Sunday , December 22 2024

School service naipit sa 2 truck, 2 sugatan

SUGATAN ang dalawang estudyante ng St. Theresa’s College sa Quezon City nang maipit ang kanilang school service sa dalawang truck nitong Miyerkoles ng umaga.

Papasok sa eskuwelahan ang mga bata nang biglang banggain ng isang trailer truck sa likod ang kanilang school service sa Mindanao Avenue.

Kuwento ni Eduardo Danao, service driver, nakahinto sila dahil traffic ngunit bigla silang sinalpok ng isang humaharurot na trailer truck (XSK 167).

Sa lakas ng pagsalpok, bumangga pa ulit ang school service sa dump truck sa harapan ng school service.

Naipit ang paa ng 8-anyos mag-aaral na nakaupo sa harap ng service, at nasugatan din ang isa pang 11-anyos estudyante.

Isinugod ang mga biktima sa Global Hospital. Pinalad na hindi nasugatan ang isa pang estudyante at ang konduktor ng service.

Depensa ng driver ng trailer truck na si Romeo Daz, pababa ang daan kaya sila bumulusok.

Hindi aniya mabilis ang patakbo niya at hindi rin siya nawalan ng preno.

Ayon kay Quezon City Traffic Sector 6 field investigator na si Christian Mendieta, mahaharap si Daz sa reckless imprudence resulting in damage to property and multiple physical injuries.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *