Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TVC ng PAL, bongggacious

BONGGACIOUS ang latest TVC ng PAL dahil dalawang beauty queen ang tampok dito, una si Muriel Orais (na nagsasabi ng”Mabuhay”). Si Muriel ang kauna-unahang female winner ng Olive C Campus Model Search. A year after ay sumali siya sa Miss Earth at nagwagi bilang Miss Earth Air.

Ikalawa namang makikita ang Pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach, habang ipinakikita ang kagandahan ng Batanes, Rizal Monument, kalesa,  Magellan Cross sa Cebu, Chocolate Hills sa Bohol, Banaue Rice Terraces, Loboc River sa Bohol, at iba pa.

Maganda rin ang voice over ng commercial. Familiar sa akin ang boses at ito rin ang boses na naririnig natin sa tuwing sumasakay ng ibang airlines.

Kung hindi ako nagkakamali, boses ito ni Joyce Ann Burton, ang nagwaging Bb. Pilipinas 1985.

Samantala, happy si Jim Acosta, may-ari ng Olive C Soap satagumpay ng kauna-unahang Olive C female winner na si Orais from Cebu. College Nursing student pa lang si Muriel sa Velez Colleges nang sumali sa Olive C.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …