Sunday , November 17 2024

Bong Son

PORMAL nang inihain ni Senador Antonio Trillanes IV ang kanyang Certificate of Candidacy (CoC) kaugnay ng kanyang pagtakbo bilang Bise Presidente sa darating na 2016 elections. Bukod sa mga tagasuporta at mga kaibigan, kasama rin niyang naghain ang kanyang maybahay na si Arlene Trillanes at Magdalo Partylist Reps. Gary Alejano, Francisco Acedillo, at Manuel Cabochan. (BONG SON)

Read More »

IPINAPAKITA ni Rep. Mark Villar ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa muling pagtakbo bilang congressman ng Las Piñas sa ilalim ng  Nacionalist Party. (BONG SON)

Read More »

UMABOT sa 12 katao ang sugatan, kabilang ang dalawang kritikal ang kalagayan sa pagamutan, makaraang mahulog ang isang pampasaherong jeep sa Lagusnilad underpass sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw. (BONG SON)

Read More »

NAG-ALAY ng bulaklak si Jerry Yap, national chairman ng Alab ng Mamamahayag (ALAM), sa paanan ng momumento ni Don Chino Roces, sa makasaysayang Mendiola Bridge, San Miguel, Maynila, kahapon ng umaga, bilang paggunita sa kanyang ika-27 anibersaryo (Setyembre 30, 1988) ng kamatayan. Si Don Chino, tawag ng mga kaibigan at kakilala ni Roces sa kanya, ang founder ng The Manila …

Read More »

Ginawaran ni Hataw Entertainment Editor Maricris Valdez-Nicasio ang napiling Miss HATAW na si No.11 Ms Judea Baawa ng Tabuk City, Kalinga sa katatapos na Pinay Beauty Queen Academy 2015 na ginawa sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila handog ng llustria Films. Itinanghal na  Pinay Beuaty Queen Academy 2015 si (#9) Yesley Cabanos ng Caloocan City samantalang ang …

Read More »

SINAMPAHAN ng kasong smuggling sa Department of Justice (DoJ) nina Bureau of Customs Commissioner Alberto Lina at Deputy Commissioner Arturo Lachica ang importer at broker ng Real Top Enterprises bunsod ng P13.6 milyong smuggled na asukal mula sa China. (BONG SON)

Read More »

SINALUBONG ng kilos-protesta ng League of Filipino Students (LFS) sa Mendiola, Maynila ang pagbubukas ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at Second Structural Ministerisal Meeting (SRMM). Hiniling ng grupo na ibasura ang APEC na mistulang ibinebenta ang Filipinas sa mga banyagang korporasyon. Ang protesta ay kaugnay rin sa isinasagawang isang buwan pagdiriwang ng grupo para sa kanilang ika-38 anibersaryo. (BONG SON)

Read More »

MASAYANG kinausap ni NCRPO chief, Chief Supt. Joel Pagdilao ang mga tauhan ng Manila Police District Station 5 nang makita ang mga pulis na nakasuot ng High Visibility Vest makaraang maging panauhin ng Media Forum sa Luneta Hotel. (BONG SON)

Read More »

ORTEGA MURDER CASE. Humingi ng tulong ang pamilya Ortega sa tanggapan ng Department of Justice (DoJ) para sa hustisya sa pinaslang na si Doc. Gerry Ortega. Kasabay nito, nanawagan ng lagda ang pamilya sa inilunsad nilang campaign drive upang makombinsi ang DoJ na bigyang atensiyon ang kaso na umabot na ng limang taon ngunit hindi pa rin nahuhuli ang suspek …

Read More »

IPINAKILALA ni Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Chairman Virgilio Almario sina Junley Lazaga, Kristian Cordero, John Iremil Teodoro ilan sa mga awtor na may kontribusyon sa Panitikang Rehiyonal sa Paglulunsad ng Aklat ng Bayan na ginanap sa Marble Hall ng Pambansang Museo sa Padre Burgos Drive, Ermita, Maynila, kahapon (BONG SON).

Read More »

HINAMON ni Chrisler Cabarrubias, chairman ng Confederation of Guardians in the Phillipines, at ng iba pang mga miyembro nito, ang mga opisyales ng Bureau of Customs na buksan na ang hinihinalang 89 smuggled container vans mula China na ilang linggo nang nakatengga sa BOC, sa isang press conference sa Parañaque City. (BONG SON)’

Read More »

KINOMPISKA sa mga tindahan sa Divisoria, Maynila ng sanitation officer ng Manila Health Department kasama ang mga kasapi ng EcoWaste Coalition ang mga pamatay lamok na hindi nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA) dahil sa masamang epekto sa kalusugan ng tao. Ang nabanggit na insecticides ay mula sa China. (BONG SON)

Read More »

TUBIG BUMULWAK. Pinagkaguluhan ng mga residente na may kanya-kanyang dalang timba, ang bumulwak na tubig mula sa malaking tubo na tinamaan habang kinukumpuni ng Maynilad sa kahabaan ng Moriones kanto ng Road 10, Tondo, Maynila. (BONG SON)

Read More »

ABALA na sa pag-iipon ng tubig ang ilang mga residente na matatamaan ng water interruption kaugnay sa ginagawang malaking water line sa Hermosa St., Tondo, Maynila. (BONG SON)

Read More »

BEAUTIES AND THE BEST. Binisita ng mga kalahok sa PINAY BEAUTY QUEEN Academy, ang pinakamagandang reality TV show na mapapanood sa GMA News TV 11 tuwing Sabado at Linggo, dakong 5:30-6:00 p.m., si JSY publisher JERRY YAP bilang pasasalamat sa pakikipagtaguyod ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan, sa nasabing programa. (BONG SON)

BEAUTIES AND THE BEST. Binisita ng mga kalahok sa PINAY BEAUTY QUEEN Academy, ang pinakamagandang reality TV show na mapapanood sa GMA News TV 11 tuwing Sabado at Linggo, dakong 5:30-6:00 p.m., si JSY publisher JERRY YAP bilang pasasalamat sa pakikipagtaguyod ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan, sa nasabing programa. (BONG SON)

Read More »

ITINUTURO ni Dr. Purificacion Delima, Full-time na Komisyoner sa Ilokano ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kasama sina Dr. Benjamin Mendillo at G. John Enrico Torralba na kapwa officer-in-charge sa Edukasyon at Networking, ang logo ng pahayagang HATAW bilang isa sa mga huwarang diyaryo pagdating sa pagpapalaganap ng wastong paggamit ng Wikang Filipino sa pagbabalita sa ginanap na Kapihang Wika …

Read More »

KFR suspects nasakote ng NBI – Bong Son

NASAKOTE ng mga tauhan ni National Bureau Investigation Director Virgilio Mendez sina Francisco Quiamko at Rammel Relos, mga suspek sa pagdukot sa biktimang si Teodorico Ozaeta, negosyante ng Lipa City, Batangas. Itinuturong utak sa pagdukot sa negosyante ang pinsan ng biktima na si Walter Ozaeta, kasalukuyang pinaghahanap pa ng mga awtoridad. (BONG SON)

Read More »

MASAYANG ipinagdiwang ng mga penguin ang unang kaarawan ng kapwa nila penguin na si Kaya sa Manila Ocean Park. (BONG SON)

Read More »

IPRINESENTA sa media ni NBI Deputy Director for Investigation Service Atty. Vicente de Guzman ang dalawang suspek sa sim swap scam na sina Franco de Lara at Ramil Mapalad Pascual makaran maaresto sa Calamba, Laguna. (BONG SON)

Read More »

HINDI napigilan nitong Lunes ang demolisyon sa Quinta Market sa kabila ng apela sa Manila City government ng mga nagtitinda roon. Tinutulan ng mga vendor ang pagsasapribado ng nasabing palengke dahil tataas anila ang renta roon. (BONG SON)

Read More »

Smuggled na imported construction materials – Bong Son

IPINAKIKITA sa media nina Lt. Col. Marlon Alameda, Customs Police chief, at Major. Allan Cruz, Port of Manila District Collector, ang iba’t ibang smuggled na imported construction materials tulad ng ceramic tiles, sanitary wares, circuit breakers, steel sheets at resins, umabot sa halagang P14 milyon. Ang nasabing mga kargamento ay sinasabing may paglabag sa Tariff and Customs Code of the …

Read More »

MMDA inspection sa Estero De Quiapo, Manila – Bong Son

PERSONAL na ininspeksiyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang pumping stations sa Maynila upang matiyak na walang nakabarang mga basura at maayos na makadadaloy ang tubig palabas. Gayonman, nadesmaya siya nang tumambad ang tambak na mga basura na itinapon ng mga residente sa pumping station sa Estero De Quiapo sa Maynila. (BONG SON)

Read More »