Thursday , June 4 2026

Ex-vice mayor tiklo sa droga

ARESTADO ang isang dating vice mayor sa bayan ng Famy sa lalawigan ng Laguna makaraang isilbi ang search warrant sa kanyang farm sa Brgy. Salang Bato, bayan ng Famy, sa nabanggit na lalawigan.

Kinilala ni Laguna PNP provincial director, Senior Supt. Ronnie Montejo ang suspek na si Amadeo Punio alyas Deo, dating vice mayor ng Famy.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang shotgun, .22 rifle, revolver, homemade cal .22, hand grenade, drug paraphernalia at ang tinatayang 117.65 grams ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P500,000.

Si Amadeo sinasabing miyembro ng criminal gang sa nabanggit na bayan.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong illegal possession of dangerous drugs, illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of explosives. 

Boy Palatino

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …