HINAMON ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., si Davao City Mayor at PDP-Laban standard bearer Rodrigo Duterte na pangalanan kahit isa man lang sa sinasabing pinatay niyang kriminal.
Sa ambush interview kay Belmonte, vice chairman ng Liberal Party (LP), sa ginanap na Pamaskong Handog ng PAGCOR 201 sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City, sinabi ng House Speaker, kung walang kikilanin si Duterte kahit isa man lang sa sinasabi niyang 1,700 kriminal na ipinatumba niya, malinaw na nagpapasiklab lang ang alkalde.
“Ako naman, ang aking question, name names. madaling magsalita e. E kung sabihin ko, 25 na napapapatay ko, may maniniwala ba? Name names, even one name lang,” aniya.
Sa nasabing okasyon ay panauhing pandangal si Pangulong Benigno Aquino III.
“Baka image making lang ito. I would like to dare our very brave mayor, name names, ‘wag yung puro, pinatay ko ‘yan, pinatay ko ito, papapatayin ko ito, papapatay ko kayong lahat, wala ‘yan, name names,” sabi ni Belmonte.
Umaasa si Belmonte na kayang bigyang katuwiran ni Duterte ang “extra-judicial killings” na kinasangkutan niya dahil umaasta naman siyang, prosecutor, pulis, judge, Supreme Court at executioner.
“Basta name names lang. I just assume na kaya niyang depensahan ang sarili kung bakit sya pumatay ng mga tao. Prosecutor siya, police siya, judge siya, supreme court siya, executioner siya, pinagsama-sama niya, baka naman he can justify,” dagdag ni Belmonte.