Sunday , December 22 2024

Dinastiya sa Nueva Ecija wawakasan ng kabataan

NANANAWAGAN ang grupo ng mga kabataan na Novo Ecijano Laban sa Dinastiya (NoELD) na panahon na upang wakasan ang mahigit 20 taon pamamayani ng pamilya Vargas sa Aliaga, Nueva Ecija na nasa watchlist ngayon ng Philippine National Police.

Dapat nagwakas na ang 22 taon paghahari ng mga Vargas sa bayan ng Aliaga matapos ideklara ng korte na natalo sa halalan noong 2013 si Mayor Elizabeth Vargas ngunit hindi pinaupo ni dating Comelec chairman Sixto Brillantes Jr., ang nanalo sa kalamangan 11 boto na si Reynaldo Ordanes.

“Sobra na ang 25 taon paghahari ng mga Vargas sa bayan ng Aliaga at ngayon ang itatakbo naman ng Liberal Party (LP) ay si Boy Vargas, tiyak na gagamitin ng Malakanyang ang makinarya nito para Vargas na naman ang maupo sa aming bayan,” ayon kay NoELD chairman  Jose Martin.

Bukod kay Vargas, muling tatakbo si Ordanes bilang alkalde sa ilalim ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) kaya inaasahang muling makikialam si Brillantes sa halalan.

Ayon kay Martin, may mga nagpapanggap na may koneksiyon sa Comelec na mandaraya sa pamamagitan ng election magic (E-Magic) pero kikilos ang grupo nila para maging malinis ang eleksiyon at magwakas na ang dinastiya sa kanilang bayan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *