Friday , November 15 2024

Magtiyahin patay, 3 sugatan sa charger (Sa Negros)

BACOLOD CITY – Patay ang magtiyahin habang tatlo ang sugatan sa nangyaring sunog sa Negros Occidental dakong alas-1:20 a.m. kahapon.

Kinilala ang mga namatay na si Lalaine Francisco at pamangkin niyang si John Lloyd alyas Jim-Jim, 12-anyos, residente ng Brgy. 9, Victorias City.

Habang ang mga sugatan ay kinabibilangan ni Rowena Francisco, at mga anak niyang sina Angel at Jan Micheal alyas Jan-Jan.

Ayon kay Supt. Santiago Rapiz, hepe ng Victorias City Police Station, ang na-overheat na universal charger ang dahilan ng apoy nang makalimutan ni Rowena na kunin ang naka-charge na battery at lumiliyab na nang siya ay magising.

Mabilis na kumalat ang apoy sa linya ng koryente papunta sa kisame ng semi-concrete na bahay na may kalumaan na rin.

Sinasabing nakalabas na sa bahay ang mga biktima ngunit bumalik si Jim-Jim kaya hinabol ng kanyang tiyahin at nagkataon na bumigay na ang sahig ng pangalawang palapag ng bahay kaya na-trap sila at kasamang nilamon ng apoy.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *