo na makapaghanap ng trabaho o makapagtayo …

Read More »

Hindi ako takot sa banta ni Calida — Trillanes

HINDI ako matatakot! Ito ang binigyang-diin ni Senador Antonio Trillanes IV, sa naging banta ni Solicitor General Jose Calida. Unang inihayag ni Calida, pag-aaralan niya ang posibleng kaso laban kay Trillanes dahil sa mga batikos kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Trillanes, ipagpapatuloy niya ang nasimulan niyang pagbubulgar laban kay Duterte, na pawang katotohanan, kabilang ang paggamit sa kapangyarihan. Kasabay …

Read More »