Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Call center agent tumalon mula 10/F ng gusali

HINIHINALANG tumalon ang isang call center agent mula sa ika-10 palapag ng gusaling kanyang pinagtatrabahuan kahapon sa Makati City.

Kinilala ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Ernesto T. Barlam ang biktimang si Wilson Binauhan, 27, call center agent sa SKYKES Marketing Incorporated, sa 5th floor, Glorietta 1, Ayala Center ng lungsod, residente ng 226 Calumpang Cerca, Indang, Cavite.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Jason David, ng Homicide Section, dakong 1:20 a.m. nang matagpuan ang biktima na wala nang buhay ng kanyang mga kasamahan sa roof deck ng ikaapat na palapag ng Glorietta 1, Ayala Center.

Hinala ng pulisya, mula sa non-smoking balcony, pantry area na matatagpuan sa 10th floor ng gusali  posibleng tumalon ang biktima.

Sinabi ng pulisya, posibleng may matinding personal na problema ang biktima kaya nagpakamatay.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Makati City Police upang mabatid kung may naganap na foul play sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …