Saturday , July 27 2024

Rehistradong may-ari pinasusuko
ASUL NA BUGATTI CHIRON NEXT TARGET NG CUSTOMS

021224 Hataw Frontpage

MATINDING babala ang inihayag ng Bureau of Customs (BoC) laban sa rehistradong may-ari ng pinaghahanap na Bugatti Chiron hypersports car, hinihinalang ipinuslit papasok sa bansa dahil wala itong dokumento sa importasyon.

Nangako si Customs Commissioner Bienvenido Y.   Rubio, titiyakin nilang mahanap ang isang Thu Thrang Nguyen, ang registered owner ng asul na sports car,  may plakang NIM 5448.

“Surrender, or you will face the consequences. We already have the information on the location of the car, but we are still verifying this. But for the owner, it would be better for him to surrender, similar to what the owner of the red Bugatti did yesterday,” ayon kay Rubio.

Matatandaang ang pulang sports car, may plakang NIM 5450 at rehistrado sa isang Menguin Zhu ay una nang isinuko sa Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port (CIIS-MICP) noong Biyernes, sa isang tahanan sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.

Kasunod ito ng apela sa publiko na ginawa ng BoC kamakailan, upang matagpuan ang dalawang Bugatti Chiron sports cars—na tinatayang nagkakahalaga ng P165 milyon bawat isa ngunit walang customs duties and taxes — at nakitang bumabagtas sa Pasay, Pasig, Muntinlupa, at Cavite.

Sinabi ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, ginawa nila ang apela sa publiko matapos makompirma na ang mga sasakyan ay walang importation documents.

Naglabas ng direktiba si Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso na doblehin ang pagsusumikap upang makahanap ng lead at matunton ang asul na Bugatti Chiron sports car.

“To the owner of the blue Bugatti, I promise that we will find you. A sports car like this attracts attention on the road. With the promise of a cash reward, we expect to receive information as soon as you drive your car on the road. It’s going to be a small world from now on,” aniya.

Nag-alok rin ang BoC sa publiko na magbibigay ng cash rewards sa mga informers o whistleblowers, na makapagtuturo sa kinaroroonan ng behikulo, alinsunod sa Section 1512 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at CAO 03-2022.

Ang mga may-ari ng Bugatti Chiron cars ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 1401 in relation to Sections 1400 at 1113 ng CMTA.

Inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng mga sasakyan at kapwa importation status ng mga ito.

Nanawagan ang BoC sa Land Transportation Office (LTO) ng imbestigasyon sa pag-iisyu ng mga registration ng mga sasakyan gayong walang tamang importation documents.

Ayon sa BoC, ang mga nasabing sasakyan, nasa ilalim ng kanilang imbestigasyon mula pa noong Nobyembre 2023 matapos makatanggap ang ahensiya ng “derogatory information.”

Sa kabila ng pagsuko ng sasakyan, haharapin pa rin ng may-ari nito ang mga alegasyon alinsunod sa paglabag sa mga regulasyon ng Customs.

(BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …