Friday , November 15 2024

Comelec humirit sa SC ng extension sa kaso ni Poe

HUMIRIT ang Commission on Elections sa Korte Suprema ng karagdagang panahon para tumugon sa dalawang petitions na inihain ni Sen. Grace Poe kaugnay ng kinakaharap niyang disqualification case sa 2016 presidential elections.

Ito ay makaraang maghain ng manifestation ang Solicitor General sa Korte Suprema na nagsasabing hindi nila maaring katawanin ang Comelec dahil kinakatawan na nila ang Senate Electoral Tribunal (SET) sa hiwalay na kaso ni Poe.

Sa kanilang “very urgent” manifestation, sinabi ng Comelec noong Disyembre 27 sila nakakuha ng kopya ng temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema, habang nitong Enero 4 lamang nakakuha ng kopya ng petitions.

Dahil dito, humirit ang Comelec ng karagdagang limang araw mula sa unang deadline na Enero 7, at nais nilang gawin ang bagong deadline sa Enero 12, 2016 para magsumite ng komento sa dalawang petitions ng senadora.

“This manifestation with very urgent motion for extension of time to file comment is not intended to delay the proceedings but based solely on the ground stated above,” ayon sa Comelec.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *