Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katawan ng pinugutang Malaysian nakita na?

ZAMBOANGA CITY – Bineberipika na ng militar kung sa Malaysian kidnap victim na pinugutan ng ulo, ang narekober na kalansay sa Sitio Lungon-Lungon, Brgy. Lanao Dakula, Parang, Sulu kamakalawa.

Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), nagsasagawa ng patrolya ang mga kasapi ng 501st Marine Brigade dakong 10 p.m. kamakalawa nang makita ang kalansay sa naturang lugar.

Ayon sa militar, malaki ang posibilidad na ang nasabing kalansay ang nawawalang bangkay ng Malaysian kidnap victim na si Bernard Then Ten Fen dahil napag-alamang wala itong ulo.

Nabatid na dinala agad ng mga sundalo sa KHTB Trauma Hospital ang nakitang kalansay.

Kung maaalala, nakita ang pugot na ulo ng Malaysian national na isinilid sa sako noong Nobyembre 17 sa Brgy. Walled City sa bayan ng Jolo.

Magugunitang dinukot ang biktima ng mga armadong kasapi ng bandidong Abu Sayyaf kasama ang una na ring pinalayang babaeng Malaysian national na si Thein Nyuk Fun, noong Mayo 14, 2015 sa Sandakan, Malaysia.

Lumalabas sa mga impormasyon na ang pamumugot ng ulo sa lalaking Malaysian national ay resulta nang hindi pagbigay ng hinihinging malaking ransom demand ng Abu Sayyaf.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …