Sunday , December 22 2024

Libel vs Hataw ibinasura ng Manila RTC (Impormasyon ng MPD Police palpak)

IBAY MR deniedIBINASURA ng korte ang kasong Libel laban sa publisher at kolumnista ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan na si Jerry Yap na inihain ng isang opisyal ng pulisya ilang taon na ang nakararaan.

Sa utos ni presiding judge Hon. Josefina Siscar ng Regional Trial Court (RTC) Branch 55 ng Maynila binalewala nito ang Motion for Reconsi-deration (MR) na inihain ng pulis na si S/Insp. Rosalino Ibay kaugnay ng kasong Libel laban kina Yap, sa editor na si Gloria Galuno at sa circulation manager na si Edwin Alcala.

Ayon kay Siscar, iginigiit ni Ibay na ang kanyang Sala (Branch 55) ay nanghimasok umano sa kasong Libel na kanyang inihain laban sa tatlo (Yap, Galuno at Alcala).

Nais ni Ibay na panatalihin at kilalanin ni Siscar ang desisyon ni presiding Judge, Hon. Janice Yulo-Antero ng RTC Branch 16, pinanggalingan ng nasabing kaso, na ang orihinal na impormasyon ay pinal sa sala ng huli dahil hindi naman nag-apela ang mga akusado.

Ngunit iginiit ng abogado ng mga akusado na si Atty. Berteni “Toto” Causing, na ang ruling na inilabas ng RTC Branch 16 Manila ay “void” dahil base sa impormasyon ang insidente ay ‘hindi nangyari’ kahit kailan at walang ano mang legal effect para muling idetermina ang kaparehong kaso o kaya’y baliktarin kung maaari.

Ipinaliwanag ni Siscar sa kanyang Order,  ang ano mang ‘void rulings’  ay hindi naggagawad ng ano mang karapatan, kaya ang prosekusyon at ang private complainant ay hindi maaaring magkaroon ng ‘karapatan’ mula sa isang “null and void” rulings  ng pinanggali-ngang hukom.

Inilinaw din ni Siscar na ang sala ni Antero, RTC Branch 16, ay walang hurisdiksiyon sa nasabing kaso batay sa orihinal na impormasyon na ipinasa sa nasabing RTC branch.

Lumabag umano ang nasabing impormasyon na ipinasa sa RTC Branch 16 sa itinatakda ng Artikulo 360 ng Revised Penal Code (RPC).

Sapat na rin umanong ipaunawa, na kaiba sa civil cases, ang venue o lugar ay jurisdictional sa criminal cases.

“As such any order emanating from the court which has no jurisdiction to try the case is null and void. A void judgement for want of jurisdiction is no judgement at all,” diin ni Siscar sa kanyang Order.

Idinagdag na, “All acts performed pursuant  to it and all claims emanating from it have no legal effect (see Calanza v. Paper Industries Corporation of the  Philippines G.R. No. 146622 April 24, 2009).”

Kaya ang direktiba ng dating hukom (Antero) sa prosekusyon na amyen-dahan o susugan ang orihinal na impormasyon ay “void.”

Hindi rin umano pinapayagan ang pag-amyenda sa orihinal na impormasyon sa ilalim ng umiiral na Batas.

“With the forgoing, the Motion for Reconsideration is hereby denied  for lack of merit.”

Pagwawakas ni Siscar sa kanyang Order na tuluyan nagbasura sa mosyon ng pulis na si Ibay.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *