Monday , December 23 2024

Chiz panic mode na?

KINAKABOG na si vice presidentiable Senador Chiz Escudero.

Obserbasyon ito ng ilang kaibigan ng Senador na tumangging banggitin ang kanilang pangalan dahil hindi siya awtorisadong magsalita.

“Kinakabahan na si Chiz dahil humahabol na si Bonget sa survey,” tukoy ng aming informant.

Si “Bonget” ay si Senador Bongbong Marcos.

Nababahala na umano si Escudero sa pagliit ng lamang kay Marcos kaya’t napilitan nang kumilos.

Naiulat din kahapon ng ilang pahayagan na nagbayad umano ng P70 milyon si Escudero sa mga militanteng grupo upang ipagpatuloy ang pag-atake kay Marcos sa pamamagitan ng pag-ungkat sa nakaraan.

Ayon sa source ng pahayagang Manila Times,  itinago sa pangalang “Heart,” desperado na umano si Escudero kaya inaprubahan ang bayad sa dalawang militanteng grupo.

“Pinaghahandaan din ni Chiz ‘yung disqualification ni Grace,” dagdag ng aming source.

Nakaamba ang desisyon ng Korte Suprema tungkol sa citizenship at residency ni Senador Grace Poe, na nauna nang idineklarang diskwalipikado ng Commission on Elections.

“Kaya patuloy ang pakikipag-usap niya kay VP,” kuwento ng source.

Magugunitang sinuportahan ni Escudero si Vice President Jejomar Binay noong 2010 at kahit magkaiba sila ng running mate ngayon ay napapabalitang nagkikita pa rin sila lingid sa kaalaman ni Poe.

“Halatang may niluluto na si Chiz, pero hindi niya aaminin ‘yan nang harapan. He is too shrewd for that,” komento ng aming source.

Ilang buwan na ang nakararaan mula nang pagkikita ni Binay at Escudero sa isang kainan sa Davao City.

Hindi naitago ni Poe ang gulat ng tanungin ng mga reporter kung alam niya na nagkaroon ng miting sa pagitan ng dalawa.

“You know, I was also surprised when I saw that picture,” sagot niya.

Nagkalamat na rin umano ang relasyon ng asawa ni Poe na si Neil Llamanzares at ni Escudero matapos ang umano’y pagtatalo tungkol sa mga gastos sa kampanya. Si Llamanzares ang finance manager ng kampanya.

“Sigurista ‘yang si Chiz,” anang source. “Hindi siya papayag na matalo sa eleksiyon kaya gagawin niya ang lahat para siguruhin ang posisyon niya,” kuwento ng aming source.

Hindi ito ang unang pagkakataon na lumutang ang balitang laglagan sa kampo ni Poe. 

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *