Monday , December 23 2024

Poe-Marcos nanguna sa survey

NANGUNA sina presidential aspirant Senator Garce Poe at vice Presidential aspirant Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pinakabagong survey ng Magdalo, isang linggo bago ang kampanya.

Magugunitang noong Disyembre ay halos pareho lamang ang porsiyento nina Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Si Poe ay nakakuha ng 29.9 porsiyento sa ginanap na survey sa pagitan ng Pebrero 3-5, isang linggo bago ang halalan.

Sinundan si Poe ni Duterte na mayroong 26.6 percent na halos kaunti lamang ang lamang kay Vice President Jejomar “Jojo”Binay na mayroong 25.6 percent, pang-apat si dating Interior Secretary Mar Roxas na nakakuha ng 14 porsyento at pang-lima si Senadora Mirriam Defensor Santiago na mayroong 3.3 percent lamang.

Ayon kay Magdalo Party-List Rep. Ashley Acedillo, katulad ng mga nauna nilang survey, bukod sa pagbibigay ng pangalan ng mga tatakbong pangulo at ikalawang pangulo, tinanong din ang respondents kung ngayon isasagawa ang halalan sino ang kanilang iboboto.

Aminado si Acedillo na sa nakalipas na mga buwan ay bumaba ang rating ni Poe dahil sa disqualification case na kinahaharap.

Sa bagong development ng kaso ni Poe kaya muling bumalik ang tiwala at boto ng mga tao pabor sa kanya.

Samantala si Marcos ay nakakuha ng 28 porsiyento, pumangalawa si Senador Francis “”Chiz” Escudero na mayroong 26 porsiyento, pangatlo si Senador Alan Peter Caye-tano na mayroong 16.1 percent, sumunod si Congresswoman Leni Robredo na mayroong 14.3 percent, Senador Antonio Trillanes na mayroong 8.4 percent, at Senador Gregorio Honasan na mayroong  walong porsiyento.

Ang naturang surevy ay ginamitan ng multi-stage probability sampling design na mayroong mahigit sa 3,000 respondents sa iba’t ibang rehi-yon ng bansa na mayroong margin of error na 1.8 percent.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *