Sunday , December 22 2024

Romualdez naghamon sa presidentiables: Climate Agenda Nasaan?

020116 FRONTTATLONG buwan bago ang halalang pampanguluhan, matapang na hinamon ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang mga kumakandidato bilang pangulo na ilatag na sa publiko ang kani-kanilang mga plano tungkol sa pagpapagaan ng epekto ng climate change upang makapamili ang mga botante ng lider na mangunguna sa pagsasakatuparan ng sapat na paghahanda ng bansa sa negatibong epekto ng pabago-bagong klima.

“Tayo ang pang-apat na bansang palagiang dinadalaw ng sakuna sa buong mundo base sa ulat ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR) at ng Centre on the Epidemiology of Disasters (CRED),” ayon sa miyembro ng Committee on Climate Change ng Mababang Kapulungan.

“Kailangan ng ating mga kababayan ng isang lider na may kongkretong plano upang tugunan ang climate change. Hindi tayo maaaring magluklok ng isang taong mangangapa lamang sa usapin ng disaster mitigation at pangangasiwa; napakapeligroso nito para sa buhay ng naghihirap na ngang mga kababayan,” ayon kay Romualdez.

Idinaing ng abogadong nagsanay sa UP ang pagkakabulok ng isyu sa pabago-bagong klima sa pinakadulo ng listahan ng mga usaping panghalalan at iginiit na dapat unahin ng susunod na administrasyon ang pagbabalangkas ng komprehensibong plano sa climate change adaptation dahil mgangahulugan umano ng ‘malaking gastos’ at ‘isang kahangalan’ din ayon sa kanya ang pagsasawalang-kibo sa bagay na ito.

“Umabot sa 274 natural na kalamidad ang sumalanta sa Filipinas mula 1995 hanggang 2015. Ang mga bansang nakahihigit sa atin sa bilang na ito ay Estados Unidos, China at India lamang. Tanging ang mga hangal na walang puso ang hindi maaantig sa babalang ito na siya na ngayong itinuturing na ‘bagong normal o pangkaraniwan.’ Napakalaki ng implikasyon ng ating pagsasawalang-bahala,” dagdag ni Romualdez na kumakandidato bilang senador.

Ibinahagi ni Romualdez ang pinagdaanan ng kanyang lalawigan noong Nobyembre 2013 nang manalanta ang bagyong Yolanda sa kalakhang Visayas at kung paano pinalakas ng karanasang ito ang kanyang determinasyon na isulong ang pagbabalangkas ng mas komprehensibong polisiya sa climate change.

Ang bagyong Yolanda ang isa pinakamalakas na likas na kalamidad na naitala sa kasaysayan ng mundo at itinuturing ito bilang pinakamapanganib dahil 6,300 buhay ang kinitil, 5,370 sa bilang na ito ay mula sa Leyte. Ang halaga ng pinsala sa ari-arian at impraestruktura ng bagyong Yolanda ay tigkop ang paningin at sapat ang kakayahang pamunuan ang bansang humarap sa ano mang hamon na ibibigay ng tadhana sa atin – at may pusong uunawa at lilingap sa mga kababayan nating pinakanaapektado ng mga trahedyang dala ng kalikasan. Isang lider na magsasabing ‘kasama ninyo ako,’ hindi ‘bahala na kayo.’ Nais mang umambag at makipagtulungan ng mga lokal na opisyal, magbigay ng giya at direksyon ang national government kabilang na ang mga kagamitan, pondo at ekspertong tauhan upang palakasin silang mga nasa kanayunan,” bigay-diin ni Romualdez.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *