Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard Quan, saludo kina Gerald at Direk Enzo

00 Alam mo na NonieWalang kaso kay Richard Quan kung madalas siyang napapasabak sa mga indie films. Parte raw ito ng kanyang trabaho bilang artista. Okay lang din sa kanya kahit medyo maliit ang budget kapag indie films.

Huling napanood si Richard sa TV series na Pangako Sa ‘Yo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pero mas madalas siya ngayon sa indie films. Ano ang mas gusto niya sa dalawa kung papipiliin? “Parehong okay naman sa akin, for as long as I get to play interesting character. It doesn’t really matter if it’s film or TV.

“Sa indie, mas maliit ang budget pero mas interesting ang characters at mas daring ang concepts, kaya exciting din. Both medium have its pros and cons naman, e.”

Sa ngayon ay ginagawa niya ang pelikulang AWOL na pinagbibidahan ni Gerald Anderson. Isa itong action movie under Cinebro ng ABS CBN.

“It’s about a military sniper na ginantihan ng mga kalaban niya at pinatay lahat ng kanyang ka-brod. That’s where the actions start. He became a vigilante, and I’m playing the investigator who wants to know the bottom of it,” pahayag niya.

Ano ang masasabi mo kina Gerald at sa direktor ninyo? “Si Gerald, seryoso siya sa craft niya. I think that’s the reason why he is on the top of his game… at walang ere si Gerald.

“Si Direk Enzo, second time ko na to work with him. Siya rin iyong direktor ng Bonifacio ni Robin Padilla, we might collaborate again on his third film. Cool ka-trabaho si Direk at sabi ko nga, sa US nag-aral kaya may pagka- Hollywood ang thinking. Pero Pinoy sa kilos at salita.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …