Sunday , December 22 2024

Fireworks Display Susungkitin Ng PH (Tatlong world records sisirain)

1228 FRONTBAGONG world record sa bagong taon.

Malaking fireworks display na ikamamangha ng mga manonood sa pagsalubong ng bansa sa Bagong Taon ang babasag sa tatlong records sa mundo na kasalukuyang nakatala sa Guinness Book of World Records.

Ang nasabing fireworks display ay isasagawa sa Ciudad de Victoria na kinaroroonan ng pamosong Philippine Arena bilang bahagi ng taunang aktibidad na isinasagawa sa loob ng dalawang magkakasunod na gabi upang salubungin ang Bagong Taon.

Itatampok ang concert nina Arnel Pineda at Apl.De.Ap sa Great Stars at the Philippine Arena at sasamahan ng konsiyerto ng malalaking talento sa Philippine Stadium.

Darating sa nasabing selebrasyon, ayon sa mga organizer, ang mga kinatawan ng Guinness upang kompirmahin at saksihan ang pagsungkit ng bansa sa mga sumusunod na world records sa kasalukuyan: “Largest fireworks display,” “Longest line of sparklers lit in relay,” at ang “Most sparklers lit simultaneously.”

Bukas sa publiko ang nasabing selebrasyon na mag-uumpisa sa Disyembre 30. 

Ayon kay Atty. GP Santos, chief operating officer (COO) ng Maligaya Development Corporation, mamamangha ang mga dadalo sa pambihirang pangyayaring  ito.

“Bukod sa pagnanais na manalo ng mga bagong pagkilala para sa ating bansa, nais din nating bigyan ang ating mga kababayan ng pagkakataong makibahagi sa ibang klaseng pagdiriwang sa darating na Bagong Taon – kaiba ito sa pagsisindi ng paputok at pagpapaputok ng baril ng ilan, na kadalasang sanhi ng sakuna at minsan’y nauuwi sa kamatayan,” paliwanag ng abogado.

“Sa ganitong paraan ng mga selebrasyon, hindi lamang natin gagawing mas ligtas para sa ating mga kababayan ang ating pagdiriwang tuwing Bagong Taon  — gagawin din natin silang kabahagi sa pag-ukit sa bago nating kasaysayan,” ayon kay Santos.

Dagdag sa fireworks display at mga concert, matutuwa umano ang mga dadalong pamilya sa iba pang mga atraksiyon sa Ciudad de Victoria gaya ng mini-zoo, carnival rides, mga inflatable craft, amusement games, magic shows, laser lights, kite festival, mga mascot, parada at bazaar na nandoon.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *