Monday , December 23 2024

Serbisyong ‘unli’ ni Sandoval

SA kabila ng pagiging Kongresista ni Ricky Sandoval sa Malabon noon pa man, hindi pa rin nagbabago ang mama sa paglilingkod sa kanyang constituents.

Kahit na masasabing marami na siyang nagawa para sa kanila, prayoridad pa rin ni Ricky ang kapakanan ng mga nagtiwala sa kanya.

Heto nga, masasabing nagawa na niya ang lahat pero sa kanya, dapat paigtingin pa ang para sa pangangailangan ng mamamayan ng Malabon. Paiigtingin pa niya ang mga programang patuloy niyang ginagawa tulad ng livelihood, edukasyon, pangkalusugan, social services and development at infrastructure.

Sa pangkabuhayan, paiigtingin ni Ricky ang promosyon ng mga produkto ng Malabon tulad ng pagkain, patis, bagoong, pagkaing-dagat at iba pa, hindi lamang sa Filipinas kundi sa buong Asya. Kasabay nito ang pagsasanay sa mga kababayan upang matuto sila ng tamang business at customer service skills.

Nariyan din ang pagkakaroon ng livelihood center sa bawat barangay upang magbigay pagsasanay sa iba’t ibang maliliit na negosyo.

Sa edukasyon, maglalaan si Ricky ng pondo para magkaroon ng maraming scholars at ng makabagong pasilidad tulad ng computer centers at iba pa sa mga pampublikong paaralan at kolehiyo. Plano rin niyang dagdagan ang suweldo o bigyan ng ayuda ang mga guro upang maengganyong magturo nang sapat at de-ka-lidad sa mga mag-aaral.

Nariyan ang planong pagtatayo ng Science High School at Vocational School sa lungsod. Kapag pangkalusugan naman ang pag-uusapan, maglalagay si Sandoval ng  mobile clinics kaagapay ang pribadong sektor. Nariyan ang programang pang-nutrisyon upang maiwasan ng mga bata ang magkasakit.

Ipagpapatuloy din niya ang libreng pagpapagamot sa iba’t ibang magagaling na government hospitals sa Metro Manila at ang community-based health missions na may layuning supilin ang mga sakit tulad ng dengue sa mga komunidad.

Hangad ni Ricky na gawing non-handicapping environment ang Malabon –  ang senior citizens at mga may kapansanan ay madaling maseserbisyohan sa kanilang mga panganga-ilangan.

Meron pa ba? Oo naman. Impraestruktura. Sa kanyang tatak bilang Mr. Responsableng Serbisyo, nais ni Ricky na patuloy pang magkaroon ng iba’t ibang proyektong pang-impraestruktura na panlaban sa pagbaha, karagdagang classrooms at school buildings, at centralized activity center sa mga barangay hindi lamang para sa matatanda kundi maging sa mga bata sa pamamagitan ng parke at laruang ligtas sa panganib.

Kaya naniniwala rin si Ricky na bukod sa mga konkretong proyekto, karapat-dapat na ang bagong Kongresista ay taglay ang mga ugali at kakayahan ng tunay na lider: ang pagiging matapat, mapagkakatiwalaan at pagkakaroon ng integridad.

Kaakibat din nito ang pagkakaroon ng pruweba ng magandang rekord sa politika na tunay ngang taglay niya sa loob ng siyam na taon paninilbihan sa Malabon.

Si Ricky bilang isang anak, ama at asawa, alam niya ang mga araw-araw na pinagdaraanan ng bawat pamilyang taga-Malabon, ang mga hinaing at mga pangangailangan. Dito nanggagaling ang kanyang inspirasyon sa kanyang de-sisyong magsilbi bilang Congressman ng Malabon.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *