Thursday , January 9 2025

Kolehiyala ginilitan sa leeg ng BF (Nang-block sa FB)

CEBU CITY – Ginilitan sa leeg ng isang 18-anyos lalaki ang kanyang girlfiend bunsod nang matinding selos sa Brgy. Puti-an, bayan ng Bantayan, Cebu kamakalawa.

Ayon kay PO1 Jay Desucapan ng Bantayan Police Station, nag-away ang dalawa dahil nagduda ang suspek na may ibang minamahal ang 18-anyos nobya na nag-aaral ng kolehiyo sa bayan ng Madredijos sa nasabing isla.

Ito’y dahil sa pag-block ng biktima sa suspek sa social media na Facebook at hindi na makontak sa telepono.

Aniya, kinompronta ng suspek ang biktima sa mismong bahay ng kanyang nobya at sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay biglang kumuha ng kutsilyo ang salarin at nilaslas ang leeg ng kolehiyala.

Inamin ng suspek ang krimen at sinasabing nagawa niya iyon dahil sa hindi pag-amin ng biktima na mayroon na siyang iba.

Samantala, sinabi ng mga doktor na kaunti na lamang at malapit nang maputol ang lalamunan ng biktima.

Kusang sumuko ang suspek sa ama ng biktima na isang barangay tanod.

Nasa mabuti nang kalagayan ng biktima na mariing pinabulaanan ang akusasyon ng nobyo partikular ang pag-block sa Facebook.

About Hataw News Team

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *