Sunday , April 21 2024

Bilyong budget sa SSF project ng DTI pinaboran ni Legarda

INUUSISA ni Senate Committee on Finance chairperson Senator Loren Legarda si Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan tungkol sa 2018 proposed budget ng CHEd sa pagdinig sa Senado kahapon. (MANNY MARCELO)

PINABORAN ni Senadora Loren Legarda ang pagbibi-gay ng bilyong budget sa Shared Service Facilities (SSF) Project ng Department of Trade and Industry (DTI), naglalayong madagdagan ang productivity ng micro, small and medium enterprises o MSMEs para sa pagbibigay ng access sa maa-yos na kaalaman sa teknolohiya, kakayahan at maging sa pamamaraan.

Sa pagdinig ng 2018 budget ng DTI, hinimok ni Legarda ang naturang ahensiya na suportahan ang “nano” enterprise maging ang may kapital na P50,000 o mas mababa sa naturang halaga.

“It is important for us to recognize and support the efforts of all our entrepreneurs. These are Filipinos who lead a good life. Through these facilities, we also give them better opportunities to enrich themselves, while providing for their families,”  ayon kay Legarda.

Hiniling din ng mambabatas, bilang chairman ng Senate Committee on Finance, sa DTI na tulungan ang state universities and colleges o SUCs sa kanilang livelihood projects.

(CYNTHIA MARTIN)





About Cynthia Martin

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *