Wednesday , May 22 2024
P791-M yosing ilegal, vape products, nasabat ng BoC-MICP
Phtoto Caption: ALINSUNOD sa utos ng Pangulo na higpitan ang mga hangganan laban sa pagpupuslit ng mga produktong Tabacco, ang Bureau of Customs - Intelligence Group -Customs Intelligence and Investigation Service ng Manila International Container Port (CIIS MICP) sa pamumuno ni MICP-CIIS Alvin Enciso ay nakasamsam ng tatlong 45-footer container ng mga ipinagbabawal na sigarilyo at tobacco heat sticks sa MICP. Iniharap sa media ang P450 milyong nasamsam na mga produkto sa MICP, Bureau of Customs, Designated Examination Area, CSF3, ICTSI, Isla Puting Bato, naroon sina Customs Commissioner Bien Rubio, Deputy Commissioner Juvymax Uy, CIIS Director Verne Enciso, at District Collector Carmelita “Mimel” Talusan. (BONG SON)

P791-M yosing ilegal, vape products, nasabat ng BoC-MICP

NASABAT ng Bureau of Customs – Manila International Container Port (BoC-MICP) nitong kahapon Martes, 14 Mayo 2024, ang tatlong cargo containers na naglalaman ng tinatayang  P791 milyong halaga ng ipinagbabawal na mga sigarilyo at vape products na may iba’t ibang brands mula Singapore.

Ang pagkakatuklas ng tinaguriang ‘illicit items’ ay nag-ugat sa derogatory information na natanggap ng  Customs Intelligence and Investigation Service – MICP (CIIS-MICP) sa ilalim ni Deputy Commissioner Juvymax Uy.

Nabatid sa ulat, ang kargamento ay dumating sa  MICP noong 11 May 2024.

Sinasabing ang kargamento ay naglalaman ng 3,845 cases ng tobacco products, ngunit nang isailalim sa  physical examination, lumalabas na ito ay   naglalaman  ng 4,215 master cases of cigarettes at 1,053 master cases of heat sticks.

Dagdag rito, napag-alaman na ang subject cigarettes at heat sticks ay walang mandatory printed graphic health warnings sa packaging malinaw na paglabag sa RA 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022 na ipinatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI), Administrative Order No. 22-16 series of 2022 at RA 10643 o The Graphic Health Warnings Law of 2014.

Sa ginawang beripikasyon sa National Tobacco Administration (NTA), natuklasan na ang naka-record na consignee ay hindi registered importer ng tobacco at iba pang tobacco related products, na paglabag sa  NTA Board Resolution 079-2005.

Ang MICP, sa ilalim ng liderato ni  District Collector Carmelita M. Talusan ay patuloy na susmuuporta sa direktiba ni BoC Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa pinaigting na pagmamatyag kontra smuggling attempts, kabilang ang ‘active prosecution of corresponding criminal and administrative cases against personalities involved.’

Sinabi ni Commissioner Rubio, “Our vigilant team is committed in upholding regulations and safeguarding consumers from potentially hazardous consumer products. This seizure aligns with President Ferdinand R. Marcos, Jr.’s directive to beef up our anti-smuggling efforts against illicit vape and tobacco products.”

Isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang ipalalabas laban sa nasabing  shipment dahil sa paglabag sa violation of Section 117 (Regulated Importation) in relation to Section 1113 of RA 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), RA 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022 as implemented by DTI Administrative Order No. 22-16 series of 2022, RA 10643 o The Graphic Health Warnings Law of 2014 and NTA Board Resolution no 079-2005. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

SINAMPAHAN ng kasong cyberlibel si public health advocate doctor Anthony Leachon kaugnay ng anila’y akusasyon …

Chiz Escudero Migz Zubirri

Escudero aminadong pasimuno ng kudeta laban kay Migz Zubiri

INAMIN ng bagong halal na Senate President na si Senador Francis Joseph “Chiz” Escudero na …

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

TO UPGRADE the technological capabilities and improve the productivity and efficiency of MSMEs in the …

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

NAGSAGAWA ng Citywide Clearing Operation ang pamahalaang lungsod ng Pasay partikular sa Barangay 55, 53, …

Drug den operator, PDEA regional target, 4 pa, arestado sa Subic

Drug den operator, PDEA regional target, 4 pa, arestado sa Subic

ANIM na katao na pinaghihinalaang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang drug den …