Sunday , December 22 2024

Ahensiyang mala-FEMA likhain — Romualdez (Kailangan na)

012916 FRONTBatid ang banta ng kalamidad na nakaumang sa bansa, nananwagan kamakailan si 2016 senatorial candidate Martin Romualdez sa paglikha ng ahensyang katumbas ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) ng Estados Unidos kasabay ng pahayag na “kailangan na nating seryosohin ang pagpapatatag ng kasalukuyang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang lalo pang mapalawak ang kahandaan at sistema ng disaster response nito.”               

Ang FEMA ay isang ahensyang nakapailalim sa US Department of Homeland Security. Ang layunin nito ay ang makipagugnayan sa lahat ng hakbang ng mga ahensya ng US federal government sa sandaling may malaking sakunang tumatama at hindi nakakayanan ng mga lokal at state agencies ang pagtugon sa pinsalang hatid nito.

“Kailangan na nating iangat ang antas ng disaster management sa ating bansa tungo sa isang posisyong katumbas ng isang ahensya ng gabinete,” giit ni Romualdez.

“Karaniwan nang nasa siyam na bagyo ang tumatama sa ating bansa kada taon at umaabot na sa bilyong piso ang halaga ng rehabilitasyong kinakailangan upang maisaayos ang naiwang pinsala sa bakas nito. Nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire tayo na sadyang tinatahak ng mga kalamidad, hindi lang bagyo kundi mga lindol at pagputok ng bulkan. Ang mga kadahilanang ito ay sapat nang katwiran sa paglikha ng ahensyang full-time at kalebel ng isang ahensya sa gabinete katulad ng FEMA sa US,” himok pa ni Romualdez.

Ipinakita din ng beteranong mambabatas mula sa UP ang mga limitasyon ng kasalukuyang NDRRMC.

“Katunayan nito, ang NDRRMC ay halos ahensyang adhoc lamang – aktibo kapag kailangan. Wala itong ginagawa, hindi natin nararamdaman ang pagkilos, kapag wala namang aktwal na pagtama ng kalamidad.”

Sa pagkakalikha ng naturang ahensya, sinabi ni Romualdez na maisasakatuparan na ng gobyerno ang komprehensibong hakbang sa buong bansa gaya ng mga pagsasanay, mas mahigpit na pakikipag-ugnayan sa higit na maraming mga organisasyon at ahensyang gaya ng Department of National Defense, Department of Education at ng Department of the Interior and Local Government.

“Isa sa mga kaibahan nito sa kasalukuyang NDRRMC ay ang kakayahang magbigay ng mga kawani at expertong magsasanay at maghahanda ng mas madalas sa mga lokal na pamahalaan.”

“Ang kagawarang katulad ng FEMA ay maaari ding bigyan ng kapangyarihang maglaan ng mga kinakailangang pautang sa mga biktima ng kalamidad upang maiwasan na ang mahabang ‘redtape’ na dinaranas sa kasalukuyan. Batid natin ang mga reklamo ng makupad na pangangasiwa ng DSWD sa pagpaaabot ng tulong tuwing may kalamidad. Kaya nang solusyunan ito kung may permanenteng ahensya na mangangasiwa sa pagtugon sa mga usapin bago, habang at matapos manalasa ang mga sakuna,” paliwanag pa ni Romualdez.

Ang pagkakatalaga umano ng administrasyong Aquino ng usang “rehab czar” matapos ang Bagyong Yolanda ay nagpakita lamang ng kakulangang ito ng isang pansamantalang ahensya para sa disaster management.

Umabot sa 6,300 ang nasawing biktima ng Yolanda at kalahating milyong mga Pilipino ang nawalan ng tirahan.

Panahon na upang seryosohin natin ang panukalang ito. Taga-Tacloban ako at nakita ko mismo kung gaano kalaki ang pinsalang maaari pang idulot ng kawalan ng isang ahensyang nakatutok upang ipag-ugnay ang pagkilos ng gobyerno kapag tumama ang sakunang gaya ng Yolanda. Kailangan nating matiyak na hindi na mangyayari ang mga pagkakamaling ginawa ng nakaraan, hindi lamang sa Visayas kundi pati na rin sa marami pang lugar sa bansang madalas bisitahin ng mga kalamidad,” giit pa ng mambabatas.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *